SOMEONE’S P.O.V.
NAKATINGIN ako sa screen ng cellphone ko kung saan may picture ng isang babae na matagal ko nang gustong makuha dahil matagal ko na siyang mahal. Kinailangan ko pang lumipat sa nilipatan niyang University para lang pagmasadan siya sa malayo.
Ininom ko ang isang baso ng Spirytus Vodka na nasa harapan ko. Gumuhit ang pait sa lalamunan ko. Kanina pa ako umiinom pero hindi pa rin nasasanay ang lalamunan ko sa lasa ng iniinom ko. Napangiti na lang ako nang maalala ko ang gabi kung saan ay ako ang nakauna sa kan’ya.
PAGKARATING ko sa bar na tinext niya sa akin ay agad ko siyang nakita na uminom sa harap ng counter kaya nilapitan ko siya agad.
Nakita ko siyang nakapikit habang nakatukod ang kamay niya sa ibabaw ng counter at hawak ang ulo niya. Mukhang lasing na siya.
Kukunin niya pa sana ang isang baso ng alak nang kunin ko ‘yon at ako na ang uminom. Nakita kong tumingin siya sa akin at bigla siyang ngumiti. “Ang gwapo mo,” lasing na sabi niya.
“Halika na ihahatid na kita sa inyo,” sabi ko at hinawakan ang kamay niya pero agad niyang tinanggal ang pagkakahawak ko.
“No, I want you tonight, Mister,” sabi niya at bumaba sa pagkakaupo sa highstool at lumapit sa akin. Hinawakan niya ako dibdib na nagpainit sa katawan ko. Haplos pa lang niya ay nag-iinit na ako at nagre-react na ang katawan ko.
“Are you sure?” paninigurado ko.
“Yes, I’m very sure, Mister,” sabi niya and she bit her lips habang nakatingin sa akin.
Nanlaki ang mata ko nang bigla niya akong hinalikan sa labi. Hindi ko napigilan ang sarili ko ay hinalikan din siya, hinawakan ko ang mukha niya para mas lalong lumalalim ang halikan namin. Pagkahiwalay ng mga labi namin ay pareho kaming naghahabol nang hininga.
Hinawakan ko ang kamay niya at dinala siya sa private room ng bar para doon ituloy. Pagkarating namin sa kwarto ay agad kong ni-lock ang pinto at agad siyang siniil ng halik papunta sa kama. Naghalikan kami nang naghalikan hanggang sa may nangyari sa aming dalawa.
DALAWANG BUWAN na ang nakalipas nang may nangyari sa amin. Hindi ko alam kung anong nangyari sa kan’ya noong araw na nahimatay siya sa harap ni Ms. Almira.
Babawiin ko ang babaeng mahal ko sa lalaking kinakasama niya. Kukunin ko siya dahil akin lang siya at wala nang iba kung ‘di akin lang.
*****
ALMIRA’S P.O.V.
TWO MONTH passed since noong muntik nang makunan si Sadie. Last week ay nasagawa na ang paternity testing nila Castriel at ng batang pinagbubuntis ni Sadie. Ilang araw na lang ang hihintayin namin para malaman ang resulta.
Nandito kami ngayon ni Castriel kasama sina Trinity, Chelsea, Maleah, Lorraine, Kyde, Hannah at Sadie sa private beach house na binili ko last year kasama ang beach resort na katabi nito. Ma-eenjoy muna kami rito nang dalawang araw bago ang final exam. Wala rin kasi sila Tita Marish at Tito Harold dahil nasa business trip sila.
Pagkarating namin sa kwarto namin ni Castriel at nagpalit na ako ng swimwear ko. Nagsuot ako ng light pink one-piece swimsuit na pinatungan ko ng see through beach dress cover up. Paglabas ko ng bathroom ay nahinihintay na pala ako ni Castriel na nakasuot ng summer outfit niya.
“Bakit ganyan ang suot mo, Mahal? Magpalit ka nga. Ayoko ng ganyan ang suot mo.”
“Bakit? Anong mayro'n sa suot ko? Maganda nga at ang sexy kong tignan,” sabi ko.
“Maganda nga pero lantad naman ang katawan mo. Baka makita ka ng ibang lalaki at bastusin ka. Ako lang dapat ang nakakakita ng magandang katawan mo.”
BINABASA MO ANG
The Lost Guevarra's Heir [COMPLETED]
RomanceMasungit at hindi palangiting babae si Almira Fate Ferreira and no one dares to give a care to her not until she meets Castriel Crisostomo, isang lalaki na nagmula sa isang mahirap na pamilya na magpapabago at magpapa-ibig sa kanya. Sa mabilis na pa...