Chapter 36

166 1 0
                                    

ALMIRA’S P.O.V.

NAPANGITI nalang ako ng maramdaman ko ang pagbigat ng ulo niya sa balikat ko at ang payapa ng paghinga niya. Napaangat ako ng tingin nang bumukas ang pinto ng mansion at pumasok ang isang bodyguard na bantay sa labas ng gate.

Lumapit ito sa akin. “Lady Almira, nagpupumilit pong pumasok ni Lady Sadie pero ang utos sa amin ni Prince Castriel ay huwag siyang papasukin,” magalang na sabi ng bodyguard

“Sige, akong bahalang mag-paalis sa kan’ya. Bumalik ka na sa pagbabantay sa labas,” sabi ko.

“Sige po, Lady Almira,” magalang na sabi ng bodyguard bago umalis.

Dahan-dahan kong pinahiga si Castriel sa couch na hindi man lang nagising sa mahimbing na pagkakatulog bago ko kinuha ang envelope sa ibabaw ng coffee table at lumabas ng mansion. Hindi pa ako nakakarating sa gate ay narinig ko na ang boses ni Sadie at kita ko rin ang pagpigil ng mga bodyguard sa kan’ya na makapasok.

“Sabing papasukin ninyo ako. Kailangan kong makausap si Castriel!” rin ig kong sigaw ni Sadie.

“Hindi ka nga po pwedeng pumasok ng mansion, gaya nang ipinag-utos ni Prince Castriel,” sabi ng isang bodyguard. Biglang bumaling ang pansin sa akin si Sadie ng medyo malapit na ako sa gate.

“Almira, papasukin mo ako. Kailangan kong makausap si Castriel,” sabi niya.

“Para saan pa? Para paniwalaan mo ulit kami sa mga kasinungalingan mo. Ang kapal din pala ng mukha mo para lokohin si Castriel. Hindi lang si Castriel ang niloko mo kun’di kaming lahat nila Tita Marish,” galit kong sabi nang makalapit ako at makalabas ng gate.

“Ano ba iyang pinagsasabi mo, Almira? Hindi ako nagsisingungaling,” deny niyang sabi. Natawa naman ako sa sinabi niya, pero napalitan agad iyon ng galit.

“Hindi ba kasinungalingan ang pagsabi mo sa amin na anak ni Castriel iyang bata sa sinapupunan mo?” nakangising sabi ko habang nakatingin sa kan’ya.

“Anak ni Castriel ang batang dinadala ko, kaya anong sinasabi mo na hindi kay Castriel ang batang ito?” Dahil sa inis at galit na nararamdaman ko ay mabilis na dumapo sa mukha niya ang palad ko kaya napahawak siya doon dahil sa lakas nang pagkakasampal ko sa kan’ya.

“I’m not fooled to believe in your lies, Sadie,” galit kong sabi sa kan’ya. “Hindi na ako maniniwala sa mga sinasabi mo dahil napatunayan kong hindi kay Castriel iyang batang dinadala mo. Napakawalang hiya mo para lokohin kaming lahat. Umalis ka na rito, hindi na babagay ang isang katulad mong manloloko na tumapak pa sa mansiong ito.”

“Mahal, sino ang kaaway mo?” rinig kong tanong ni Castriel. Hindi na ako nag-abala pang linungin siya. “Anong ginagawa mo ritong babae ka?” nakakuyom ang palad na sabi ni Castriel.

“Castriel, please let me explain,” pagmamakaawa ni Sadie sabay luhod sa harapan namin at hinawakan niya ang kamay ni Castriel. Agad na tinanggal ni Castriel ang pagkakahawak ni Sadie sa kamay niya.

“Umalis ka na,” pagtataboy ni Castriel kay Sadie.

“No, hindi ako aalis. Castriel, huwag ka maniwala sa sinasabi ng lalaking iyon, please. Nakikiusap ako sa’yo,” pakiusap ni Sadie.

Agad na kinuha ni Castriel ang envelope na hawak ko at agad na kinuha ang mga laman na papel at itinapon niya sa harap ni Sadie.

“Now, tell me this is not true! Tell me, huh! Iyan ang ebidensya ng kasinungalingan mo. Hindi ko anak iyang pinagbubuntis mo,” galit na sigaw ni Castriel kaya hinawakan ko siya sa braso para pakalmahin siya. Kinuha ni Sadie ang papel na nasa harapan niya at binasa.

“Bakit may ganito? Bakit hindi ko alam na pina-paternity test mo ang pinagbubuntis ko?” tanong ni Sadie.

“Dahil gusto kong malaman kung ako nga ba talaga ang ama ng batang iyan. Tama pala ang hinala ko na hindi ako ang ama ng batang iyan,” sabi ni Castriel. “Umalis ka na rito dahil baka kung ano pa ang magawa ko sa’yo. Hindi nararapat pang tumira ang isang katulad mong sinungaling sa pamamahay ko.”

The Lost Guevarra's Heir [COMPLETED]Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon