Chapter 13

586 20 7
                                    

DALAWANG BUWAN na ang lumipas simula ng ma-coma si Castriel at hanggang ngayon ay hindi pa rin siya nagigising. Papunta ako ngayon sa private room ni Castriel.

Weekend naman ngayon kaya wala akong klase at wala rin akong meeting kaya pupuntahan ko na lang si Castriel. Pagkarating sa kwarto ni Castriel ay agad na akong pumasok.

Nagulat ako ng makita ang isang babae na nakaupo sa tabi ni Castriel at hawak pa niya ang kamay ng boyfriend ko. Biglang nang-init 'yong ulo ko nang halikan ng babae ang kamay ni Castriel kaya nagsalita na ako.

"Sino naman ang babaeng ito? Nakakapang-init ng ulo siya. Kailangan niya pa talagang hawakan at halikan ang kamay ni Castriel," inis na sabi ko sa isip habang nakatingin sa babae.

"Miss, who are you? Bakit nandito ka sa kwarto ng boyfriend ko?" tanong ko. Napalingon naman siya at napatayo.

"Ikaw ang tapat tanungin ko niyan, Miss. Bakit ka bigla bigla ka na lang pumapasok sa kwarto ni Castriel?"

"Miss, ako ang unang nagtanong kaya sagutin mo ang tanong ko," inis kong sabi.

"I'm Sadie Alvarez, his highschool bestfriend and his ex girlfriend. Alam kong wala na akong karapatan na lumapit sa kan'ya dahil ako ang dahilan kung bakit kami naghiwalay. Pero mahal ko pa rin siya hanggang ngayon kaya ako nandito para bantayan siya," sabi ng babae na Sadie ang pangalan.

"Hindi mo na siya kailangan bantayan dahil ako ang gagawa niyon sa kan'ya bilang girlfriend niya."

"Girlfriend ka niya?" hindi makapaniwalang tanong niya.

Tinaasan ko siya ng kilay, "Yes, I'm his girlfriend. May problema ba doon?"

"Wala. Hindi ko kasi akalain na girlfriend ka ni Castriel. Sa ganda at base na rin sa suot mo ay mukha kang mayaman. Ang akala ko kasi ay ikaw ang amo niya."

"Miss, pwede bang umalis ka na rito sa kwarto ng boyfriend ko? Ikaw na ang nagsabi na wala ka ng karapatan sa kan'ya," sabi ko at umupo sa sofa.

"No, hindi ako aalis. Babantayan ko siya," sabi niya at umupo ulit sa tabi ni Castriel at hinawakan ang kamay ni Castriel.

"Umalis ka na o baka gusto mong ipakaladkad pa kita paalis sa mga bodyguard ko."

Tumayo naman siya agad at padabog na lumabas ng kwarto. Tumayo ako at ako naman ang umupo sa tabi ni Castriel at hinawakan ang kamay niya.

"Love, gumising ka na. Gusto ko ng makita ang mga ngiti mo at marinig ang mga banat mo. Gusto na kitang makasabay ulit pumasok. Please gumising ka na," sabi ko at hinalikan ang kamay niya.

*****

KINABUKASAN, pagkarating sa private room ni Castriel ay hindi na ako nagulat ng makita ko na naman si Sadie na nakaupo sa tabi ni Castriel. Ang kulit talaga ng babaeng ito.

"Why are you here again? Talagang makulit ka rin, eh, 'no?" sabi ko. Napatingin naman siya sa akin at agad na tumayo sa kinauupuan niya at lumayo kay Castriel.

"Hayaan mo na lang kasi akong bantayan siya. Gusto kong bumawi sa kan'ya kahit sa gan'tong paraan lang." Lumapit ako kay Castriel na hanggang ngayon ay hindi pa nagigising.

"Bakit pa? Wala ka nang karapatan para gawin iyon dahil matagal na kayong tapos! Ano ka, bodyguard? Para bantayan siya," sigaw ko. Hindi ko na talaga kayang pigilan ang nararamdaman ko.

"Almira, lower down your voice," sabi ni Kuya pero hindi ko siya pinansin.

"Miss, pwede bang umalis ka na lang dito sa kwarto ng nobyo ng apo ko? And you don't need to be here because you're not Castriel's relatives kaya wala kang karapatan na manatili pa dito. You're just his ex, right?" sabat ni Mamila. Kasama ko kasi sila Kuya Alfred at Mamila sa pagpunta dito sa hospital para dalawin si Castriel.

The Lost Guevarra's Heir [COMPLETED]Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon