ㅡ Aeri's
Kung gaano kabilis lumipad ang utak ko tuwing math ang subject ay ganun din kabilis ang araw na lumipas.
Grabe parang pumikit lang ako saglit dumating na agad yung araw na 'next next week' na sinasabi nila.
Ngayon, nandito ako sa kwarto ko at natagpuan ko nalang ang sarili ko na nagiimpake ng mga gamit at damit ko dahil nga sa napagkasunduan ng mga parents namin na dun ako titira sa Mansion nila Jay.
Shuta final na ba to? legitness na habang buhay na ako dun titira?
Hays grabe sa totoo lang ayaw ko talagang umalis. sino ba namang gugustuhing umalis sa sarili mong bahay? nihindi ko nga alam kung anong una kong gagawin at paano ako kikilos pag nandun na ako sa Mansion ng mga Parks.
Tinry ko na din pakiusapan si dad pero kahit na pati sya daw ay wala ng magagawa dun dahil sa napag kasunduan nila. wag nalang daw ako mag alala dahil paniguradong aalagaan ako nila Mrs Park at Mr Park sa Mansion nila at bibisitahin nya pa din daw ako.
Kahit wag na, char.
At kami ni ate? hindi pa din kami nag kakausap hanggang ngayon. kahit na tatlong linggo na ang nakalipas simula ng makapag kwentuhan kami nila Sunoo ay walang nagbago, sobrang ilap ko pa din kay ate.
Ewan ko, ayaw ko pa din syang kausapin eh. anong magagawa ko? at aalis na nga lang ako lahat lahat ngayon sa pamamahay na to, tuwang tuwa pa sya.
Pano ba naman ang gaga todo support sya samin ni Jay, shuta ewan ko ba! sobrang happy nya daw para samin.
Pwes ako hindi.
Mukha ba kong natutuwa sa lagay na to? kaya lang naman sya masaya dyan dahil pati sya ay makikitira din dun sa Mansion ng mga Parks kasama si kuya Jun pansamantala. syempre ang mag asawa, ayaw mahiwalay sa isa't isa.
Iniisip ko palang na dun ako titira sa Mansion ng mga Parks kasama si Jay, ay parang aatakihin na ako. paano ko nalang kaya pakikisamahan ang loko na yun? jusko gusto ko pang mamuhay ng matiwasay sa araw-araw!
Maya maya lang din ay natapos na akong mag impake at nilagay ko sa gilid ng kama ko ang ibang dadalhin kong maleta.
Halos pati sama ng loob naisuksok ko na dito sa loob ng maleta ko!
Pagkatapos kong maayos lahat ng dadalhin ko ay napatingin naman ako sa kabuuan ng kwarto ko.
Hays, mamimiss ko to. eto na ang naging kwarto ko simula bata palang ako, ilang years na din pala akong namumuhay sa mansion na to simula pa lang ng mangyari ang araw na pinaka hindi ko inaasahan.
Kahit naman madami akong bad memories sa Mansion na to ay mimiss ko pa rin ito. lalong lalo na ang maiiwan ko dito, gaya nalang ng ibang kaybigan ko na maids at lalo na si lola manang! ayaw na ayaw kong mahiwalay sakanya pero wala akong magagawa dahil pati sya ay pinilit at tinulungan lang din akong mag impake.
Paiyak na sana ako sa harap ni lola manang ko dahil simula limang taong gulang palang ako ay sya na ang nag alaga sakin hanggang ngayon. kaya sobrang hirap talaga na mawalay sakanya. at nangako naman akong araw araw ko syang bibisitahin dito sa Mansion para hindi sya mapag isa, wala na din kasing ibang pamilya pa si lola manang kundi ako at kami nalang.
"Aeri your gamit is ready na ba? lets go na sa baba, manong driver is waiting for us."
Biglang sulpot ni ate sa pintuan ng kwarto ko.
Panira talaga ng moment kahit kelan, nag eemote pa ako dito please lang!
"Oo sandali lang, susunod ako."
BINABASA MO ANG
❝ARRANGED❞ | ᴘᴊꜱ
Fanfiction#𝐉𝐀𝐘: I would never marry her because i already have a girlfriend. Enhypen Jay au wherein Aeriella Soleil Min or mostly known as Aeri is the second daughter of Min's corporation. Park Jongseong or mostly known as Jay is the youngest son and heirs...