Chapter 25

614 16 0
                                    

ALMIRA’S P.O.V.

MARAHAN kong minulat ang mga mata ko at agad na bumungad sa akin ang puting kisame. Nilibot ko ang paningin ko sa paligid ko. Nasa hospital ako? Naalala ko ang dahilan kung bakit nasa hospital ako ngayon. May bumaril sa akin bago ako makapasok ng campus.

Napatingin ako sa gilid ko ng may gumalaw doon at may nakahawak sa kamay ko. Nakita ko ang natutulong na mukha ni Castriel habang hawak ang kamay ko. Napadilat siya at nagtama ang tingin naming dalawa. Bakas ang gulat sa mata niya dahil nanlaki ang mga mata ito at napatayo bigla.

“Sa wakas, gising ka na, Mahal,” sabi niya sabay halik sa kamay at noo ko.

“Anong araw na ngayon? At anong oras na?” tanong ko sa kan’ya. Kinuha niya ang phone sa bed side table ng hospital bed ko at may tinignan. Umupo siya sa tabi ko.

“Thursday na, at 7:31 am,” sagot niya. Agad na nanlaki ang mga mata ko. Babangon sana ako nang maramdaman ko ang pagkirot ng sugat ko kaya napahiga ulit ako.

“Huwag ka munang gumalaw baka dumugo ang sugat mo, hindi pa iyan naghihilom,” sabi ni Castriel.

“Tatlong araw na ako rito sa hospital?” Tumango siya.

“Oo, ang akala ko nga ay sa isang linggo pa ang gising mo dahil sa maraming dugo ang nawala sa’yo at sa panghihina ng katawan mo.”

“Love, kailangan kong pumunta sa trial sa Sunday,”

“Hindi pwede. Kailangan mo munang magpagaling.”

“Kaya ko, Love. Tawagin mo si Dr. Chavez kakausapin ko siya.” Napabuntong-hininga siya bago siya tumayo. Hinalikan niya muna ako sa noo bago siya lumabas ng kwarto.

Ilang minuto ang lumipas ay bumukas ang pinto at pumasok si Castriel kasama si Dr Chavez. “Kumusta ka na, Ms. Ferreira?” tanong ni Dr Chavez.

“I’m fine, medyo kumikirot lang ‘yong sugat ko,” sagot ko, “Dr Chaver, pwede bang madischarge na ako agad?” diretsong tanong ko.

“Hindi pa pwede, Ms. Ferreira. Hindi pa naghihilom ang sugat mo, kailangan mo munang magpagaling dito.”

“Kahit ilang oras lang. Kailangan kong pumunta ng hearing sa Sunday. Pagkatapos nang hearing na iyon ay babalik ako rito at magpapagaling.”

“Hindi talaga pwede, dudugo ang sugat mo. Hindi mo pa kaya.”

“I can take care of myself, Dr, Chavez.”

“Malalim ang natamo mong sugat dahil sa pagkakabaril mo sa puso. Gusto kang patayin ng bumaril sa’yo dahil kinailangan ka naming irevive pagkatapos naming makuha ang bala sa’yo.”

“Sige na, payagan mo akong pumunta ng hearing sa Sunday, Dr. Chavez,” pamimilit ko. Narinig ko ang malalim niya pagbuntong-hininga.

“Okay, wala rin naman akong magagawa kung ‘di ang pumayag. Basta bumalik ka after hearing,” sabi ni Dr Chavez. Napangiti ako.

“Thank you, Dr. Chavez.” Tumango naman siya at umalis na.

Lumapit na ulit sa akin si Castriel. May pinindot siya sa gilid ng kama para umangat ng bahagya ang kama sa bandang uluhan ko. Umupo siya sa tabi ko at sinandal ko ang ulo ko sa dibdib niya.

“Salamat, Mahal,” sabi niya. Kunot noong lumingon ako sa kan’ya.

“For what?”

“Sa pagkuha ng private investigator para mahanap ang mga magulang ko.”

“Where’s my phone? I want to call that investigator.” Hinugot niya ang drawer ng side table at kinuha ang cellphone ko doon at binigay niya sa akin. Agad ko namang kinuha iyon at tinawagan ang investigator.

The Lost Guevarra's Heir [COMPLETED]Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon