PRESENT TIME…
ALMIRA’S P.O.V.
PAGBABA ko ng kotse ay nagsi-tinginan ang lahat ng estudyante sa akin. Well I’m famous here in our campus dahil sa kamalditahan at kasungitan ko. I just rolled my eyes pagkatapos ay tinaasan ng kilay ang mga estudyanteng nakatingin sa akin dahilan para umiwas sila ng tingin.
Lahat ng estudyante sa University na ito ay ayaw sa akin pero wala akong pakialam doon. I have a friends na tanggap ang pag-uugali ko. Kahit ilang beses ko na silang pinagmalditahan at pinagtabuyan ay nand’yan pa rin sila para sa akin.
“Girl, buti nandito ka na. Kanina pa kami kinukulit ng suitor mong si Xavier, kanina ka pa niya hinahanap sa amin,” agad na saad ni Chelsea nang makalapit na siya kasama ang dalawa pa naming kaibigan.
“Grabe ka talaga, Almira. Bakit ba hindi mo pa sinasagot ang lalaking iyon?” Trinity asked.
“Oo nga, kahit isa man lang sa mga suitors mo ay sagutin mo na, ang tagal tagal na nilang nanliligaw sa’yo,” Maleah agreed. Inirapan ko lang sila at nauna ng maglakad papuntang building. Napahinto lang ako sa paglalakad ng may mga lalaki kaming nakasalubong. Nangunguna ang anak ng may-ari nitong University na si Xavier Enriquez.
“Girl, ayan na ang mga suitors mo,” sabi ni Trinity na may halong kilig sa tono ng kan’yang pananalita. Pinaikutan ko lang siya ng mata.
“Don’t mind them,” saad ko at pinagpatuloy na muli ang paglalakad nang may isang lalaking humawak sa braso ko para pigilan at nang tumingin ako sa lalaki ay tinaasan ko siya ng kilay, si Xavier.
“What!?” I asked while my veins popping out.
“Bakit ang hirap mong mapasagot, Almira? Ano ba ang gusto mo sa isang lalaki? Ano pa bang kulang sa’kin para sagutin mo ako? I have money, luxury and fame, ano pa bang kulang?” sunod-sunod na tanong nito. Tinitigan ko lang siya at tinaasan ng kilay, nakuha ko pang ipagkrus ang dalawang braso ko sa dibdib ko.
“Ang drama naman nitong lalaking ito,” napaikot ang mga matang sabi ko sa isip.
Biruin ninyo iyon sa isang tulad ko na masungit na tao ay may magkakagusto pa sa akin. Isa itong lalaking ito sa mga lalaking patay na patay sa akin pero ni-isa sa kanila ay wala akong sinagot.
“Tapos ka na ba sa kadramahan mo para makaalis na kami?” walang emosyong tanong ko.
“Ano bang gusto mong gawin ko, Almira?”
“Anong gusto kong gamin mo? Bakit gagawin mo ba kung sasabihin ko?” sarkastikong tanong ko sa kan’ya. Tumango siya.
“Oo, gagawin ko kahit ano.”
“Ang gusto ko ay tumigil ka na sa panliligaw sa akin. Kahit anong gawin mo ay hinding hindi kita sasagutin. Kahit pa tumalon ka pa sa rooftop ng building o kahit kitilin mo pa ang sarili mong buhay sa harapan ko ay hindi mo makukuha ang gusto mong kasagutan mula sa akin o maski makuha ang pagmamahal ko dahil hindi iyon deserve ng mga kagaya mong Enriquez. Wala akong pakialam kung mayro’n kang money, luxury and fame dahil aanhin ko iyon kung mayro’n din naman ako ng mga iyon.” Naglakad muli kaming nila Trinity at nilagpasan siya. Tss.
“Tagal nang nanliligaw sa’yo si Xavier pero hindi mo pa rin siya sinasagot. Almira, ano pa bang dapat gawin ni Xavier para sagutin mo siya? Mayaman siya, gwapo, matalino at mabait, may kulang pa ba sa kan’ya?” sabi ni Chelsea.
“Tss, I don’t like him. Kagaya ng sinabi ko kanina, wala akong pakialam kung gwapo at mayaman siya. Para saan pa? Mayaman nga at gwapo sa panlabas, ang pangit naman ng ugali niya kapag nagtagal at kapag lalo mo siyang nakilala. Kung gusto mo, ikaw na lang ang sumagot sa kan’ya. May mga alam ako na hindi ninyo pa alam. At bakit ba mas kinakampihan mo pa ang lalaking iyon, sino ba ang kaibigan mo sa aming dalawa ni Xavier na iyon?”
BINABASA MO ANG
The Lost Guevarra's Heir [COMPLETED]
RomanceMasungit at hindi palangiting babae si Almira Fate Ferreira and no one dares to give a care to her not until she meets Castriel Crisostomo, isang lalaki na nagmula sa isang mahirap na pamilya na magpapabago at magpapa-ibig sa kanya. Sa mabilis na pa...