“MS. ALMIRA, ikaw po ba iyan?” tanong ng Papa ni Castriel. May ngiti sa mga labi nito habang nakatingin sa akin.
“Opo, ako nga po. Kilala ninyo po ako?” magalang kong sagot. Pinaupo niya kami sa kawayang upuan nila.
“Oo. Hindi ka pa rin nagbabago, Ms. Almira. Maganda ka pa rin at halos walang pinagbago. Kamukha mo pa rin ang Mommy mo.”
“Kilala ninyo po ang Mommy ko?” gulat kong tanong.
“Oo, kilala ko si Miss Marizia at ang Daddy mo na si Mr. Marvin. Parehas silang mabait sa mga trabahador nila at isa ako sa mga trabahador nila na nagawan nila ng mabuti noong nagkasakit itong si Castriel at kailangang-kailangan ko ng pera. Lumapit ako sa kanila at pinahiram nila ako ng pera na ginamit namin sa pagpapagamot kay Castriel noong na-dengue siya. Nakakalungkot nga nang mabalitaan namin na wala na sila,” kwento ni Mang Danilo.
“Empleyado pa rin po ba kayo ng kumpanya ngayon?”
“Hindi na, natanggal ako sa trabaho ko noong si Zander Enriquez na ang namamahala sa kumpanya ninyo,” sagot niya.
“Bakit po kayo natanggal?”
“Nagkamali kasi ako kaya tinanggal niya ako sa trabaho. Noon naman na Daddy mo pa ang namamahala sa kumpanya ay kahit na magkamali ako ay okay lang pero sa kan’ya, hindi,” sabi niya, “Napapaisip nga ako na sa dinami-dami ng pwedeng mawala sa mundo ay iyon pang may malasakit sa kapwa ang nawala,” dagdag niya pa.
“Ang sama talaga ng Enriquez na iyon, for a simple mistake mangtatanggal agad siya ng trabahodor na masipag magtrabaho.”
Nakarinig kami ng paghinto ng motor kaya napatingin kami doon. Nakita kong bumaba ang isang lalaki na nakablack suit. Tinanggal nito ang suot niyang helmet at agad ko siyang nakilala.
“Excuse me for a while,” paalam ko at lumabas ng bahay para lapitan si Kyde.
“Senorita, ito na po ang pinag-uutos ninyo,” magalang na sabi niya sabay pakita sa akin ng apat na paper bag na may tatak pa ng restaurant na binagbilhan niya.
“Salamat. Ako na ang magpapasok niyan sa loob. Bumalik ka na lang ng mansion,” sabi ko at binigay na niya sa akin ang paper bags.
“Sige po, Senorita,” sabi niya at sinuot na niya ulit ang helmet niya at sumakay na ulit sa motor. Pagkaalis niya ay pumasok na ulit ako sa bahay nila Castriel.
“Pagkain po para sa inyo,” sabi ko. Agad namang kinuha sa akin ni Pia ang mga paper bags.
“Salamat po, Ate. Nag-abala ka pa,” sabi ni Pia at nilagay sa lamesa ang mga paper bag at sinalansan ang mga laman niyon.
Napatingin ako sa maliit na altar nila ng Poon may pumukaw ng pansin ko doon sa curtain nila. Lumapit ako doon at kinuha ang nakatusok na circle enamel badge na nilalagay sa mga suit ng mga business man. May simble rin ito ng logo ng Guevarra Group of Companies (G.G.C.). Binasa ko ang naka-sulat doon.
“Guevarra Family…” basa ko sa isip sa nakaukit sa enamel badge.
“Kay Castriel iyan. Nakalagay iyan sa suot niyang damit noong nakita namin siya twenty years ago,” sabi ni Mang Danilo na ikinagulat ko dahil nasa likod ko pala siya. May kinuha ito sa altar na parang lagayan ng eye glasses. Binuksan niya iyon at may kinuha na kwintas.
“Kasama rin ito sa suot niya noong makita namin siya,” dagdag pa nito sabay pakita sa akin ng isang gintong kwintas na may pendant na bilog na kasing laki ng limang piso. Hinawakan ko ang kwintas at tinignan ang nakasulat sa pendant.
“The Heir of Guevarra Clan…” basa ko sa isip ng nakaukit sa pendant.
“Hindi ko iyan naibigay sa kan’ya bago siya palayasin ng asawa ko. Makakatulong iyan para mahanap ang tunay niyang mga magulang,” sabi ni Mang Danilo.
BINABASA MO ANG
The Lost Guevarra's Heir [COMPLETED]
RomanceMasungit at hindi palangiting babae si Almira Fate Ferreira and no one dares to give a care to her not until she meets Castriel Crisostomo, isang lalaki na nagmula sa isang mahirap na pamilya na magpapabago at magpapa-ibig sa kanya. Sa mabilis na pa...