ALMIRA’S P.O.V.
HINDI matanggal ang ngiti ko habang naglalakad ako papuntang cafeteria. Sapat na ang mga sinabi niya sa akin kanina para maging masaya ako. Pagkarating ko sa cafeteria ay bumili muna ako ng pagkain ko bago ako lumapit at umupo sa table nila Trinity.
“Parang sobrang saya mo yata? Halos mapunit na iyang mukha mo sa laki ng ngiti mo,” tanong ni Trinity na nakatingin sa akin.
“Bakit masama bang maging masaya?” balik kong tanong sa kan’ya.
“OMG! Almira, ano iyang pula sa leeg? Hickey?” tanong ni Chelsea na katabi ko.
Nakabun style kasi ang buhok ko kaya nakita ni Chelsea ang marka ng halik ni Castriel kanina. Agad ko naman tinakpan gamit ang kamay ko ang leeg ko at ramdam ko ang pag-init ng pisngi ko.
“You’re blushing, Almira. Sino ang naglagay niyan?” pang-eechos ni Maleah.
“Sino pa ang kaisa-isang lalaking papayagan kong humalik sa akin?” balik kong tanong.
“Aaacckkkhhh! Si Castriellll!” sabay na tili ni Maleah at Chelsea.
“T*ng*na, huwag kayong tumili. Ang sakit sa tenga,” inis kong sabi sa kanilang dalawa.
“Naalala ka na niya?” tanong ni Trinity. Umiling ako.
“Hindi pa.”
“Huh? Bakit ka niya hinalikan sa leeg at nag-iwan ng marka kung hindi ka pa niya nagaalala?” tanong ni Chelsea.
“Hindi ko alam, bigla na lang niya akong hinalikan sa labi at leeg. At saka kung naaalala na niya ako bakit sasabihin niya dapat ako ng sorry matapos niya akong halikan?” tanong ko, “Sobrang saya ko nang sabihin niya na kahit hindi niya ako maalala ay alam niyang sa puso niya ay mahalaga at importante ako sa kan’ya.”
“Nakaka-in love naman nang sinabi niya sa’yo, Almira. Well, hindi naman kasi nakakalimot ang puso, hindi ba?” sabi ni Maleah. Tumango naman ako.
“Dahil sa sinabi niyang iyon sa akin, nagkakaroon ako ng pag-asang na malapit niya na akong maalala. I really miss him so much.”
“Anyway, Almira, saan na nga pala nakatira si Castriel nitong makalipas na isang buwan?” tanong ni Trinity.
“Ang sabi niya sa akin ay nakikitira raw siya sa condo unit ni Sadie,” sagot ko.
“What? Magkasama sila sa iisang bahay?” gulat na sabi ni Chelsea.
“Oo?” hindi ko siguradong sagot.
“Hindi ka ba nababahala, Almira? You know... na baka may mangyari sa kanilang dalawa. Hindi impossible na mangyari iyon dahil babae si Sadie at lalaki si Castriel tapos magkasama pa sila sa iisang bahay. Tapos ang alam pa ni Castriel ay girlfriend niya iyong impakta na iyon,” mahabang litanya ni Maleah.
“Hindi, may tiwala ako kay Castriel na walang mangyayari sa kanila ng impaktang Sadie na iyon.”
“Yeah, may tiwala rin naman kami kay Castriel. Pero sa impaktang babae na katulad ni Sadie ay hindi. Kita mo naman kung paano ka pagsabihan na papansin at mang-aagaw kuno ng boyfriend niya dalawang linggo na ang nakakaraan. Kung makaasta siya ay para siya ang tunay na girlfriend ni Castriel, eh, sa ex lang naman siya,” gigil na sabi ni Trinity.
“Just trust him, guys. Sa maikling pagsasama namin ni Castriel ay kilala ko na siya. May respeto siya sa mga babae,” sabi ko.
*****
KINABUKASAN, bumaba ako sa kotse ni Kuya ng makarating kami sa tapat ng gate ng University. Pumasok ako at katulad noon ay inaabangan ako nila Trinity malapit sa gate.
BINABASA MO ANG
The Lost Guevarra's Heir [COMPLETED]
RomanceMasungit at hindi palangiting babae si Almira Fate Ferreira and no one dares to give a care to her not until she meets Castriel Crisostomo, isang lalaki na nagmula sa isang mahirap na pamilya na magpapabago at magpapa-ibig sa kanya. Sa mabilis na pa...