It took so much time to settle everything and now naibalik na nga ang lahat kay papa. Hindi ito mangyayari if not because of Zac. He really did everything thats why umayos na ang lahat.
Marami ang nagulat sa katotohanan especially all the employees but then all of them were also happy kasi wala na nga sa puder ng matanda ang kumpanya. She's really cruel and now pinagbabayaran na niya ang mga kasalanan niya sa kulungan. Hindi kasi ibig sabihin na matanda na siya ay hindi na niya pwedeng pagdusahan ang mga kasamaang ginawa niya sa mga taong hinamak niya.
"Thank you for helping us out George." Sambit ni Papa kay Tito George na asawa naman ni Tita Casandra.
"It's nothing Enzo and I should be the who should thank you. I am now free from my mother in law and I can now freely do what I wanted to do eversince before. Anyways, will you be the one who will handle the company starting tomorrow?"
Napagkasunduan kasi nilang bukas na magsisimulang ipasa ang bagong pamumuno at gaya nga ng gusto ni Papa ay si Flaime ang mamamahala sa kumpanya sa Pilipinas at siya naman dito. As for me ay ako ang papalit sa iniwang posisyon ni Tita Casandra bilang head ng Finance department dito. I already resigned sa pinasukan kong restaurant sa Pilipinas bago kami umalis kaya wala narin akong trabaho ngayon. Tsaka sina Tito George at Tita Casandra ay tutulak papuntang Germany at doon magbabagong buhay.
"I will George and my son will handle every properties of Dad in the Philippines."
"Thats good to hear."
Habang nag-uusap naman si Dad at si Tito ay biglang dumating si Sophia na kanina pang wala rito. Galit na galit ito at nang mahagip niya ako ay mabilis niya akong sinugod at akmang sasampalin ako nang hindi siya nagtagumpay dahil humarang sa harap ko ang asawa ko.
"Get out of my way Phinyx!! Kaylangang managot ng babaeng yan dahil pinakulong niya ang mamita ko!"
Hesterikal nitong sambit na mukhang hindi alam ang puno't dulo nang nangyayari."Don't you dare touch my wife Sophia and please know everything first before blaming someone!"
"I know everything! Sinabi sa akin ni mamita! Siya at ang pamilya niya ang may kasalanan ng lahat! D*mn you b*tch! Lahat nalang nang meron ako sinisira mo!!"
What?? At kailan naman ako nanira sa kanya? Eh siya nga tong laging naninira sa buhay ko. Tsk!
"Stop it Airha Sophia!! It was your grandmothers fault why she's in jail right now!"
"No way! Thats not true! Mabait ang mamita ko!!" Pagtatanggol niya sa matanda na ikinailing ko naman. Mahal na mahal niya talaga ang lola niyang kriminal at manloloko!
"Stop it hija. Lets go. Uuwi na tayo. I'm so sorry for this Enzo. She doesn't know anything."
Tumango naman si Papa and then wala nang nagawa si Sophia dahil pinagtulungan na siya nang mga magulang niyang makaalis kahit panay parin ang salita nito ng masasama sa akin at sa pamilya ko. Magbabago pa kaya ang babaeng yon? Siya talaga ang nagmana sa ugali ng lola niya at sana karmahin din siya para magtanda.
"Umuwi na kayo ng anak ko hijo. Kami na ang bahala dito at baka hinahanap na kayo ng mga apo ko. Ikaw rin Flaime at kailangan ka pa ng asawa mo."
Tumango naman ang kapatid ko at pati si Zac sa sinambit ni Papa.
"Sure sir and call me if you need anything. Handa narin naman ang secretary niyo at siya na ang bahalang mag-assist sa inyo."
"Thank you."
"Sa bahay nalang tayo mag-usap pa. Ipapasundo ko nalang kayo mamaya dito."
"Sige anak."
Sabay na kaming lumabas sa building na tatlo at nang makapag-isa na kaming dalawa ni Zac sa sasakyan ay doon lang ako nakapagpasalamat sa kanya sa lahat ng ginawa niya.
BINABASA MO ANG
HEART SERIES 2 - Karma Butterfly(Electric Hearts)✓[Completed]
Short Story♡ Heart Series 2 ♡ Good thinking can result to a good decision making. Ni minsan ay hindi ka nagkakamali sa mga desisyon mo kasi pinag-iisipan mong mabuti ang mga ginagawa mo. But..what if yung inaakala mong tamang desisyong ginawa mo ay isang malak...