ISANG LINGGO na ang nakalipas simula ng magising si Castriel. Hindi pa siya pumasok sa university simula nang nakalabas siya ng hospital.
Bumaba ako ng kotse at pumasok ng campus. Napangiti ako ng makita kong papalapit na sa akin ‘yong tatlo.
Simula kasi noong sinabi ko sa kanila na may anmesia si Castriel ay palagi nila akong sinasalubong tuwing papasok ako at sinasamahan rin nila ako tuwing breaktime.
“Good morning, Almira,” nakangiting bati nila.
“Good morning din, guys,” nakangiti ring sabi ko.
“Ano iyang dala mo?” tanong ni Chelsea. Ang tinutukoy niya ay ang laman ng hawak kong paper bag.
“Cookies para sa inyo, guys,” nakangiting sabi ko at binigay sa kanila ‘yong hawak kong paper bag.
“Wow! Thank you, Almira,” sabi nila.
“Almira, si Castriel ba iyon? Sino kaya iyong kasama niyang babae?” tanong ni Maleah na katingin sa likod ko. Humarap naman ako sa tinitignan niya. Tama siya si Castriel nga iyong nakita niya kasama si Sadie na nakakapit sa braso niya.
“Yeah. Tama ka, Maleah. Si Castriel nga iyon at ‘yong kasama niyang babae, ay iyong ex girlfriend niyang si Sadie na inakala niyang girlfriend niya pa rin,” malungkot kong sabi, “Tara na, guys. Ayokong makita siyang masaya sa iba.” Tumalikod na kanila Castriel at naglakad na kami paalis.
“Trinity, Chelsea, Maleah,” rinig kong tawag ni Castriel sa tatlo kaya napatigil kami sa paglalakad at nagkatinginan.
“Bakit kilala niya kami?” tanong ni Trinity.
“‘Di ba, ang sabi ko sa inyo, ako lang ang hindi niya makilala kaya kilala niya kayo.” Sabay kaming apat na humarap kanila Castriel. Nakangiti siyang naglalakad papalapit sa amin.
Umiwas na ako ng tingin dahil kapag pinagpatuloy ko silang titignan ay sinasaktan ko lang ang sarili ko. Naglakad ako paatras para sa likod ako nila Trinity pumwesto at hindi ako makita ni Castriel.
“Kumusta na kayo?” tanong ni Castriel nang makalapit na siya.
“Okay lang naman kami. Ikaw nga dapat namin tanungin niyan dahil dalawang buwan kang nasa hospital. Bakit mo kami kilala pero si Almira ay hindi na siyang nagpakilala sa amin sa’yo?” sabi ni Chelsea.
“Maayos naman ako. At hindi ko alam kung bakit hindi ko siya maalala at ang alam ko lang ay kilala ko kayong tatlo,” sabi ni Castriel sabay lagay niya ng kamay sa likod ni Sadie at humawak sa bewang nito.
“Sino nga pala siya?” tanong ni Maleah na nakatingin kay Sadie.
“Ito nga pala si Sadie, girlfriend ko,” sabi ni Castriel na nagpadurog sa puso ko. Nagbablur na rin ang paningin ko dahil sa luha ko na anumang oras ay tutulo na.
“Girlfriend mo siya? Ang alam namin ay si Almira ang girlfriend mo,” sabi ni Trinity. Patagong hinawakan ko ang kamay niya. Lumingon naman siya sa akin kaya umiling ako.
“Si Sadie ang girlfriend ko, hindi si Almira,” sabi ni Castriel. Automatikong tumulo na ang mga luha sa mga mata ko.
“Nice to meet you all,” sabi ni Sadie sabay lahad ng kamay niya. Tumalikod ako bago magsalita.
“Girls, let’s go. Don't make friends with her,” sabi ko at nagsimula nang maglakad paalis. Pagkarating sa classroom ay nilapitan ko iyong classmate namin na katabi ni Trinity.
“Pwede bang palit tayo ng seat?” tanong ko kay Jhenny. Agad naman siyang tumayo.
“Sige po, Ms. Almira,” sabi niya. Umupo na ako sa katabing upuan ni Trinity.
BINABASA MO ANG
The Lost Guevarra's Heir [COMPLETED]
RomansaMasungit at hindi palangiting babae si Almira Fate Ferreira and no one dares to give a care to her not until she meets Castriel Crisostomo, isang lalaki na nagmula sa isang mahirap na pamilya na magpapabago at magpapa-ibig sa kanya. Sa mabilis na pa...