Chapter 21

576 20 0
                                    

NARRATOR'S P.O.V.

“MAY katotohanan ba na may sakit ang nag-iisang anak niyong si Xavier Enriquez?” tanong ni Attorney Mendoza kay Olivia habang nakasalang ito sa korte at kinukwestiyon.

Isang buwan na simula ng simulan ang pagbukas sa kaso ng mga magulang at tiyuhin ni Almira. Sa isang buwan na lumipas ay tatlong hearing ang naganap. Umiikot ang tatlong hearing na iyon sa nangyari kanila Mom, Dad at Tito Martin.

“Oo,” maikling sagot ni Olivia habang nakayuko siya.

“Gaano katotoo ang pagkalugi ng negosyo niyo kaya humingi kayo ng tulong sa mga Ferreira?”

“Totoo.”

“Alam mo ba ang plano ng asawa mong si Mr. Zander na ipapatay si Mr. Marvin at ang asawa nito para makuha niyo ang kayaman nila?” seryosong tanong ni Attorney Mendoza kay Olivia na hindi mapakali sa kinauupuan nito dala marahil ng kabang nararamdaman.

“Hindi,” sagot ni Olivia.

“Ayon kay Ms. Almira ay narinig niya kayong nag-uusap at nagpaplano ng susunod ninyong gagawin ng asawa mi kay Mr. Martin noong huling dalawang araw ng burol ng magulang nito. Doon palang ay alam mo na ang planong ng asawa mo kay Mr. Martin pero bakit hindi mo siya pinigilan?” tanong ni Attorney.

“Dahil wala akong lakas ng loob na pigilan siya sa kung anuman ang plano niya,” sagot ni Olivia.

“Ang pananahimik mo ba ay nangangahulugang guilty ka sa kasalanan ng asawa mo at para hindi ka madawit dahil kasabwat ka nito?” tanong ng abogado na ikinatayo ni Attorney Rivera.

“Objection, Your Honor. Ang sinasabi niya ay isang opinion niya,” sabi ni Attorney Rivera.

“Objection sustained.”

“Gaano katotoo na kaya niyo magawang kamkamin ang kayaman ng mga Ferreira ay para mapagamot ang anak niyo at hindi sa pangsariling dahilan niyo lamang?”

“Totoo, ginawa lang namin iyon para hindi mawala ang anak namin. Wala naman sigurong magulang na gugustuhing mawala ang anak nila kaya gagawin nila ang lahat para lang hindi ito mawala sa piling nila kahit pa ikasasama nila,” naluluhang sabi ni Olivia ng maalala niya kung gaano nahihirapan ang anak niyang si Xavier noon habang nakaratay ito sa kama ng hospital.

Nakikita sa mata ni Olivia ang pagmamahal at takot na nararamdaman niya noong mga panahon na labas pasok sa hospital ang anak kaya nang tumingin siya sa anak na si Xavier ay lalong bumagsak ang luha niya habang nakatingin sa mukha nito na may pag-aalala para sa kanya.

“Salamat,” sabi ni Attorney Mendoza na napatingin kay Almira na nakatingin kay Olivia.

Nang bumaba si Olivia sa witness stand sa pagtatapos ng integorasyon dito. Lumapit si Attorney Mendoza sa judge.

“Your Honor, naririto ang isa pa sa testigo na magdidiin sa akusado nq nangyari sa krimen, si Ms. Beverly Martel na siyang magpapatunay na katotohanan na nag-utos itong ipapatay si Mr. Martin Ferreira,” sabi ni Attorney Mendoza.

Tumango ang judge kaya lumapit sa harapan si Attorney Mendoza. Pumasok ang isa pang testigo na babaeng nasa edad trenta pataas.

“PWEDE ko bang makausap si Ms. Almira Ferreira?” tanong ng isang babae sa receptionist sa front desk ng Ferreira Hotel ng araw na iyon.

“May appointment po ba kayo kay Ms. Ferreira?” tanong ng receptionist sa babae.

“Wala, pero pakisabi nandito si Beverly Martel. May sasabihin ako sa kanyang importante,” sabi ng babaeng nagpakilalang si Beverly.

“Sorry, Ma'am, pero hindi po pwede kung wala po kayong appointment kay Ms. Almira,” sabi ng receptionist.

Napatingin ang receptionist sa babaeng nasa harapan niya. Halata sa mukha nitong may importante ngang sasabihin sa amo nila si Almira pero hindi naman niya pwedeng istorbuhin ang amo dahil may mga kameeting itong investor at baka rin mapagalitan at tuluyan na siyang matagal sa trabaho.

The Lost Guevarra's Heir [COMPLETED]Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon