10 years later..
Napakabilis lumipas ng panahon at hindi ko aakalain na matapos ang lahat ay nakuha ko parin ang asawa ko. Irah and our kids is my life and I'll do everything for them whatever it is.
It's been ten years at sa loob ng mga taong yon pagkatapos naming ikasal ulit ay mas tumibay pa ang relasyon namin. We also had another three kids after Nyxiah and Irian that is why sobrang saya ng pamilya ko lalo na kapag magkakasama kami.
"Sup dude! Balita ko buntis na naman asawa mo. Iba ka talaga!" Lancer said saka ako inakbayan.
He invited me to have a drink at kung hindi pa ako pinilit ng asawa ko ay hindi ako pupunta dito kasama ang gagong to.
And yes, tama kayo nang narinig because my wife is very pregnant again with our sixth child. Wala eh, masyadong sexy at maganda ang asawa ko kaya hindi ko mapigilang galingan lagi.
"Ganyan talaga dude. Ikaw ba? Wala ka bang balak sundan ang bunso niyo ni Haz?"
"Ayaw ng asawa ko dude, tama na daw ang dalawa."
"Gayahin mo kasi ako."
"Tsk. Nga pala, ang sabi ni Aspero interesado na daw siyang bilhin ang bahay mo sa Pilipinas. Nagustuhan daw kasi ng asawa niya kaya bibilhin niya. Ang lokong yon may tinatago palang kayamanan."
"I'll call him later. Thanks for informing me."
"Bakit mo nga pala ibebenta yon? Wala na ba kayong balak magbakasyon sa Pilipinas?"
"Meron naman pero may property akong binili sa probinsya tsaka masyadong maliit para sa amin ang dating bahay ko."
"Beach house?"
"Yeah..the kids loves the sea thats why naisipan kong bumili."
"Oh okay."
Hindi paman ako nakakalahati sa mga inuming binili ko ay nakatanggap ako ng tawag galing sa asawa ko.
"Love, may problema ba?"
‘Sorry to disturb you love but can you buy me some dumplings? Nagugutom kami ni baby.' anito sa kabilang linya kaya napangiti naman ako.
"Sure love, no problem. I'll be there in an hour."
‘Thanks love! I love you!'
"I love you too."
Pagkababa ng tawag ay nagpaalam na ako sa kaibigan ko na uuwi na.
"My wife is craving for some dumplings kaya uuwi na ako."
"Wrong timing naman si Irish. Sige na at uuwi narin ako mayamaya lang. Ikamusta mo nalang ako sa mag-ina mo."
Tumango nalamang ako saka umalis na para makahanap ng dumplings na gusto ng asawa ko. At habang nasa daan ay naalala ko naman yung mga oras dati na naglilihi rin siya. She's craving for some exotic foods at hindi ko lubos akalain na nakakahanap ako noon para maibigay sa kanya. Though one time ay wala akong nakita kaya nagalit siya sa akin at halos isang linggo niya akong hindi pinansin.
Thats was my worst day kaya pagkatapos non ay natrauma na ako at sinusunod ko talaga ang mga gusto niya.
"Whats that Dad?" Nyxiah asked nang makita ako.
Shes turning 16 soon at parang kailan lang noong mga bata pa sila.
"You're mom wants some dumplings today. Tawagin mo nga mga kapatid mo at binilhan ko rin kayo. Pupuntahan ko lang ang mommy niyo."
"Yes Dad, thank you."
A moment later ay natagpuan ko ang asawa kong abala sa kakapanood ng hindi ko maintindihang palabas. She's into it these days at dahil yon sa panganay namin. I think I've heared Nyxiah calls it Kdrama.
BINABASA MO ANG
HEART SERIES 2 - Karma Butterfly(Electric Hearts)✓[Completed]
Short Story♡ Heart Series 2 ♡ Good thinking can result to a good decision making. Ni minsan ay hindi ka nagkakamali sa mga desisyon mo kasi pinag-iisipan mong mabuti ang mga ginagawa mo. But..what if yung inaakala mong tamang desisyong ginawa mo ay isang malak...