Chapter 33

585 16 1
                                    

ALMIRA’S P.O.V.

KANINA ko pa rin napapansin na ang tahimik niya at malalim ang iniisip. Hindi namin kasama si Sadie dahil kasama raw niya ang mga kaibigan niya. Nandito kami ngayon ni Castriel sa restaurant ni Jane para rito kumain ng lunch namin.

“Love, what’s wrong? Kanina pa kita napapansin na ang tahimik mo at ang lalim din nang iniisip mo. Tell me what's the problem?” sabi ko na ikina-angat niya nang tingin sa akin. Binaba ko naman ang hawak kong kubyertos at nagpunas ng bibig gamit ang table napkin.

“Ahmmm, Mahal. Ano... kasi... Ahmmm.” Kunot noo ko siyang tinignan dahil sa hindi niya matuloy-tuloy ang sasabihin niya.

“Ano?” pangungusisa ko.

“Wala,” sabi niya at pinagpatuloy ang pagkain niya.

“Tell me, Love. Alam kong may sasabihin ka,” sabi ko sa kan’ya at hinawakan ang kamay niya dahilan para mapahinto siya at tumingin ulit sa mga mata ko. Nakita ko ang pagtaas at pagbaba ng balikat, it means humiga siya ng malalim.

“Pakiramdam ko kasi ay hindi ako ang ama nang pinagbubuntis ni Sadie. Noong nasa hospital kami ay wala akong maramdamang saya habang nakatingin ako sa screen kung saan nakikita ang fetus. Hindi ko ito sinasabi dahil sa hindi ko tanggap ang batang pinagbubuntis niya, sinasabi ko ito dahil ito ang tunay na nararamdaman ko.”

“Naiintindihan kita kung may doubt ka sa pinagbubuntis niya. Kung kailangan natin ipa-paternity test ang bata para malaman natin na ikaw nga ang ama ay gagawin natin, okay?” sabi ko. Nakita ko ang pagkunot ng noo niya.

“Paternity Test?” naguguluhang tanong niya.

“DNA paternity testing is the use of DNA profiles to determine whether an individual is the biological parent of another individual. Paternity testing can be especially important when the rights and duties of the father are in issue and a child’s paternity is in doubt,” I explained.

“Gusto kong malaman kung ako nga ang ama nang pinagbubuntis ni Sadie. Ipa-paternity test natin ang bata. Gusto kong makasiguro,” confident niyang sabi kaya ngumiti ako.

“Sasabihin ba natin ito sa Mama mo?”

“Huwag na lang muna kapag lumabas na lang ang resulta, baka kasi malaman ni Sadie kapag sinabi natin kay Mama,” sabi niya. Tumango naman ako.

*****

SUNDAY, ngayong gabi ang anniversary party ng Guevarra Group of Companies. Ngayon din ipapakilala ni Tito Harold si Castriel bilang tagapagmana ng kumpanya nila. Napangiti ako nang matapos akong magmake-up sa sarili ko.

Ayoko kasi magpamake-up sa mga make-up artist ni Tita Marish dahil ang kapal nilang magmake-up at hindi rin naman ako sanay kapag ibang tao ang nagmake-up sa akin.

Tumayo na ako sa pagkakaupo sa dresser ko pagkatapos ay tinignan ko ang kabuuan ko sa human sized mirror sa harap ko. I’m wearing a Blue Long Sleeveless Glitter Dress with matching Dark Blue Pointed Toe Thin Heels Women Pumps Six Inches High Heels. Napangiti ako nang malapad bago ako lumabas ng kwarto namin ni Castriel at bumaba ng hagdan.

Habang pababa ng hagdan ay napalingon si Castriel sa gawi ko at ngumiti. Ngumiti rin ako sa kan’ya. Ang gwapo ng boyfriend ko sa suot niyang Navy Blue Tuxedo with a Navy Blue Necktie. Bago pa ako makatapak sa huling baitang ng hagdan ay nilahad niya ang kamay niya sa harap ko na agad ko namang tinanggap

“Your beauty is incomparable, Mahal,” nakangiting sabi niya sabay halik sa kamay ko.

“You’re so handsome too, Love. Bagay sa’yo ang ganyang pananamit,” sabi ko habang palabas ng mansion. Kami na lang ni Castriel ang nandito sa mansion dahil naunang pumunta sa hotel sila Tita Marish. Sinabay na rin nila si Sadie.

The Lost Guevarra's Heir [COMPLETED]Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon