ALMIRA’S P.O.V.
PAGKATAPOS magbalat ni Castriel ng mangga ay nilapag niya iyon sa harap ko pati na rin ang ketchup. Agad akong kumuha ng isang slices ng mangga at sinawsaw sa ketchup sabay subo.
Katatapos lang namin kumain ng lunch, o kung matatawag pa bang lunch ‘yon dahil alas-tres ng hapon na ako nagising. Pagkatapos kumain ay pinabalat ko agad siya ng mangga. Umupo siya sa tabi ko bago niya ako pinatayo at inalalayan na kumandong sa kan’ya.
Hindi pa rin ako makapaniwala na magkakaroon na kami ni Castriel ng anak. Labis labis ang tuwa ang nararamdaman ko ngayon, lalong lalo na si Castriel na wala halos mapagsidlan ng kaligayahan dahil hindi mawala ang ngiti sa mga labi niya at hindi akalain na magkakaanak na kami.
Aaminin ko, natatakot ako dahil hindi ko alam kung ano ang mangyayari sa mga susunod na araw ng pagbubuntis ko, hindi ko alam kung ano ang mga mararanasan ko pa lalo na kapag nagsimula ng lumaki ang tiyan ko. Natatakot ako na baka magkamali ako, na baka may magawa ako na hindi dapat at makasama sa bata na dinadala ko.
Madami pa akong mga bagay na ngayon ko palang mararanasan bilang ina kaya natutuwa ako. Nakadagdag sa saya na nararamdaman ko ang isipin ang tuwa na nararamdaman ni Castriel ngayon.
“Ano kaya ang magiging reaksyon at pakikitungo niya sa akin kapag nagsimula ng lumaki ang tiyan ko?” tanong ko sa isipan ko.
Hindi na ako makapaghintay na makita ang reaksyon niya kapag naramdaman ang pagsipa ng anak namin sa loob ng tiyan ko. At hindi na rin ako makapaghintay na makita ang pinakamagandang biyaya na ibinigay sa aming mag-asawa.
“Kapag sobrang sama na nang pakiramdam mo o may nararamdaman kang masakit, sabihin mo sa akin, ha?” sabi niya habang nilalagay sa tenga ko ang hibla ng buhok ko na nakaharsang sa mukha ko. Tumango ako pagkatapos ay sinubo ang mangga na may ketchup na nakatapat sa bibig ko. “Huwag kang maglilihim sa akin nang nararamdaman mo.”
“Alam mo, minsan gusto kitang iwasan,” biglang sabi ko sa kan’ya.
“Bakit naman?” nakakunot-noong tanong niya.
“Kasi, ang totoo naiinis ako kapag nakikita ka. Gusto ko na lumayo ka.”
“Ganoon ba?” malungkot niyang sabi. Napakagat naman ako sa ibabang labi ko para mapigilan ang emosyon ko.
“Oo, pero naguguilty ako. Iniisip ko pa lang na lalayo ka sa akin, na hindi ako yayakapin, nalulungkot ako,” sabi ko at hindi ko na mapigilang ang sarili kong maluha. Bwisit na hormones ito.
“Oh, bakit umiiyak?” tanong niya at pinahid ang luha ko.
“Kasi, naiinis ako sa nararamdaman ko. Nainis ako kasi nabubwisit ako sa’yo pero ayaw naman kita awayin kasi naiiyak ako na baka mainis ka rin tapos hindi ka na lumapit sa akin. Ayaw ko niyon, gusto ko nasa tabi lang kita.”
Napangiti siya pagkatapos ay hinawakan ang mukha ko. Pinisil niya ang pisngi ko hanggang sa mapanguso ako pagkatapos ay sunod-sunod na hinalikan ang labi ko.
“Ano-” dinampian niya ng halik ang labi ko, “bang-” isang halik pa ulit, “ginagawa-” at isa pa, “mo.” Hinalikan naman niya ako sa noo.
“Love, naman, pinang-gigigilan mo naman ako,” nakapuot na sabi ko.
“Kasi, ang cute-cute ng asawa kong maglihi,” sagot niya. Napakagat ako sa ibabang labi ko pagkatapos ay ako naman ang nanggigil sa kan’ya.
Pagkatapos ay pinaulunan ko siya ng mga halik sa mukha ko. Natawa na lang kami sa pinaggagawa namin hanggang sa maramdaman ko na hinaplos niya ang tiyan ko.
“Excited na ako, Mahal.” Napangiti naman ako sa kan’ya.
“Ilang months pa. Hindi pa nga halata ‘yong tiyan ko.”
BINABASA MO ANG
The Lost Guevarra's Heir [COMPLETED]
RomanceMasungit at hindi palangiting babae si Almira Fate Ferreira and no one dares to give a care to her not until she meets Castriel Crisostomo, isang lalaki na nagmula sa isang mahirap na pamilya na magpapabago at magpapa-ibig sa kanya. Sa mabilis na pa...