Chapter 31

660 12 1
                                    

MAHIGIT isa't-kalahating oras ang naging byahe namin dahil sa traffic. Alam ninyo naman sa pilipinas, hindi mawawala iyan. Sa wakas ay nakarating na kami sa mala-palasyong mansion ng mga Guevarra. Bumaba kami ng sasakyan at bumungad sa amin ang kagandahan ng labas ng mansion.

"Ang ganda. Mansion ba talaga ito o palasyo?" manghang sabi ni Sadie.

Pumasok na kami sa loob at bumungad ang magagarbo at mamahaling gamit na nakadisplay sa living room. Kung maganda ang labas ng mansion ay mas maganda ang loob dahil may chandelier na nakasabit sa gitnang kisame ng mansion.

Tama si Sadie, dahil hindi mo matatawag na mansion ito dahil sa ganda at laki, isa itong palasyo na kumikinang dahil sa mga gintong kagamitan.

"Good evening, Young Ladies and Young Master. Welcome to Guevarra's Mansion," sabay-sabay na bati ng mga maids na nakahilera pagpasok namin. Yumuko pa sila pagkatapos nila kaming batiin.

"Ms. Ferreira, nandito na pala kayo," sabi ni Queen na kakalapit lang sa amin.

"Almira na lang po ang itawag ninyo sa akin," sabi ko kay Queen.

"Okay, sige. Tito at Tita na lang din ang itawag mo sa amin ni Harold," nakangiting sabi ni Tita.

"Sige po, Tita," nakangiting sagot ko.

"Ikaw din, Sadie," baling niya kay Sadie na busy sa pagtingin-tingin sa mga mamahaling kagamitan ng mansion.

"Yes, Tita," sagot niya.

"OMG! Ms. Almira, is that you?" tiling tanong ni Princess Hannah ng makalapit siya. Ang ganda niya talaga.

"Yes, Princess Hannah."

"Huwag mo na akong tawagin na Princess, Hannah na lang. At Ate Almira na lang ang itatawag ko sa'yo," nakangiting sabi niya.

"Sure, Hannah."

"Pwedeng payakap?"

"Sure," sabi ko at niyakap niya ako.

"Ang ganda mo, Ate Almira. Palagi kitang nakikita sa magazines. Hindi kasi kita nakikita tuwing nagbi-birthday o may event kami sa hotel mo," magalang niyang sabi

"Marish, Hannah, the dinner is ready," rinig kong sabi ni Tito Harold. "Hindi ko alam na may mga bisita pala tayo. Welcome to our mansion," sabi pa ni Tito Harold. Napatingin siya kay Castriel na nakatingin din sa kan'ya. Magkamukhang magkamukhang nga sila.

"Let's go, baka lumamig ang pagkain," sabi ni Tito Harold habang nakatingin pa rin kay Castriel bago siya tumalikod.

Sumunod naman kami sa kaniya papuntang dining room. Umupo si Tito Harold sa gitna ng dining table. Tumabi sa kan'ya si Tita sa may kanan niya at katabi naman ni Tita si Hannah. Sa kaliwang tabi naman ni Tito ay umupo si Castriel, katabi ko siya at katabi ko sa kabilang gilid ko si Sadie.

"Bago tayo kumain ng dinner ay gusto ko munang malaman ang resulta," sabi ni Tita.

"Almira, pwede bang ikaw ang magsabi sa amin ng resulta?"

"Sure po," sagot ko. Ngumiti siya sa akin bago niya ibigay sa akin ang brown envelope na may pangalan ng hospital. Binuksan ko na iyon at nilabas ang laman. Nanlaki ang mata ko ng makita ko kung ano ang resulta ng DNA Test nila ni Castriel.

"Almira, anong resulta?" tanong ni Tita. Tumingin ako sa kan'ya. Halata ang kaba sa mukha niya dahil sa butil ng pawis sa noo niya. Kita ko iyon kahit magkalayo kami.

"The Probability of Maternity is..." Pinatitigan ko silang lahat bago ko ituloy ang sasabihin ko. "Is 99.9%. The result is positive," pagpapatuloy ko. Tumingin ako kay Castriel at bigla siyang niyakap.

The Lost Guevarra's Heir [COMPLETED]Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon