The next day after Sophia and Sir Philip went here ay nagdecide akong umalis sa bahay para dumalaw sa ospital kung nasaan ngayon ang Dad ni Trey. Inaasahan na kasi ako ng mga magulang ni Trey kaya dadalaw ako ngayon sa ospital. Hindi naman din kasi ako makatanggi sa kanila.
Saglit lang akong dumalaw roon tsaka mabigat pa ng loob ko dahil sa mga nalaman kahapon. Nagdahilan na nga lang ako kasi nakakahiya naman kina Tita at Tito.
Nang papauwi naman na ako ay inihatid ako ni Trey kahit ayoko na sana. Hindi rin naman kasi ako nakatanggi pa sa kaibigan ko lalo na at malapit na silang bumalik sa Pilipinas.
"Trey, kailan nga ang uwi niyo sa Pilipinas?" I asked him.
"Sa makalawa na. Bakit?"
"Ah..wala naman." I answered saka winaglit sa isip ang ideyang kagabi ko pa iniisip. It's not a good choice to make, tho.
"May problema ba Rish?" He asked at mabilis naman akong umiling.
"Wala Trey. Dito nalang ako at baka makita ka pa ni Zac na hinahatid mo ako." Pagsisinungaling ko.
"Huh? Whats wrong with that? Wala naman tayong ginagawang masama."
"Uhm..si Zac kasi, nagalit siya nang malaman niyang nagkita tayong dalawa kasama ang mga anak namin."
"Oh eh anong mali don? Tsaka magkaibigan naman tayo?"
"Zac doesn't want me to be with you."
"Thats bullsh*t Rish! Anong gusto niya? Ikulong ka at hindi ka pwedeng makipagkita sa kahit na kaninong kaibigan?"
"Hindi naman Trey, it's just that.."
"Rish, you are like my sister at minsan lang tayong magkita. And besides, don't let that man rule you at mas lalong wag mong ikulong ang sarili mo dahil lang sa lalaking yon. It's not healthy for a relationship."
"I know but I'm really sorry Trey. Pwede naman kitang tawagan paminsan minsan. Mamimi--"
Hindi naman natuloy ang sinasabi ko nang may marahas na kamay ang humila sa akin palayo kay Trey.
"Are you really testing my patience woman??!" sigaw ni Zac dahilan para marami ang napatingin sa gawi namin.
Sh*t! Ito na nga bang sinasabi ko!
"Zac bitawan mo ako! Nasasaktan ako!" Protesta ko pero hindi siya nakinig at mas hinigpitan pa ang pagkakahawak sa akin.
"Miller! Stop harassing Irish!" Galit namang sambit ni Trey nang makitang nasasaktan na ako sa ginagawa ni Zac.
"Wag kang makialam ditong gago ka!" Balik sa kanya ni Zac sabay itinulak ito palayo.
"Makikialam ako kasi kaibigan ko yang sinasaktan mo!"
Bago pa sila mag-away ng husto ay pinakusapan ko nalang si Trey na umalis.
"Trey umuwi ka na sige na."
"But Rish, he's hurting you!"
"It's okay--" hindi ko na naman natuloy ang sasabihin ko nang hinila na ako ni Zac papasok sa building at agad tinungo ang elevator paakyat sa penthouse niya.
Pagdating sa penthouse ay idineretso niya ako sa kwarto at pabalibag niya akong tinulak saka sinigawan.
"How many times do I have to tell you to stop seeing that bastard! Ganon ka na ba talaga kalandi ha? Ano bang habol mo sa kanya? Pera? Magkano ang binabayad niya sayo at dodoblehin ko!" Pagkasabi niya non ay malakas ko siyang sinampal.
How dare him to say that!
"Ganon na ba talaga kababa ang tingin mo sakin ha? Malandi? Nagpapabayad?"
BINABASA MO ANG
HEART SERIES 2 - Karma Butterfly(Electric Hearts)✓[Completed]
Cerita Pendek♡ Heart Series 2 ♡ Good thinking can result to a good decision making. Ni minsan ay hindi ka nagkakamali sa mga desisyon mo kasi pinag-iisipan mong mabuti ang mga ginagawa mo. But..what if yung inaakala mong tamang desisyong ginawa mo ay isang malak...