47.

305 26 7
                                    

ㅡ Aeri's

My Sol..

Pang ilang ulit na bang tumatak yun sa isip ko? halos kahit sa pag gising ko palang sa umaga kanina ay yun agad ang nasa isip ko eh!

Putaragis kasi tong si Jay, binibigyan na naman ako ng mixed emotions. akala nya ba magpapadala ako sa mga ganun nya? aba hindi ah.

Hindi sya nagkakamali, charot.

Tangina Aeri.. pag sisisihan mo to eh.

"Hey hurry up there, we are going to be late on the event!"

"Oo teka lang!"

Tignan mo tong si Jay, sya tong nalate nagising dyan kanina tas ako pa pag mamadaliin nya? eh kung hindi ba naman mahimbing ang tulog nya dyan at nakayakap pa sakin kanina.

Jusko nakakahiya talaga, feel ko nagkakasala ako, hays. bakit kasi hindi nalang ako pumayag na sa sofa sya matulog? o hindi kaya ako na ang nag adjust at lumipat nalang ako ng guest room? edi sana hindi na nagkanda letche-letche ang lahat lalo na yung feelings ko, charot.

Pero aaminin ko, ang sarap sa feeling na makausap sya kagabi. feel ko kahit papano nabawas bawasan yung sama ng loob nyaㅡ este mga nararamdaman nyang matagal nya ng itinatago pero wala lang syang mapag sabihan. sana talaga nakatulong ako sakanya.

Hindi ko lang talaga alam kung saan nanggaling yung pag tawag nya sakin ng 'My Sol' kagabi eh. siguro nadala lang sya ng nararamdaman nya kahit na aaminin kong parang hinaplos din ang puso ko ng marinig ko yun kay Jay.

Napailing nalang ako saka tinapos ang pagligo ko at lumabas na ng banyo. pumunta na akong walk in closet at dun ko sya naabutang nagsusuot ng relo, naalala ko tuloy yung relo na binili ko para sakanya. hindi ko alam kung pano ko ibibigay sakanya yun.

"Shuta, ano ba dapat suotin ko?"

Heto na naman kasi ako, hindi ko alam yung susuotin ko! yung tipong andami kong damit pero sa iisang damit lang umiikot mundo ko.

In the end, i choose to wore a white turtle neck with green cardigan on it and red palda since pasko naman, sana lang talaga hindi ako magmukhang christmas tree neto.

Lumabas din ako kaagad at kinuha ko na yung mga gifts na binili ko para sakanila kahapon since tapos ko ng mabalot yun sa gift wrap kaninang umaga dahil ako yung unang nagising habang si Jay ay tulog pa din kanina. kaya nilagay ko na din sa isang paper bag yung gift ko para sakanya.

Hays I'm super bait talaga, pati sya reregaluhan ko.

Ngumiti naman ako at bumaba na saka ko naabutang naghihintay si Jay sa sala at dun ko lang narealize na matchy matchy kami ng damit ni Jay! naka red sweater kasi sya at sa loob nun ay may green colar polo, para tuloy kaming magcouple nito! pero infairness ang gwapo nya.

"Are you done? shall we go now?"

Ay hindi, hindi pa ako tapos. trip ko lang talagang bumaba para magpabalik balik sa taas.

Gusto ko sanang barahin sya pero naalala ko pasko na bukas at dapat kaming magmahalanㅡ este mag bigayan pala.

Gusto ko nalang talagang sambunutan ang sarili ko eh.

Tumango lang ako sakanya saka kami nag puntang sasakyan nya at sumakay na. nagdrive lang naman sya ng tahimik habang ako naman ay tumitingin lang sa bintana.

Mayamaya lang din ay nakarating na kami sa parking lot netong school at bumaba na. agad din naman naming nakita sila Sunoo, Jungwon, Shai, Ni-ki, at pati nadin sila Sunghoon, Jake, at Heeseung na nagkwekwentuhan dito sa may ground. dito kasi ginanap yung christmas party na sinasabi nila.

"Nandyan na sila Aeringot!"

"Ay shala ng lola at lolo nyo, couple pa pag dating sa damit! hindi naman ata nakakamatay ang inggit diba?"

"Inggetero mo kasi."

"Tanginamo Sunghoon manahimik ka dyan, paskong pasko ah!"

Napailing nalang ako ng makarating sa table kung saan naroroon sila Sunoo, Sunghoon, Jungwon, Shai, Jake, at Heeseung saka kami naupo ni Jay sa iisang tabi since yun nalang ang may bakante.

Table table kasi ang set up dito at may stage naman sa harap namin para sa mga mag pepererform mamaya, at sa tabi nun ang malaking christmas tree and some other christmas decorations na ginawa nila dito sa buong school.

Ang ganda, damang dama ko na talaga ang pasko.

"Merry Christmas!"

I said at inabot ko na sakanila isa isa yung mga binili kong regalo, mas mabuti pang ibigay ko na ng maaga para hindi ako mabigatan mamaya!

"Wow may pa early christmas gift ah, mamaya pa magsisimula ang exchange gifts pero salamat Aeri!"  Jungwon.

"Thankyou Noona~ promise mag papakabait na ako sayo hehe."

"Thankyou Aeringot! mamaya ko nalang ibigay gift ko sayo."  Sunoo.

"Same, mamaya nalang din akin! thankyou dito Aeri."  Shai.

Napangiti naman ako sakanila bago sumagot.

"You're welcome nga teh, ayus ayusin nyo lang yung mga sinasabi nyong 'mamaya' dyan ah dahil hindi kayo makakalabas ng school hanggat wala kayong gift na binibigay sakin, charot."

Syempre charot lang, turo kasi sakin ng mama ko ay hindi naman lahat ng mabuting bagay na ibinibigay mo ay may kapalit.

"Ay btw meron din pala akong gift sainyo! Sunghoon eto sayo, and this one is for you Jake.."

"And this is for you Heeseung, Merry Christmas!"

I said while giving  them their gifts that i bought.

"Yun oh akala ko sampid nalang kami sa pagkakaybigan na to eh, buti ka pa may gift samin si Jay wala! thankyou Aeri Merry Christmas din!"  Sunghoon

"Thankyou for this Aeri, here i also brought you a gift. Merry Christmas!"  Jake.

I said 'thankyou' to Jake at tinanggap ko ang gift na binigay nya.

"Thankyou Aeri, Uh.. may gift din pala ako para sayo."

Heeseung said na nasa tapat ko saka ibinigay yung gift nya sakin na nakalagay sa isang paper bag so I smiled at him.

"Thankyou din hee, Merry Christmas."

And after i said that, i heared Jay sighed on my side so i look at him questioning.

Napano na naman kaya to? bored na bored na naman ba sya?!

"Tara kain na tayo! malapit na magsimula yung show kaya kumain muna tayo guys."  Shai.

Napatungo nalang ako at napatingin ulit kay Jay na nasa tabi kong nag cecellphone lang.

Wala ba syang balak kumain?

"Anong gusto mong kainin, Jay?"

"Nothing, I'm full."

He said habang nakatuon pa din sa cellphone ang tingin.

Kausap nya siguro gf nya kaya ganyan.

Napabuntong hininga nalang ako saka tumayo at kumuha na ng mga pagkain. siguro isasabay ko nalang din syang ikuha dahil hindi naman pwedeng hindi sya kumain dyan.

Ako na ang mag aadjust para sakanya tutal busy sya sa cp nya eh.

✄┈┈┈

❝ARRANGED❞ | ᴘᴊꜱTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon