"ANSWER me!" malakas na sigaw ni Xavier.
Hindi sumagot si Zander kaya lumapit si Xavier kay Sadie at kinuha ang mga papeles kung nasaan ang listahan ng mga kayamanan nilang naitalo ng ama niya sa sugal. Napatingin ako kay Xavier ng bigla siyang natawa ng mahina at napatingin sa ama niya.
"Hindi ako makapaniwalang nagawa mo pang magsugal noon habang nahihirapan ako sa hospital. Napakasama mo talaga. Hindi ko matanggap na ikaw ang naging ama ko." madiin na sabi ni Xavier sa ama niya.
"I-I'm sorry, son."
"Sorry? Walang magagawa ang sorry mo kung sakaling hindi ko kinaya ang sakit ko, pati sila Tito Marvin ay nagawa mong patayin dahil gusto mong makuha ang kayamanan nila. Napakasama mo, Dad!" singhal ni Xavier. Nilapag niya sa lamesa ang hawak niyang paper bag at envelope bago tumingin ulit sa daddy niya. "Ayoko na. Pupunta na akong Canada pagkatapos ng graduation. Huwag ninyo ng asahan na bibisita pa ako dito dahil hindi ko kayang bisitahin ang walang kwenta kong ama." Pagkatapos ay agad itong umalis.
"Ano? Masaya ka na? Galit na ang anak ko sa akin nang dahil sa paglantad mo nang pagsusugal ko. Pinlano mo ba ito para magalit ang anak ko sa akin?"
"Hindi ko ito pinlano, Zander. Hindi ako ang dahilan kung bakit galit ang anak mo sa'yo, ikaw ang dahilan kung bakit siya nagalit sa'yo. Hindi naman kasi tama ang ginawa mong pagsusugal habang may sakit ang anak mong nasa hospital noon," saad ko bago tumayo mula sa pagkakaupo ko. "Huwag kang mag-alala, babalik ang anak mo dito sa bansa ng masaya. Mapapatawad ka rin niya. Kailangan niya lang pahilumin ang sugat na nagawa mo sa puso niya. At sana habang ginagawa niya iyon ay magbago ka na."
"Paano mo nasabi na mapapatawad niya ako at babalik siya?"
"Sabi ng instinct ko. The last time na nagsabi ang instinct ko ay nagkatotoo. Magtiwala ka sa akin, Tito Zander. Mapapatawad ka ng anak mo na bestfriend ko. Hintayin mo lang na dumating ang araw na iyon." Napangiti ako ng mabanggit ko ng maayos at walang halong sarkastiko ang pagtawag ko sa kan'ya ng 'Tito.'
Naglakad ako palapit kay Zander. Pinigilan pa ako ni Castriel nang hawakan niya ang braso ko pero binitawan niya rin ako ng ngumiti ako sa kan'ya. Paglapit ko kay Zander ay hindi ako nagdalawang-isip na yakapin siya, na para bang walang nangyaring tension.
"Sana dumating iyong araw na maibalik mo ang dating ikaw, Tito. Sana maibalik mo ang dating Tito Zander na kilala ko na mabait kahit laman ng casino dati," sabi ko habang yakap si Zander.
Pagkatapos ay niyakap ko rin si Olivia. "Alam ko na dahil sa takot mo na mawala ang nag-iisang anak mo kaya kumampi ka sa asawa mo sa mga plano nito. Iyon naman ang gampanin mo bilang ina. Gagawin mo ang lahat para sa kapakanan ng anak mo kahit na ang paggawa pa ng masama. Naiintindihan kita, Tita Olivia, dahil darating ang araw na magiging isang ina rin ako at gagawin ko rin ang lahat para sa kapakanan ng anak ko."
"A-Almira." umiiyak na banggit ni Olivia sa pangalan ko. Humiwalay ako ng yakap sa kan'ya at naglakad paatras. "Patawarin mo kami, Almira."
"Gusto kung ipaalam sa inyo na kaya ako bumisita dito para ilabas ang lahat ng sama ng loob ko sa inyong dalawa. Gusto ko kasi na sa susunod na pagbisita ko dito sa inyo ay mapatawad ko na kayo sa mga nagawa ninyo pero hindi muna sa ngayon dahil sariwa pa ang sugat dito sa puso ko sa lahat ng ginawa ninyo sa pamilya ko. Kailangan ko ring ihilom ang sugat na naiwan ninyo sa puso ko para mapatawad ko kayo ng bukal sa kalooban ko."
"Ang bait mo, Almira. Ngayon nagsisisi ako na pinapatay ko ang magulang mo na magpapasaya sa'yo. Hihintayin ko ang araw na mapatawad mo kami ng Tita Olivia mo at pangako habang hinihintay namin ang pagbisita mong muli ay magbabago na kami." Tumango lang ako bago ako tumalikod sa kanila at hinarap ang bodyguard ko.
BINABASA MO ANG
The Lost Guevarra's Heir [COMPLETED]
RomanceMasungit at hindi palangiting babae si Almira Fate Ferreira and no one dares to give a care to her not until she meets Castriel Crisostomo, isang lalaki na nagmula sa isang mahirap na pamilya na magpapabago at magpapa-ibig sa kanya. Sa mabilis na pa...