Kung mahina lang siguro ang loob ko ay matagal na siguro akong sumuko sa buhay. Hindi na bago sa akin ang maliitin ng ibang mas nakakataas ang antas ng buhay sa akin.
Simula bata pa ako ay naramdaman ko na yon lalong lalo na ngayon kaya sanay na sanay na ako. Ewan ko ba kung bakit may mga tao talagang ganito ang pananaw sa buhay at imbes na tulungan ang mga nangangailangan ay minamaliit pa nila at inaalipusta.
Hindi sana ganito ang buhay namin kung hindi namatay si lolo. Mayaman ang lolo ko na isang Filipino- American-German. Marami itong pag-aaring negosyo pero dahil anak sa labas si Papa ay wala siyang kahit na anong manang nakuha simula ng mamatay ito. Ipinagkait ito ng tunay na asawa ng lolo ko at kahit gustuhin man ni papa na kunin ang iniwang negosyo ni lolo sa kanya ay hindi niya na nagawa kasi mas makapangyarihan ang pamilyang kakalabanin niya.
Madalas rin noong hindi nakakakuha si papa ng magandang trabaho dahil hinaharangan nila. Mabuti na nga lang at tinulungan siya ni Lolo Don dahil kung hindi siguro ay isang kahig isang tuka lang din kaming namumuhay.
"You're Phinyx's filthy wife?"
Pang-iinsulto ng isang matandang ginang na hindi ko kilala. I am currently here in a restroom sa hotel na pinagdadausan ng company party nina Zac.
I know I shouldn't be here but as Zachari's wife which I didn't know how this old lady knows ay nandito ako ngayon at nakikihalubilo sa mga mayayaman. Madam Naryna and Sir Philip wants me here too thats why napilitan akong pumunta dito.
"Ha! Haha! Looking desparate like your grandmother huh. Lahat ginagawa para makakuha ng mayamang lalaki para guminhawa ang buhay."
Nangunot naman ang noo ko sa sinabi nito. Grandmother? Who is she pertaining to?
"I'm sorry maam but I don't understand what you are saying."
"Oh dear! Alam mo bang girlfriend ni Phinyx ang apo ko? Umalis siya dito na sila pero pagbalik niya may asawa na siya and it was you! Did you seduced him para patulan ka ha? Ginawa mo rin ba ang ginawa ng lola mo ha? How pathetic despirate woman!"
Anito at doon ko na naintindihan ang mga pinagsasabi niya.
So she is the real wife of my grandfather at masama pala talaga ang ugali nito. Pero..sino ang apo niya? Si Sophia ba? Kung siya nga, ibig sabihin pinsan ko ang babaeng yon?
Tsk. Hindi na ako nagtataka kung kanino nagmana ang ugali ng babaeng yon.
"I'm sorry madam but as far as I've remembered, wala pong girlfriend si Zachari nang umuwi siya sa Pilipinas. Atsaka, matagal na po kaming magkakilala ng asawa ko at hindi ko na po problema kung ayaw niya sa apo niyo." Matapang kong sagot sa kanya.
"Aba't! Walang kang galang! Hindi mo ba alam kung sino ang kinakausap mo ha??"
"May galang po ako sa mga taong kagalang galang madam at kung wala po kayong magandang sasabihin sa akin ay excuse me lang po pero baka hinahanap na ako ng asawa ko."
I told her again then iniwan na siya doon na hindi yata nakahuma sa sinabi ko sa kanya. Alam kong maling tao ang binangga ko pero hindi niya ako pwedeng api apihin lang!
"What took you so long baby?" Zac asked me nang makabalik ako.
"Sorry..medyo naligaw lang nang kaunti."
I told him na pinaniwalaan naman niya.
"Are you not comfortable here baby?" Tanong niya ulit at umiling naman ako.
"Not really but the kids are still awake at ayaw daw matulog sabi ng mga yaya. Baka kung ano na naman ang gawin ng mga yon." I told him and he nodded.
BINABASA MO ANG
HEART SERIES 2 - Karma Butterfly(Electric Hearts)✓[Completed]
Historia Corta♡ Heart Series 2 ♡ Good thinking can result to a good decision making. Ni minsan ay hindi ka nagkakamali sa mga desisyon mo kasi pinag-iisipan mong mabuti ang mga ginagawa mo. But..what if yung inaakala mong tamang desisyong ginawa mo ay isang malak...