Chapter 3

852 29 2
                                    

BREAKTIME, pagkalabas ng Prof namin ay nagsi-labasan na rin ang mga classmate ko. Niligpit ko muna ang gamit ko at saka tumayo. Lumabas ako ng classroom at nakita ko si Castriel na hinihintay ako. Lumapit ako sa kan’ya.

“Saan mo gusto tayong kumain?” tanong ko sa kan’ya kaya napalingon siya sa akin at ngumiti.

“Ayan na naman ang ngiti niya na nakakalusaw,” naiilang na sabi ko sa isip.

“Sa cafeteria na lang.” Tumango na lang ako. Nagsimula na kaming maglakad papuntang cafeteria.

Habang naglalakad ay narinig kong nag-ring ang cellphone ko. Agad kong kinuha sa bulsa ko at tinignan. Tumatawag si Lorraine. “Oh, napatawag ka?”

“Wala lang. Sasabihin ko lang na kakatapos ko lang kausapin ang isang client para sa event next month.”

“So, kailan mo sisimulan ang paghahanap ng ng bago kong driver?”

“Sa Friday na ako magsisimula.”

“Good. By the way... I need to hung up na.” Pagkababa ng tawag ay tinago ko na ang cellphone ko.

Pagkarating sa cafeteria ay humanap na ako ng table, may nahanap naman ako. Si Castriel na ang pumunta sa counter at bumili ng pagkain namin. Nilapag ni Castriel ang pagkain namin sa table at umupo siya sa harapan ko. Kinuha ko naman ang pagkain ko. Nagsimula kaming kumain ng tahimik.

“Anong course mo?” panimula ko at pagbasag ko sa katahimikan sa pagitan naming dalawa.

“Bachelor of Science in Accountancy. Hindi sa nagmamayabang magaling kasi ako sa math. Ikaw?”

“Bachelor of Science in Business Administration major in Business Management. Dahil gusto kong maging isang CEO in the future. Oh! nakalimutan kong CEO na pala ako ngayon.”

“Buti ka pa. Natupad na agad ang pangarap mo. Ako, matagal pa bago matupad ang pangarap ko.”

“Ano ba ang pangarap mo?” I asked.

“Ang mahanap at makilala ko ang tunay kong mga magulang. Kaya pala iba ang pakikitungo ng mga nagpalaki sa akin dahil hindi naman pala nila ako tunay na anak.” Halata sa tono ng boses niya na nalulungkot siya nang malaman niyang ampon siya.

“Alam kong matutupad din iyan. Mahahanap at makikilala mo rin ang tunay mong mga magulang. Huwag ka lang mawalan ng pag-asa. Huwag ka na ring malungkot,” sabi ko sa kan’ya na ikinangiti niya.

“Kaya nga mas pinagbubutihan ko pa ang pag-aaral ko. Hanga nga ako sa inyong mayayama, eh, kaya ninyong ipahanap ang taong gusto ninyong mahanap sa tulong ng ibang tao.”

“Bakit? Mayaman ka, hindi ba?” Umiling siya na ipinagtaka ko kasi hindi naman siya mukhang mahirap.

“Sa gwapo niyang tignan sa uniform niya ay hindi maipagkakaila na nabibilang din siya sa mga mararayang pamilya katulad ko,” sabi ko sa isip.

“Hindi ako mayaman katulad mo. Mahirap lang ako. Scholarship lang talaga ang dahilan kung bakit ako nakapagkolehiyo ngayon rito,” proud na sabi niya. Napangiti ako.

“Oo, ngumiti ako para sa kan’ya. Isang totoong ngiti dahil hindi niya ikinahihiya na mahirap lang siya. Kung siya ay humahanga sa aming mayayaman, ako humahanga sa kan’ya dahil kaya niyang ipagmalaki na mahirap lang siya…na kuntento na siya kung ano man ang mayroon siya,” nakangiting sabi ko sa isip.

Nakita kong nanlaki ang mga mata niya. Siguro ay nagulat siya dahil sa pagngiti ko.

“Sino ba naman ang hindi magugulat, hindi ba? Isang masungit at hindi ngumiting babae ay napangiti mo,” nakangiting sabi ko sa isip.

The Lost Guevarra's Heir [COMPLETED]Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon