SUNDAY, pagkatapos kong magbihis at malagay ng make-up ay lumapit ako sa kama ko para kunin ang sling bag ko. Tinignan ko kung kumpleto ang laman bago ko sinukbit sa balikat ko.
Lumabas na ako sa kwarto ko pagkatapos at pumunta sa living room. Naabutan kong nanood sila Lorraine at Castriel ng T.V.
“Cancel all my meetings and appointments today, Lorraine,” bigla kong sabi dahilan para mapaiktad siya sa kinauupuan niya at mapasapo sa tapat ng puso niya.
“Aisst, grabe ka, Almira. Sabihin mo naman kung kailan ka magsalita at para hindi ka nakakagulat. My god, ang bilis ng tibok ng puso ko,” sabi ni Lorraine na ikinatawa ko. Kinuha niya ang ipad niya sa center table at may kinalikot doon. “Okay na, nakansel ko na lahat. Saan ka ba pupunta at bihis na bihis ka?”
“Magsisimba,” sagot ko.
“Okay,” tanging sabi niya at binalik na muli ang atensyon sa pinapanood.
“Samahan na kita, Almira. Pwede ba?” singit ni Castriel at tumayo sa kinauupuan niya.
“Sure ka? Day-off mo today.”
“Oo, wala naman akong gagawin ngayong araw. Magpalit na ako ng damit, ha?”
“Sige.” Umalis na siya at pumunta sa kwarto niya. Umupo naman ako sa sofa katabi ni Lorraine at nilabas ang cellphone ko.
“Tara na, Almira,” rinig kong sabi ni Castriel kaya binaba ko ang cellphone ko at nag-angat ng tingin sa kan’ya.
Tinignan ko siya mula ulo hanggang paa. Nakasuot siya ng plain white polo shirt at black slack na halatang luma na dahil kupas na ang kulay at ang black pair shoes niya na palagi niyang sinusuot. Ngumiti ako sa kanya bago tumango na lang ako sa kan’ya at tumayo.
“See you later, Lorraine,” paalam ko kay Lorraine na tumango lang.
Sumakay kami ni Castriel sa elevator pababa sa parking space ng Hotel. Sumakay kami sa kotse at agad namang pinaandar ni Castriel.
*****
HABANG nasa kalagitnaan ng misa ay iniangat ko ang kamay ko kapantay sa balikat ko nang simulang kantahin ang Ama Namin. Nabigla at napatigil ako sa pagkanta ng hawakan ni Castriel ang isang kamay ko at may naramdaman akong tila kuryente na nagmula sa mga kamay niya kaya napatingin ako kay Castriel. Seryoso siyang nakatingin sa altar habang sinasabayan ang pagkanta.
“May hindi ka maipaliwanag na nararamdaman sa kan’ya. May spark for short,” rinig kong sabi ni Lorraine sa isip ko.
“Isang sign na lang ang kulang para masabing pagmamahal na ang nararamdaman ko sa’yo. Once na mangyari ang isang sign na iyon ay hindi na kita pakakawalan kapag umamin na ako nang nararamdaman ko sa’yo,” sabi ko sa isip ko habang nakatingin sa ma among mukha ni Castriel habang kumakanta. Nang matapos ang kanta at lilingon sana siya sa akin ng tumingin ako sa altar.
Ilang minuto ang lumipas ay natapos na ang misa ay tumayo na kami. “Restroom lang ako,” paalam ko kay Castriel.
“Sige, doon na lang kita hintayin sa tirikan ng kandila.” Tumango lang ako sa kan’ya bago naglakad papuntang restroom ng simbahan.
Pagkarating doon ay agad akong pumasok sa isang cubicle at nagbawas. Pagkatapos ay humarap ako sa salamin at nilabas ang foundation powder ko para magre-touch.
Nang okay na ako ay lumabas na ako ng restroom nang may napadaang babae na kulot ang buhok na nasa forties na ang edad. Napatitig ako sa mukha niya kahit naglalakad na ito paglayo sa akin dahil kamukha niya ang babaeng matagal ko ng hindi nakikita.
“Mommy!” naluluhang sambit ko at hinabol ang babae. “Mommy,” sabi ko at hinawakan ang kamay niya ng maabutan ko siya at pinaharap sa akin. Nanlaki naman ang mga mata ko.
BINABASA MO ANG
The Lost Guevarra's Heir [COMPLETED]
RomanceMasungit at hindi palangiting babae si Almira Fate Ferreira and no one dares to give a care to her not until she meets Castriel Crisostomo, isang lalaki na nagmula sa isang mahirap na pamilya na magpapabago at magpapa-ibig sa kanya. Sa mabilis na pa...