3.

466 35 50
                                    

tw. heavy cursing.

Aeri's

"ANO KAMO?! IKAKASAL KANANG PUTANGINAKA??"

Napatampal nalang ako sa noo ko. bakit ko nga ba sinabi pa to sakanila? for sure dadakdakan lang nila ako.

Emz sila lang din naman kasi ang mga kaybigan ko at kaylangan din nilang malaman.

"What the f ka Sunoo alam mo yun? kaylangan talaga isigaw? dinaig mo pa mommy ko eh, pero sabagay sila naman nag set up nun. pero kahit na kumalma ka nga!"  

I said dahil naiistress ako dito kay Sunoo. grabe talaga maka react? oh well, kahit ako naman nung una ganun din ang reaksyon ko kaya hindi ko sila masisi. buti nalang nanatiling kalmado si Jungwon at Ni-ki.

"Hala gaga ka hindi mo ko madadaan sa ganyan shutaness kaka-18 mo lang nung isang linggo ah? anyare Aeri gusto mo na bang malagay sa tahimik?"

Napailing nalang ako sa sinabi nya. we're here at Sunoo's house kaya may gana syang mag sisisgaw dyan, buti nalang at hindi sya pinapagalitan ng ate nya sa kabilang kwarto.

Andito kaming lahat ngayon sa kwarto nya. nag kaayaan kami mag movie marathon ngayon then dito ko na din naisip sabihin sakanila yung tungkol sa akin.. na ikakasal na ako dahil sa mga parents ko.

Sila Sunoo, Jungwon, Ni-ki, at Shaimin lang naman ang malalapit kong kaybigan kaya sakanila ko nalang din naisip ipaalam. kaso wala si Shai ngayon dahil may family gathering daw sila.

Binato naman ni Jungwon si Sunoo ng popcorn dahil sa pag ingay na ginawa nya. grabe iba talaga magulat si Sunoo masakit sa tenga!

"Anong ikakasal ka na? bakit noona pumayag ba ako?"  Ni-ki

Ay punyeta isa pa tong batang to eh.

"Luh manahimik nga kayo dyan. hindi pa nga natin naririnig side ni Aeri."

Pag aawat pa ni Jungwon kaya naman napangiti ako. buti nalang may normal pa dito.

"Pero ano nga kasi yon? bakit ka naman ikakasal agad? ikaw Aeri nangugulat ka rin kasi eh! baka bukas makalawa malaman na lang namin na may anak ka na din, naiistress ako sayo."  Jungwon.

Napatampal nalang ulit ako sa noo ko sa sinabi ni Jungwon.

Ay aba putangina...

"Gaga anong anak ka dyan? nihindi pa nga ako marunong uminom at wala pa kong alam dyan! ah basta hindi ko alam yung ganun. ano ba Yang Jungwon shuta ka!"

I sighed and look to them.

"So eto na nga kase, nadamay ako sa proposal project keneme nila sa mga Park. they plan na ipakasal ako sa heirs nilang si Park Jongsaeng lang naman! last year pa talaga nila to binabalak pero hindi pa ako legal age nun para magpakasal kaya hindi natuloy."

"Ang akala ko.. hindi na talaga nila itutuloy pero hinintay lang pala talaga nila ako makapag debut bago kami iset up."  

I said. narinig ata nilang medyo nagcrack yung boses ko kaya agad agad silang lumapit para yakapin ako.

Hindi naman kasi ako iyakin.. pero sa gantong sitwasyon sino ba namang hindi maiiyak? hindi pa man din ako kinakasal tinanggalan na nila ako ng karapatan maging malaya at gawin ang mga gusto ko. 18 palang ako, mas madami pa kong gustong bagay na gawin kesa magpakasal. in my whole existance pinagbigyan lang pala nila ako.. kasi pag dating ng araw na to, lahat yun babawiin nila.

Akala ko hindi ko iiyakan to. akala ko hindi ko dadamdamin to na puro galit at inis lang ang mararamdaman ko pero mali pala ako. simula nung mag open up ako sakanila kanina, pinipigilan ko lang maging emosyonal. hindi ko kayang makita nila akong umiiyak dahil nakilala nila ako as strong person, hindi ako ang Aeri na iyakin.

❝ARRANGED❞ | ᴘᴊꜱTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon