Chapter 35

155 2 0
                                    

PAGKATAPOS nang dalawang araw na bakasyon namin sa beach resort ay umuwi na rin kami dahil may pasok kami kanina at unang araw din ng exam namin.

Pagkapasok ko sa mansion ay nakita kong nagbabasa ng magazine si Hannah sa sala kaya umupo ako sa katapat niyang sofa.

"Kumusta ang school day mo, Hannah?" tanong ko. Tumingin naman siya sa akin.

"Perfectly fine, Ate Almira," sagot niya bago ibinalik ang tingin niya sa hawak niyang magazine.

"Ate Almira, pumunta nga pala rito ang Ob-gyne doctor daw ni Ate Sadie. Hihintayin niya sana kayong umuwi ni Kuya kaso may tumawag sa kan'ya at nagmamadaling umalis, iniwan niya na lang iyang brown envelope at ibigay ko raw sa'yo," sabi ni Hannah habang nakatingin sa binabasa niya.

"Hannah, pwede bang huwag mong ipaalam kay Kuya Castriel mo, lalong lalo na kay Sadie ang tungkol sa pagpunta rito ng Ob-Gyne Doctor niya?" Nag-angat siya nang tingin sa akin bago tumango.

"Sure po, Ate Almira," sabi niya.

"Thanks," maikling sabi ko.

Kinuha ko sa ibabaw ng coffee table ang brown envelope na may nakalagay na pangalan ng hospital at nakaseal pa iyon.

Agad kong binuksan at nilabas ang mga laman na papel. Biglang umakyat ang dugo ko sa ulo ko dahil sa nabasa kong resulta ng paternity testing nila Castriel at ng batang pinagbubuntis ni Sadie.

Napakawalang hiya talaga ng babaeng iyon para lokohin kaming lahat. Tama ang hinala ni Castriel na hindi siya ang ama ng batang dinadala ni Sadie.

Buti na lang ay nauna akong umuwi sa kanilang dalawa dahil may gustong bilhin si Sadie at si Castriel ang gusto niyang isama. Wala pa rin sila Tito Harold at Tita Marish dahil may tatlong araw silang business trip at bukas pa ang uwi nila.

Agad kong binalik ang mga papel sa loob ng envelope nang marinig kong bumukas ang pinto at pumasok si Sadie. Tinago ko sa ilalim ng librong hawak ko ang envelope. Napapikit ako para pigilan ang sarili ko na huwag masampal si Sadie dahil sa ginawa niyang pagsisinungaling na si Castriel ang ama nang pinagbubuntis niya.

"Magpapalit lang ako," paalam ko bago tumayo at umakyat sa kwarto namin ni Castriel. Agad kong nilagay sa drawer ng study table ang envelope dahil ayoko munang ipaalam kay Castriel ang resulta.

*****

SADIE'S P.O.V.

HINDI ko alam kung bakit naging malamig ang pakikitungo sa akin ni Almira simula kagabi. Kasama ko ngayon si Castriel ngayong maglunch dahil biglang umalis si Almira, kailangan niya raw pumunta sa kumpanya niya dahil nagkaroon ng emergency meeting kaya kaming dalawa lang ni Castriel ngayon.

"May bibilhin lang ako sa counter," sabi niya bago tumayo at umalis. Sinundan ko naman siya nang tingin hanggang makarating siya sa counter.

Ilang minuto lang ang nakakalipas mula nang maka-alis si Castriel nang may biglang humablot sa kamay ko at hinila ako palaabas ng cafeteria. Pagkarating namin sa labas ay doon ko na nga nakumpirma kung sino siya at walang iba kun'di si Louie.

"Ano na naman ba ang kailangan mo, ha?!" inis na tanong ko.

"Gusto lang naman kitang makita, Sadie, syempre gusto ko rin kayong bantayan ng baby ko," nakangiti niyang saad pero parang may kakaiba sa paraan niya ng pagtitig sa akin. Sinamaan ko naman siya nang tingin.

"Tigil-tigilan mo na ako, Louie, ah! Hindi ba, may usapan na tayo?!" singhal ko ulit. Nag-iinit na talaga ang dugo ko sa kan'ya.

"Wala namang masama kung bantayan kita, hindi ba?" tanong niya pabalik sa akin, ang kan'yang mga ngiti ay nagsisimula ng maging mapang-asar.

The Lost Guevarra's Heir [COMPLETED]Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon