Chapter 15

570 19 0
                                    

ALMIRA’S P.O.V.

KINABUKASAN, minulat ko ang mata ko at napatingin ako agad sa alarm clock ko na nasa bed side table, 5:47 am.

“Maaga pa pala,” takang sabi ko. Hindi na ako nag-abalang matulog ulit dahil tuloy-tuloy ang tulog ko simula nang makatulong ako sa balikat ni Kuya kahapon.

Bumangon na ako at pumasok sa bathroom para gawin ang morning routine ko. Pagkatapos kong magbihis ay lumabas na ako ng kwarto at agad na dumiretso sa kitchen. Nakita kong nagluluto ng breakfast ang dalawang maids. Napatingin sila sa akin nang mapansin nila ako.

“Good morning, Senorita. Magbre-breakfast ka na po ba?” tanong ng isang maid.

“Later na lang,” sagot ko. Binuksan ko ang cabinet at napangiti ako ng may nakita akong ingredients para makapag-bake ng cookies. Kinuha ko naman lahat ng iyon at inilabas

“Magbabake ka po, Senorita?” tanong ng maids. Tumango naman ako.

“Oo,” nakangiting sabi ko.

“Pwede po bang tulungan ka naming magbake? Tapos na rin naman po kaming magluto ng breakfast ninyo,” sabi ng maid. Napatingin ako sa kan’ya at napangiti.

“Sure. Kuhaan mo ako ng glass bowl para makapag-umpisahan na tayo,” sabi ko na agad naman niyang ginawa.

Nagsuot na ako ng apron. Ibinigay na sa akin ng maid ang pinakuha kong glass bowl at nagsimula na kaming paghaluin ang mga dapat paghaluin.

*****

PAGKATAPOS naming makagawa ng cookies mixture. We scoop a little amount and drop the mixture on the parchment paper then we place it inside the oven and bake for 7 to 9 minutes.

Pagkatunog ng oven ay nakita ko sa dalawang maids ang excitement. Kinuha ko na sa loob ng oven ang mga cookies at nilapag sa bar counter.

“Gusto ninyo bang tikman?” tanong ko. Nakatingin silang dalawa at nag-aalangang tumango.

“Maaari po ba?” tanong ng isa.

“Oo naman, tinulungan ninyo kaya akong ibake iyan.” Kumuha na sila at agad na tinikman. Malapad na ngiti ang sumilay sa kanilang mukha nang tumingin sila sa akin.

“Ang sarap po, Senorita.” Ngiti lang ang isinagot ko sa kanila. Kumuha ako ng tupperware para doon ilagay ang ibang cookies na binake ko at nilagay ko sa isang paper bag. Nagtira rin ako para kay Kuya.

“After ninyong kumain ay prepare ninyo na ang breakfast namin nila Kuya. Punta lang akong kwarto ko para magpalit.” Tumango naman sila.

“Opo, Senorita,” sagot nila. Lumabas ba ako ng kitchen at bumalik ulit sa kwarto ko.

Pagkarating ko sa kwarto ko ay pumunta akong walk in closet at sinuot ang uniform ko. Pagkatapos ay umupo ako sa harapan ng vanity table ko at naglagay ng light make up.

*****

NAPANGITI ako nang matapos akong mag-ayos. Kinuha ko na ang gamit ko at lumabas ng kwarto ko. Dumiretso ako sa dining room at naabutan kong nakahanda na ang breakfast at nandito na rin si Kuya at si Mamila. Umupo ako sa katapat na upuan ni Kuya.

“Nagbake ka raw ng cookies kanina sabi ng dalawang maid?” tanong ni Kuya.

“Yeah, maaga kasi akong nagising kanina kaya nagbake na lang muna ako.” Kumuha na ako ng pagkain ko.

“Sabagay, ang haba ng tulog mo. I think twelve hours ‘yon.” Tango lang ang isinagot ko sa kan’ya.

Pagkatapos naming kumain ng breakfast ay tumayo na kami ni Kuya dahil siya ang palaging naghahatid at nagsusundo sa akin sa school. Kinuha ko muna ang paper bag sa ibabaw ng counter island bago ako sumunod kay Kuya palabas ng mansion. Sumakay kami sa kotse. Nakita kong kumunot ang noo ni Kuya ng makita ang paper bag na dala ko.

The Lost Guevarra's Heir [COMPLETED]Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon