NAPAYAKAP ako sa sarili ko nang dumaan ang hangin ng gabi. Nasa trace ako ngayon ng kwarto ko rito sa mansion. Nabigla ako nang may biglang yumakap sa akin mula sa likod ko at pinatong niya ang baba niya sa balikat ko.
“Merry Christmas, Mahal,” sabi niya sa akin. Hinawakan ko naman ang mga braso niyang nakayakap sa bewang ko.
Yes, today is Christmas eve, December 24. Nakalabas na ako ng hospital noong nakaraang buwan. Malapit na rin namang humilom ang sugat ko. Akala ko nga ay sa hospital na ako magpa-pasko buti na lang ay hindi.
“Merry Christmas din, Love.” Humarap sa kan’ya kaya magkayakap na kami, nasa bewang ko pa rin ang braso niya at nilagay ko naman ang kamay ko sa batok niya.
“Ito ang unang pasko na magce-celebrate tayong dalawa na magkasama.”
“Oo nga, akala ko malungkot na naman ang pasko at salubong ko nang bagong taon pero hindi pala kasi naalala mo na ako, nabigyan na ng hustisya ang pagkamatay nila Mom, Dad at Tito Martin. Ikaw ang dahilan kung bakit masaya ako ngayong pasko, Love,” sabi ko sa kan’ya.
“Mahal, Christmas gift ko para sa’yo,” nakangiting sabi niya sabay abot sa akin na small rectangle box. Nanlaki ang mga mata kong tumingin sa kan’ya ng buksan ko ang box.
It’s a Gold Studded Love Heart-Shaped Diamond Necklace. Kung titignan mo pa lang ito ay halatang mamahalin na. Ang pendant kasi ay may kalaking knot na may diamond at nasa gitna ng knot ay ang heart shaped diamond na napapalibutan din ng diamond sa gilid nito. Ang ganda.
“Bakit nag-abala ka pang regaluhan ako, okay lang sa akin na wala kang regalo. Sapat na sa akin na naalala mo ako at nandito ka sa tabi ko. Ang mahal nito,” sabi ko sa kan’ya.
“Mahal, gusto kong ibigay iyan sa’yo kahit gaano pa iyan kamahal, bibilin ko iyan para sa’yo. Matagal ko nang nabili iyan dahil gusto ko iyang ibigay sa’yo oras na umamin ako sa’yo nang nararamdaman ko, hindi ko naman naibigay sa’yo noong araw na iyon dahil hindi ko akalain na sasagutin mo ako agad nang araw na iyon,” sabi niya sa akin, “It symbolizes the unbreakable connection between of us and represents unity and partnership,” nakangiting sabi niya. Lalo akong na-iin love sa kan’ya tuwing nag-eenglish siya. Lumapit ako sa kan’ya at niyakap ko siya nang mahigpit.
“Thank you for your wonderful christmas gift to me, Love. Ang ganda ng necklace. Okay lang naman na hindi mo ako bilhan ng ganitong kamahal na necklace, sapat na sa akin na kasama kita ngayon. Pahahalagahan ko itong kwintas na bigay mo,” sabi ko sa kan’ya habang nakayakap. Humiwalay siya sa akin at hinalikan ako sa noo. Binigay ko ulit sa kan’ya ang box ng necklace na nagpakunot sa kan’yang noo.
“Gusto kong ikaw ang magsuot nito sa akin ngayon, Love,” nakangiting sabi ko sa kan’ya.
Napangiti naman siya sa akin at kinuha ang box. Binuksan niya ‘yon at kinuha ang Gold Studded Love Heart-shaped Diamond Necklace. Tumalikod ako sa kan’ya at itinabi ko sa gilid ng leeg ko ang buhok ko para makabit niya ng maayos ang necklace sa akin. Naramdaman ko ang kamay niya sa batok ko habang kinakabit niya ang hook ng necklace. Pagkatapos ay inayos niya ang buhok ko sa likod.
Humarap ako sa kan’ya at nakita ko ang malapad na ngiti sa labi niya. Lumapit ako sa mukha niya at hinalikan ang nakangiting labi niya. I see shock in his eyes, pero tumugon din siya sa halik ko.
“I love you very much, Mahal,” malambing niyang sabi nang maghiwalay ang mga labi namin.
“I love you very very much, Love,” malambing kong sabi sa kan’ya. He kissed me smark bago siya lumayo sa akin. “May gift din ako sa’yo, Love,” nakangiting sabi ko sa kan’ya.
Hinawakan ko ang kamay niya at hinila papasok sa kwarto ko. Umupo kami sa kama ko at hinila ko ang drawer ng bedside table ko. Kinuha ko ang black small box doon na may gold ribbon at iniabot kay Castriel. Kinuha naman niya at agad na binuksan. Nanlaki ang mga mata niyang tumingin sa akin. Ngumiti naman ako sa kan’ya.
BINABASA MO ANG
The Lost Guevarra's Heir [COMPLETED]
RomanceMasungit at hindi palangiting babae si Almira Fate Ferreira and no one dares to give a care to her not until she meets Castriel Crisostomo, isang lalaki na nagmula sa isang mahirap na pamilya na magpapabago at magpapa-ibig sa kanya. Sa mabilis na pa...