Chapter 17

555 17 2
                                    

PAGKATAPOS naming kumain ay pumunta na kami sa kan'ya-kan'ya naming classroom. Nagulat ako nang biglang may humila sa buhok ko. Humarap ako sa kan'ya, ang babaeng pinaglihi sa lungkot.

"Papansin ka talaga, eh, 'no! Gagawa at gagawa ka talaga ng paraan para makuha ang boyfriend ko!" galit na sabi niya.

"Para sabihin ko sa'yo na hindi mo na siya boyfriend, EX BOYFRIEND MO siya. Hindi porket ikaw ang nasa tabi niya ay matatawag ka ng girlfriend niya. Tandaan mo, pinagbibigyan lang kitang makasama siya kaya hindi ako lumalapit sa kan'ya para ipaalala kung ano nga ba ako sa buhay niya. Darating ang araw na maaalala niya rin ako at makukuha ko siya sa'yo. Hindi naman siguro masama na bigyan ko ang BOYFRIEND KO ng kung anumang gusto kong ibigay sa kan'ya," mahabang sabi ko sa kan'ya. Ngumisi siya sa akin.

"Kailan kaya darating ang araw na iyon? Baka nga hindi ka na niya maalala, eh, dahil gagawa ako ng paraan para maging akin siya ulit. Gagamitin ko ang pagkakataon na ito para magawa iyon, Almira," nakataas na kilay na sabi niya.

"Napakadesperada mo naman kung ganoon. Well sige lang, do whatever you want, hanggang nasa iyo pa siya. Wala akong pakialam. Kukunin ko ang lahat ng kinuha sa akin, babawiin ko siya sa'yo."

"Talaga? Eh, parang binibigay mo na siya sa akin sa sinasabi mo," nakangising sabi niya.

"Kung iyon ang akala mo. Hindi ka ba nagtataka kung bakit kami magkasama kanina." Ngumiti ako nang mapang-asar sa kan'ya. Bigla namang nagbago ang awra niya.

"Napaka-epal mo talaga!" galit niyang sabi. Sasampalan niya sana ako nang pigilan ko ang kamay niya gamit ang isang kamay ko at ang isa ko pang kamay ay ginamit kong pang sampal sa makapal niyang pagmumukha.

"Wohoo! Go, Ms. Almira!" cheer sa akin ng mga kaklase namin.

"Huwag mong susubukang idapo ang palad mo sa mukha ko, Sadie. Dahil bago mo pa ako masampal ay nakadapo na itong isang palad ko d'yan sa makapal mong pagmumukha," matigas kong sabi sa kan'ya sabay bitaw ko nang malakas sa kamay niya.

"What's going on here?" tanong nang kakapasok lang na Prof namin.

"Nothing, Ma'am," sagot ko sabay upo sa upuan ko na katabi ni Trinity.

"Ma'am, Almira slap me," sumbong ni Sadie.

"That's true, Ms. Ferreira?" tanong ni Prof umiling ako.

"No, Ma'am. Nag-uusap lang po kami," sagot ko. Sinamaan ako ng tingin ni Sadie. Anong akala niya masisindak ako sa masamang tingin niya sa akin?

"Napaka-sinunggaling mo talaga!" sigaw niya sa akin.

"Ma'am, totoo po ang sinasabi ko. Kahit tanungin ninyo pa ang mga kaklase namin," sabi ko nang nakatingin kay Sadie.

"Ma'am, totoo po ang sinabi ni Ms. Almira. Nag-uusap lang po talaga silang dalawa," sagot ng kaklase naming babae.

"Nag-uusap lang naman pala kayo ni Ms. Ferreira, Miss Alvarez. Pwede ka ng umupo sa upuan mo at nang mapagsimula na akong maglecture," sabi ni Prof.

"Pero-" Hindi na niya natapos ang sasabihin niya dahil nag salita na agad si Ma'am.

"Go to your seat, Miss Alvarez, or baka gusto mong palabasin kita sa klase ko?" tanong ni Ma'am. Wala namang nagawa si Sadie.

Naglakad na siya papunta seat niya pero tumigil siya sa tapat ko. "Hindi pa tayo tapos, Almira. May araw ka rin sa akin," mahinang sabi niya sapat lang para marinig ko.

"Talagang hindi pa tayo tapos dahil kulang pa ang isang sampal. At saka sinabi ko naman sa iyo na mahirap akong kalaban," nakangisi kong sabi sa kan'ya. Umalis na siya at umupo sa seat niya.

The Lost Guevarra's Heir [COMPLETED]Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon