Chapter 10

587 14 0
                                    

SEVEN YEARS AGO…

TAHIMIK akong nakaupo sa sofa habang nakatutok ang paningin ko sa pinapanood na palabas sa television. Paminsan-minsan ko ring tinatapunan ng tingin sa malaking maindoor ng mansion na nakasarado para tingnan kung dumating na ba ang magulang ko.

“Hey, Honey, bakit hindi kaya muna tayo kumain habang hinihintay natin ang mga magulang mo?” tanong ng pinsan kong si Kuya Alfred sa akin bago umupo sa tabi ko. Sanay na ako na tinatawag niya ako ng ‘Honey’. Kakarating lang nila ni Mamila kanina ng hapon dito sa Pilipinas mula sa America.

“No, Kuya. Hihintayin kong dumating sila Mommy dahil gusto ko silang makasabay magdinner. Mauna na kayong kamain ni Mamila at para makapagpahinga na siya ng maaga,” sabi ko ng hindi tumitingin sa kan’ya dahil nakatutok ang atensyon ko sa panonood.

“Okay, sige. Basta pagkarating nila Tito Marvin ay sasabay kang kakain sa kanila,” sabi ni Kuya. Tumango lang ako sa kan’ya ng hindi pa rin siya tinatapunan ng tingin.

Ilang minuto ang lumipas ay hindi pa rin dumadating sila Mom. Nakaramdam ako ng paninikip ng dibdib dahil sa kaba at ang bilis nang pagpintig ng puso ko. Kukunin ko sana ang cellphone ko na nasa side table nitong sofa na kinauupuan ko ng hindi sinasadyang matabig ng kamay ko ang frame na nakapatong doon.

Mas lalo akong kinabahan nang makita ko ang wedding picture nila Mom at Dad ang nahulog at basag na ang salamin ng frame. Halos mapatalon naman ako nang biglang magring ang cellphone ko na muntik ko pang maibato sa gulat. Tinignan ko ang pangalan ng tumatawag sa screen ng cellphone ko at napakunot ang noo ko ng makitang unregistered number ang tumatawag.

“Hello? Who’s this?” tanong ko ng pinindot ko ang green button.

“It this the daughter of Mr. Marvin and Mrs. Marizialyn Ferreira? They’re here at the Ferreira Medical Hospital. Kailangan po namin ng relatives nila para kuhanin ang bangkay nila sa morgue.”

Nabitawan ko ang cellphone na hawak ko dahil sa huling sinabi ng babaeng kausap ko sa kabilang linya. Lumikha ng ingay ang pagbagsak ng cellphone ko sa sahig dahil sa pagkabasag nito. Natabig ko din ang mamahaling vase na nasa gilid ko dahilan para mas lalong lumikha ng ingay. Sunod-sunod na nagtuluan ang mga luha ko habang umiiling-iling dahil hindi totoo ang sinabi ng babaeng kausap ko.

“H-Hindi. H-Hindi totoo iyong sinabi niya. Buhay si Mom at Dad. B-Buhay sila. W-Walang bangkay ng magulang ko sa morgue ng hospital na iyon,” umiiyak at hindi nahihiwalang kong sabi habang malayang tumutulo ang luha ko mula sa akin mata.

“Anong ingay iyon?” rinig kong tanong ni Mamila pero hindi ko siya pinansin. Umiiling akong napatakip sa mukha ko habang patuloy na umiiyak at nagpakawala nang hagulgol.

“Almira, bakit ka umiiyak?” tanong ni Kuya Alfred at naupo muli siya sa tabi ko. Tinanggal ko ang kamay ko na nakatakip sa mukha ko at agad na yumakap kay Kuya.

“K-Kuya, hindi iyon totoo, ‘di ba? B-Buhay sila, ‘di ba? Hindi sila patay, ‘di ba?” hagulgol ko ng iyak kong sabi kay Kuya habang nakayakap sa kan’ya.

“Huh? Hindi kita maintindihan, Almira. Sinong ‘sila’? At sinong patay ang sinasabi mo?” naguguluhang sabi niya.

“M-May tumawag sa akin kanina, ang sabi niya ay nasa hospital daw sina Mom at kailangan ng relatives nila doon para kuhanin ang bangkay nila sa morgue.” Umiiyak kong paliwanag.

“T-Totoo ba iyang sinasabi mo, Almira? Kung nagbibiro ka lang ay hindi ito magandang biro,” saad ni Mamila. Napalingon ako sa kan’ya at nakita ko ang pagbagsak ng luha niya.

The Lost Guevarra's Heir [COMPLETED]Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon