ㅡ Aeri's
"Hi Aeri good morning."
Bungad kaagad saakin ni Heeseung pagkalabas ko ng cr.
Kahit pala na puro pambubulabog lang ginawa nila Sunghoon dito kanina, atleast may pa good morning si Heeseung para dama ko pa din talaga na may good pa sa morning ko.
"Good morning din Heeseung.."
Napakamot batok pa ako ng sabihin ko yun saka sya nginitian. syempre nakakahiya pa din ang itsura namin nang madatnan nya kaming lahat kanina dito!
"Sorry nga pala at naistorbo namin ang tulog nyo. tangena kasi ni Sunghoon nag madaling pumunta dito nung malaman nya na nandito rin si Sunoo."
Napatawa naman kaming parehas ng dahil sa sinabi nya.
"Hoy teka bakit parang narinig ko pangalan ko dyan? gago ikaw kaya ang nag pumilit na pumunta dito Heeseung para makita mo si Aeri!"
Teka tama ba?
So sya pala ang nagpumilit na pumunta dito, para lang talaga makita ako? ewan ko pero bigla akong napangiti ng bahagya ng dahil dun.
Sana pala ininform nila ako para nakapag ayos pa ako ng shala at kunyare blooming pa din ako pag bagong gising!
"Gago, chismo toh. hanggang dito lang ang usapan."
Napaiwas pa ng tingin si Heeseung matapos sabihin yun kaya natawa nalang ako sa inasta nya.
"Hays gigising na nga lang ako, may dalawa pang panget na nag babardagulan ang nakapaligid sakin." Ni-ki
Napatingin naman ako kay Ni-ki na nagsalita habang napairap kila Sunoo at Sunghoon.
Luh napano kaya yung batang hapon?
"Hoy Ni-ki wag mo ng ginagatungan ang init ng ulo ko ah. ang sakit na nga ng tagiliran ko shuta nahulog pa ako sa lapag! tsaka parehas lang naman kayo ni Sunghoon 'no, parehas bwiset sa umaga ko!"
Padabog na sabi ni Sunoo at dumiretso na sa banyo. ang pikunin talaga ng lola nyo hays, hindi naman ata napalakas yung kurot ko ano?
"Uhm, do you need some help Shai?"
Napalingon naman ako sa gawi ni Jake na nagsalita habang nag aalalang nakatitig kay Shai na hanggang ngayon ay nasa lapag pa din kasama si Jungwon na mukhang beast mode.
Ngayon pinagsisihan nyo na tuloy na nag overnight kayo dito, hays.
Teka kumakalerki din ang lovelife ni Shai ah? kahit papano din pala may good sa morning nya like me.
"Don't worry Jake kaya ko na to, thankyou."
"Sa harap ko pa talaga gumawa ng layag moments, sarap nyo ding pag untogin eh." Jungwon.
"Yun oh, Jungwon bitter moments palaging third wheel haha hindi ka lang lmao xd ka pa!" Ni-ki.
"Tigil tigilan mo ko Ni-ki, parang ikaw di ka nabitter ah? gusto mo ibulgar ko yung alas na tinatago ko dito?"
"Hoy joke lang gago di ka naman mabiro dyan! ano bang gusto mo, tayo nalang?"
"Gusto ko? gusto kong tapalan ng tape yang bibig mo nang manahimik ka at tumigil ka kakasalita ng mga walang kakwenta kwenta."
Inirapan lang sya ni Jungwon matapos sabihin yun kaya naman tawang tawa si Ni-ki sa gilid, hilig nya talagang asarin kaming lahat dito 'no?
Ewan ko nalang talaga pag isang araw bumalik sakanya lahat ng pang aasar nya, charot.
Pero shuta teka ano naman kayang alas yun? may tinatago ba silang sekreto samin?!
"Breakfast is ready."
Maikling pakikisali ni Jay saka kami tinalikudan at lumabas ng kwarto.
At sakto namang kakalabas lang din ni Sunoo sa cr kaya lahat kami ay nag ready na para bumaba at mag breakfast.
"Ano bang pinunta mo dito Sunghoon? para makalibre ng breakfast kay Jay?" Sunoo.
Shuta hindi na ba talaga matapos tapos yung bardagulan nila?
