MONDAY, pagkarating namin sa university ay nakita ko ang mga ngiti at tingin ng mga estudyanteng madadaanan namin ni Castriel. Napatigil kami sa paglalakad nang humarang sa dinadaanan namin si Xavier.
“Almira, can I talk to you? ‘Yong tayong dalawa lang,” tanong niya.
“Tungkol saan? At saka bakit tayong dalawa lang?” mataray kong sabi sa kan’ya.
“It’s an important. Kaya tayong dalawa lang ang mag-uusap,” sabi ni Xavier. Umiling ako.
“Huhulaan ko kaya gusto mo akong kausapin dahil sa ginawa ng traydor mong tatay sa pamilya ko. Kung tungkol din naman doon ang pag-uusapan natin ay huwag na lang,” sabi ko at naglakad na paalis. Pero hinawakan niya ang kamay ko kaya napatigil ako at humarap ulit sa kan’ya. Magsasalita na sana ako ng unahan ako ni Castriel.
“Don’t you dare to touch my girlfriend again, dude. Ilang beses pa ba tapat sabihin sa’yo na layuan mo siya. At huwag mo na ulit lalapitan ang girlfriend ko dahil baka kung ano ang magawa ko sa’yo,” sabi ni Castriel. Tinanggal ko ang pagkakahawak ni Xavier sa kamay ko. Umiling ako.
“Pagbabayaran ng mga magulang mo ang ginawa nila sa pamilya ko. Makukulong sila sa ginawa nila sa pamilya ko,” sabi ko at naglakad na paalis.
Hindi pa ako nakakalayo nang marinig ko ang pagtawag niya sa akin sa pangalang siya lang ang nakakaalam.
“Aira, my childhood bestfriend,” sabi ni Xavier na ikinalingon ko.
“Naalala na niya ang childhood memories namin? Naalala na niya ako?” naguguluhang tanonv ko sa isip.
Nakita kong naglalakad siya palapit sa akin kaya medyo napaatras ako. “Please, Aira, mag-usap tayo,” sabi niya nang makalapit na siya sa akin.
“Wala tayong dapat pag-usapan. And don’t call me Aira dahil hindi iyan ang pangalan ko.”
“Iyon ang tawag ko sa’yo noong mga bata pa tayo. Bestfriend kita.” Napangisi naman ako.
“Bestfriend? Matagal na kitang hindi turing na kaibigan simula nang pagtabuyan mo ako sa hospital noon. Matagal nang nawala ang pagkakaibigan na iyon, Xavier,” mahinahon kong sabi.
“Dapat hindi mo na lang ako naalala! Dapat hindi ka na lang nabuhay! Dahil sa’yo kaya ginawa ng mga magulang mo na kunin ang mga ari-arian at ang pera ng pamilya namin!” sigaw na sabi ko habang tinutulak siya kaya naagaw namin ang atensyon ng lahat ng estudyante na nandito sa ground. May naririnig akong mga bulungan pero hindi ko iyon pinansin.
“Almira, tama na,” suway ni Castriel pero hindi ko siya pinakinggan.
“What do you mean, Almira?” tanong ni Xavier.
“Huwag kang tanga, Xavier! Nakuha mo akong malala, pero ang sakit mo simula pa noong bata ka ay hindi mo alam! T*ng*na mo!” sigaw ko sa kan’ya.
“Anong sakit?”
“Mahal, tama na. Hatid na kita sa classroom mo,” sabi ni Castriel pero umiling lang ako. Seryosong tumingin ako kay Xavier.
“May sakit ka sa puso simula nang ipinanganak ka. Iyon ang dahilan kung bakit naging magkaibigan si Dad at ang Daddy mo. Kasi gusto kang tulungan ni Mom na gumaling dahil hindi na siya magkakaroon pa ng anak na lalaki kaya nag-iisa lang nila akong anak. Pero anong ginawa ng magulang mo para sa kabutihang ginawa ng magulang ko para mapagamot ka? Wala. At alam mo kung ano iyong masakit? ‘Yong ninakawan ninyo kami ng pag-aari namin. Hindi pa ba sapat iyong kabutihang ginawa ng magulang ko para gawin ninyo iyon sa amin, ha? Kulang pa ba?” umiiyak kong sabi.
Nakatingin na lahat ng estudyante sa amin dito sa ground pero wala akong pakialam kung narinig nila lahat ng sinabi ko. Hindi ako ang dapat maguilty kun’di siya.
BINABASA MO ANG
The Lost Guevarra's Heir [COMPLETED]
RomanceMasungit at hindi palangiting babae si Almira Fate Ferreira and no one dares to give a care to her not until she meets Castriel Crisostomo, isang lalaki na nagmula sa isang mahirap na pamilya na magpapabago at magpapa-ibig sa kanya. Sa mabilis na pa...