56.

341 27 38
                                    

ㅡ Aeri's

Nagising nalang ako ng maramdaman kong may humahaplos sa buhok ko kaya tinignan ko kung sino yun.

"Heeseung.."

I said na halos pabulong na. saka ko sya nginitian kaya ganun din ang ginawa nya.

"Tapos ka na magreview?"

Hee asked ng makapag unat ako kaya tumango lang ako.

Niligpit ko na yung mga gamit ko sa bag at ganun din ang ginawa nya kaya tumayo na kami parehas saka lumabas ng library.

"San na punta mo nyan? uuwi kana?"

He said ng makalabas na kami ng gate ng school.

"Ewan? ay teka wait, fishball muna tayo dyan sa kanto!"

I excitedly said saka sya hinila dun sa nag titinda ng fishball sa kanto. bawal kasing magtinda malapit sa school, syempre maarte private school eh.

"Oh iho ikaw pala, yung paborito mo pa din ba? kikiam?"

Nagulat naman ako sa biglang sinabi ni kuyang fishball na nagtitinda. kausap nya ba si Heeseung?

"Yes po lods, tas yung sauce suka na may matamis ulit hehe salamat."

Napakunot naman ang noo ko sa sinabi ni hee. bakit close na sila ni kuyang fishball?

"At ikaw naman iha, kwekwek ang paborito mo diba?"

Tanong ni manong fishball kaya napangiti akong tumango at sumagot.

"Opo kuyang fishball, yung sauce ko maanghang na matamis ah? thankyou!"

Hindi kasi ako yung nag tutuhog nung kwekwek dahil baka matalsikan lang ako ng mantika, masakit pa naman yun!

Nag pasalamat naman ako kay kuyang fishball matapos nyang ibabot sakin yung kwekwek ko.

"Alam mo pala kumain ng mga streetfoods?"

I asked hee habang ngumunguya at sya naman ay tumutuhog pa din ng fishball.

"Syempre ako pa, suki kaya ako dito diba lods?"

Sabi nya pa dun kay kuyang fishball kaya naman napathumbs up ito sakanya.

Mukhang close na sila ah? talagang madalas pala dito si hee.

"Akala ko hindi kayo kumakain ng streetfoods."

"Kami hindi kakain ng streetfoods? hmmmm si Jay at Jake lang naman, pero si Sunghoon patay gutom yun lalo na sa ganto."

Nag tawanan kami matapos nyang sabihin yun. so hindi pala kumakain ng streetfoods si Jay ah?

Nag patuloy lang kami sa pagkain hanggang sa maubos na namin yun at nag decide na kaming maglakad paalis.

"Uuwi ka na nyan?"

"Depende? kasama pa kita eh."

Kibit balik nyang sabi kaya napatingin ako sakanya.

"Uuwi na ako eh."

"Asan sundo mo?"

"Gago hindi pa ko mamatay, wala pang susundo sakin."

I jokely said kaya napatawa sya.

"I mean, may driver kayong naghahatid sundo sayo diba? asan na sya ngayon?"

"Idk either, kasi sumabay lang naman ako kay Jay papasok ng school."

"Gusto mo ihatid na kita? dala ko naman kotse ko."

"No need, kaya ko naman umuwi mag isa. you should go home first, baka hinahanap ka na sainyo."

❝ARRANGED❞ | ᴘᴊꜱTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon