Chapter 14

560 23 3
                                    

Napabalik ako sa reyalidad nang tumigil ang sinasaktan kong taxi at nagsalita ang driver. "Nandito na po tayo, Ma'am," sabi ng driver.

Kumuha ako ng pera sa wallet ko at ibinayad ko sa driver. Bumaba na ako ng taxi at nagsimula nang maglakad. Pagkarating ko sa puntod nila Mom at Dad ay agad na umupo ako. Muling tumulo ang mga luha ko. Hindi dahil sa pagkawala ng mga magulang ko kung 'di sa sakit na nararamdaman ko ngayon.

"Mom, Dad, sorry kung wala akong dalang bulaklak ngayon para sa inyo. Sorry rin kung umiiyak ako ngayon, sobrang sakit lang talaga na hindi niya ako maalala. Sobrang sakit sa akin na iba ang hinahanap niya habang ako ang nasa tabi niya. Mom, Dad, nawala na kayo sa akin, pati rin ba siya ay mawawala na rin? Bakit sa dinami dami ng tao ay ako pa ang nakalimutan niya? Bakit ako pa? Hindi ko na ba deserve maging masaya kasama siya?" umiiyak kong sabi.

"Nagsisimula pa lang akong maging masaya, eh, pero bakit gan'to? Bakit inalisan na naman agad akong maging masaya? Wala na ba akong karapatang maging maligaya? Why this life is so unfair? All I want is to be with him but why is this happening?" humahagulhol sa iyak na sabi ko. Hindi ko na ma pigilan ang sarili ko na ilabas lahat ng bigat sa dibdib ko. Dito ko lang na ilalabas lahat ng sakit na nararamdaman ko.

Naramdaman kong may umupo sa tabi ko kaya napalingon ako. Agad akong napapunas sa mga luha ko at nag-iwas ng tingin kay Kuya Alfred.

"I know you're not okay, please stop pretending because I know you. Now cry, cry until you feel tired and better. I'm always here for you," sabi ni Kuya at niyakap ako. Nagsimula na akong umiyak sa balikat ni Kuya.

"Paano mo nalaman na nandito ako?" umiiyak kong tanong.

"Kilala kita, Almira. Alam ko kung saan ka pupunta kapag gusto mong mapag-isa. Alam ko kung sino ang una mong lalapitan sa mga gan'tong may problema ka at ang mga magulang mo iyon."

"Kuya, hindi ko na kaya, pagod na pagod na akong masaktan. Parang pasan ko lahat ng problema sa mundo," umiiyak kong sabi.

"Shhh... Malalagpasan mo rin lahat ng mga pagsubok na ito, Almira. Maaalala ka rin niya, hindi man sa ngayon pero alam kong mangyayari iyon. Kung pagod ka na, magpahinga ka pero huwag kang susuko. Huwag mo siyang susukuan kung mahal mo talaga siya. Minsan kailangan nating lumayo sa mga taong parati nating kasama para mas makita natin ang ating tunay na halaga. Ganoon din sa sitwasyon kung nasaan ka ngayon. Bigyan mo 'yong sarili mo ng panahon para makapag-isip kung tama o masaya ka pa ba sa iyong mga ginagawa," sabi ni Kuya habang hinahaplos ng marahan ang likod ko habang umiiyak ako.

"Ngayon, sarili mo muna. Sarili mo muna ang kailangan mong unahin at pagtuunan ng pansin. Sarili mo muna ang kailangan mong alagaan at mahalin. Ibigay mo sa sarili mo ang nararapat na pag-aaruga. Ibigay mo sa sarili mo ang oras, suporta, at tiwala na dati ay binigay mo sa iba. Ibigay mo ang mga bagay na nagpapasaya sa sarili mo. Ipagkaloob mo sa sarili mo ang kalayaan sa pagbitaw, paghinto, paghilom, at paghinga. Ialay mo sa sarili mo ang natitirang lakas, enerhiya, at pag-asa dahil alam kong napagod ka sa ibang bagay. Lagi mong tandaan na hindi pagiging makasarili kung inuuna mo ang iyong sarili. Ang minsan mong pagpapahinga ay hindi nangangahulugang ikaw ay sakim sa oras para sa kanila. Kaya ngayon, sarili mo naman. Ikaw naman," dagdag pa niya.

"Bakit sa tuwing may ganitong sitwasyon na nangyayari sa buhay ko ay palagi kang nasa tabi ko at palagi mo akong dinadamayan?" tanong ko habang patuloy sa pag-iyak sa balikat niya.

"Siguro dahil sa iyon ang kailangan mo sa tuwing nasa ganitong sitwasyon ka. Kailangan mo ng isang taong masasandal at magpapagaan ng loob mo sa tuwing malungkot ka o sa tuwing nasasaktan ka. At saka iyon ang gampanin ko bilang kuya sa iyo at sa mga kapatid ko, ang palagi kayong bantayan, protektahan at pagaanin ang loob ninyo kung kinakailangan," saad niya.

The Lost Guevarra's Heir [COMPLETED]Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon