37

329 25 23
                                    

ㅡ Aeri's

"Engkk time's up mga bakla! masyado naman kayong nasiyahan dyan."

Napatayo kami sa gulat ni Jay nang biglang sumulpot sila Sunoo dito sa loob ng tent para sabihin yun!

Punyeta, wala manlang pasabi.

"Lul gago, tabi nga!"

Tinabig ko sila Sunoo na nakabantay samin sa labas ng tent. napanguna na akong pumasok sa loob ng Mansion.

Shuta saan kaya ako pwedeng pumunta? eh wala naman akong sariling kwarto dito! ayokong mag stay sa room ni Jay putaragis, nakakahiya yung nangyari samin kanina.

"HOY AERI SAN KA PUPUNTA?! ITUTULOY PA NATIN YUNG LARO!"

Anong itutuloy? bahala sila dyan.

"Mag laro kayo dyan mag isa letse!"

I said at dumiretso sa isang guest room para hindi na nila ako masundan. sana lang talaga hindi ako pagalitan na pumasok ako sa isa sa mga kwarto nila.

Pero hindi pa man din ako nakakaupo sa kama ng biglang bumukas ang pintuan nitong guest room at niluwa nun sila Sunoo, Shai, Jungwon, at Ni-ki na nakangisi ngayon.

Jusko wag silang mambwiset dito baka mabalatan ko sila ng buhay.

"Ina nyo talaga bakit ba kayo nandito? magsiuwi na nga kayo, gabi na! baka mamaya hanapin pa kayo nila tita sakin, sasapakin ko talaga kayong lahat!"

I said at umupo sa isang sulok ng kama.

"Hindi kami uuwi Noona kasi dito kami matutulog!"

Ano?! bakit dito sila matutulog?

"At sinong may sabi na dito kayo matutulog?"

Napaayos ako ng upo habang nakataas ang isa kong kilay.

"Si Sunoo! sya nagplano na dito kami mag overnight eh."  Shai.

"Luh bakit ako? si Jungwon yun gaga, sabi nya samantalahin na daw natin!"

Aba anlakas din ng mga to eh? matapos nila akong asar-asarin at pagtripan dyan tas makikitulog sila dito?! hindi na nahiya.

"Hoy fyi lang mga teh, hindi ko bahay toh! gago sa mga parks tong mansion baka mamaya sabay sabay pa tayong palayasin dito pag ang gulo natin."

I said and we all laughed.

Wala na finish na, bati bati na kaming lahat ulit.

"Pano nga pala kayo mag oovernight dito, may dala ba kayong mga damit?"

"Oo syempre, kaya nga may dalang backpack yan si Ni-ki eh."  Shai.

Tumingin ako sa batang hapon na nasa gilid nya saka nagpeace sign lang si Ni-ki sakin habang nilagay ang backpack na dala nya sa gilid.

Wala na akong magagawa, ang cute nya eh.

Talagang nag dala pa sila ng backpack ah, feel ko planado talaga lahat to.

Pero ayos lang din naman since malaki tong guest room, kasyang kasya kaming lahat at namiss ko na din na mag overnight with them.

Naputol lang ang bangayan naming lahat ng biglang bumukas ang pinto nitong guest room at niluwa nun si ate Alorlei.

Teka ngayon ko lang sya ulit nakita, saan kaya sila nagpuntang mag asawa?

"Hey hey stop with the fights muna, lets eat dinner na together sa baba! I'll wait for you guys, bye Aeri imissed you!"

Ate alorlei said at sinara na ang pinto.

Ay kaylangan pa talaga pag mag aaya kumain sa baba ay sabihin pang namiss nya ako? as if naman namiss ko sya, ang cringe lang.

❝ARRANGED❞ | ᴘᴊꜱTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon