ALMIRA’S P.O.V.
ISANG LINGGO na ang nakalipas simula nang magsimula ang first hearing. This Sunday ang labas ng results ng mga document at iyon na rin ang last hearing kung saan ay may possibilidad na maipanalo namin ang kaso.
Pagkarating sa school ay na kasabay kong pumasok sila Castriel at Sadie. Nang magtama ang tingin namin at tinaasan niya ako ng kaliwang kilay. Inirapan ko naman siya. “Hello, Castriel,” bati ko kay Castriel ng mapatingin ako sa kanya.
“Hi, Almira.”
“Let’s go, Castriel,” sabi ni Sadie
“Sige, Almira. Una na kami,” sabi ni Castriel at umalis na sila.
Nagsimula na rin akong maglakad pero nag-iba ako ng daan. Pumunta akong rooftop dahil isang oras pa bago ang klase ko. Ganoon din si Castriel at alam kong pupunta siya rito pagkatapos niyang ihatid si Sadie sa classroom. Umupo ako sa isang bench habang hinihintay si Castriel.
Hindi naman nagtagal ay dumating na siya at humiga siya sa bench at ginawang unan ang lap ko. Tumingin ako sa mukha niya. Nakapikit ang mga mata niya. Hinawakan ko ang mukha niya na nagpadilat sa kan’ya.
“Alam mo ba na kapag nanghihina na ang aking loob, kapag nauubos na ang pag-asang naipon ko, kapag pakiramdam kong naiipit na ako sa pagitan ng bakit at paano ay tinitignan lang kita. Pagkatapos, nagkakaroon ako ng saglit na katahimikan. Para akong unti-unting nalilinawan sa bawat tanong ko at pagdududa. Nakikita ko ang itsura ng kapayapaan sa iyong pagtulog. Nabibigyan ako ng sagot sa mga ngiting ibinibigay mo.
“May kasiguraduhan sa iyong tingin hanggang sa mapalitan ng kasi ang bawat bakit. Sa tuwing naguguluhan ako, ipinapaalala sa akin ng mundo kung anong sigurado sa pamamagitan mo. Ikaw ‘yong nagpapadali sa bawat paghinga, ‘yong taong ibinigay para sa panahon na ito, mayroon akong makakasama. Patunay lamang na sa kabila ng maraming problema ay hindi ako nag-iisa sa aking pag-iisa.
“Minsan, mas naririnig natin ang ating nararamdaman sa katahimikan. May mga bagay na hindi natin masabi pero naiintindihan natin sa isang tingin. May mga taong abot-tanaw ngunit hindi abot-kamay. May mga tao namang nandiyan lang, pero parang ang layo-layo ng pagitan natin sa kanila. Maaari mong makita ang ganda sa umpisa, maaari din itong magpakita sa pagtatapos. Hindi lahat ng pagtatapos ay pawang katapusan dahil may panibagong kuwentong uusbong. May pag-ibig sa pananatili at mayroon din sa paglayo. Walang sukatan dahil iba-iba tayo ng sinasakripisyo,” mahabang lintanya ko.
“Ganyan mo ba talaga ako kamahal? Na handa mong tanggapin na hanggang tingin ka lang sa malayo?” tanong niya habang hinahaplos ang pisngi ko gamit ang hinlalaking darili niya.
“Oo. Handa kong tanggapin lahat basta para sa’yo.”
“Gusto na kitang maalala, Almira, para hindi na kita nakikitang nahihirapan at nasasaktan kapag magkasama kami ni Sadie.”
“Love, ayos lang. Ayos lang kung kailangan mo pa ng oras. Ayos lang kung sa ngayon, inaalam mo pa kung saan ka sasaya o kinakapa mo pa kung anong daan ang iyong lalakaran. Hindi mo naman kailangan alamin lahat agad-agad. Ayos lang kung may mga araw na gusto mong mapag-isa. Kung may mga pagkakataon na hindi tayo mag-uusap. Ayos lang na umalis muna sa mundong iyong ginagalawan. Kapag handa ka na ulit, mayroon ka pa rin namang babalikan.
“Ayos lang lumayo at ayos lang lumaya. Ayos lang na hanapin mo ang iyong kalma at payapa. Kalimutan mo muna ang lahat. Tandaan mong mahal kita at ang ibig kong sabihin ay naiintindihan ko. Nandito lang ako na naka-alalay at handang sumalo. Alam kong may mga araw na kailangan mong piliin ang iyong sarili. Ibibigay ko sa’yo ang distansya sa mga oras na kailangan mong mag-isip. Hindi naman ibig sabihin nito na magbabago ang kung anong mayroon sa’tin. Kaya’t gawin mo lang ang nais mong gawin. Dahil ayos lang sa’kin, Love.”
BINABASA MO ANG
The Lost Guevarra's Heir [COMPLETED]
RomanceMasungit at hindi palangiting babae si Almira Fate Ferreira and no one dares to give a care to her not until she meets Castriel Crisostomo, isang lalaki na nagmula sa isang mahirap na pamilya na magpapabago at magpapa-ibig sa kanya. Sa mabilis na pa...