Napailing nalang ako at saka umupo na sa tabi ni Shai at Jungwon dahil mukhang may ilangan pa din sa pagitan namin ni Jay na nasa tapat ko naman nakaupo ngayon, tutal wala din naman ang mga parents nya kaya ayos lang.
Kumuha lang ako ng bread, egg, at bacon saka ako nagsimulang kumain. buti nalang lahat kami ay matiwasay na kumakain ngayon dahil tumigil na saglit sila Sunoo at Sunghoon sa pag babardagulan.
Nagutom ata kakabardagulan.
"Hoy guys bukas na christmas party ah? anong balak nyo, aattend ba kayo may big event daw sa school. instead na by section ang mag celebrate ng christmas party, ginawang all year para isahan nalang daw."
Mahabang sabi ni Shai habang ngumunguya sa tabi ko. part din kasi sya ng student council sa school namin at secretary sya dun.
Grabe malapit na pala yung christmas party namin, hindi ko namalayan! shuta parang pumikit lang ako saglit at ngayon magpapasko na.
"Hindi ako aattend pag hindi pwedeng mag takeout ng handa." Ni-ki
"Inamo talaga riki, nag tatanong ng maayos eh."
"Aattend ako syempre! edi wala ang star ng pasko kung wala ako dun. hays maraming ang malulungkot." Sunoo.
"Ay hindi mo sure. baka kahit pasko magpafiesta pa kami pag wala ka dun." Sunghoon.
"Manahimik ka dyan Sunoo, sakin ang spotlight sa christmas party!" Jungwon.
"At bakit?"
"May performance kami duh, sasayaw kami jingle."
"Same pala tayo, magpeperform din ako sa stage. pinapakanta nila ako." Heeseung.
"Walang nag tanong." Sunghoon.
Narinig ko pang minura sya ni Heeseung matapos nya sabihin yun kaya napailing nalang ako.
Pero weh totoo ba? magpeperform si heeseung? naeexcite tuloy ako marinig yung boses nya!
"Aattend ako ng christmas party, excited akong mapanood performances nyo."
Aba syempre lalong lalo na kay Heeseung. matagal ko naman na napapanood na magperform sila Jungwon at Sunoo tuwing may event sa school dahil madalas din sila ang mc shuta nakakasawa din, charot.
"Ah talaga ba Aeri? wag ako shuta ka pag kami nag peperform bagot na bagot ka dyan with matching bash pa, kaya wag mo kaming eneechos! kay heeseung ka lang naman excited."
Tangina din neto ni Sunoo eh, nilalaglag pa ako! choosy pa nila, ako na nga supportive dito.
Sinaaman ko ng tingin si Sunoo saka ako nagpout ng marinig ko silang mag tawanan kasama si Heeseung!
Nakakahiya talaga kay Heeseung.
"You look cute."
Heeseung said at nilagyan pa ako ng pagkain sa plate ko.
Naramadaman ko naman yung pamumula ng pisngi ko kaya napaiwas ako ng tingin.
Shuta ang hilig nya talagang magpakilig ng wala sa lugar! aasarin na naman tuloy ako nila Sunoo nyan hays.
Maya maya lang ay nagulat ako ng marinig kong tumikhim si Jay at nilapag ang spoon at fork sa plate nya.
"Finish your breakfast quickly, may pupuntahan tayo."
Jay emontionless said then he left us dumbfounded.
Teka ako ba ang tinutukoy nya?
"Oo ikaw teh, ang talim ng titig sayo eh. lagot ka dalian mo na dyan magalit pa fiancè mo."
Agad ko namang minura si Sunoo ng dahil sa sinabi nya. kaylangan pa talagang may fiancè?
Napailing nalang ako at binilisan na ang kain, baka mamaya madagdagan pa ang sama ng loob nya dyan dahil pinag hihintay ko sya.
✄┈┈┈
BINABASA MO ANG
❝ARRANGED❞ | ᴘᴊꜱ
Fanfiction#𝐉𝐀𝐘: I would never marry her because i already have a girlfriend. Enhypen Jay au wherein Aeriella Soleil Min or mostly known as Aeri is the second daughter of Min's corporation. Park Jongseong or mostly known as Jay is the youngest son and heirs...