NAPALINGON kami kay Tito Harold na katabi ni Tita Marish dahil sa sinabi nito. Tinitigan ko siya sa mata para makasigurado kung seryoso siya sa sinabi niya o hindi.
Napangiti ako nang makita ko ang kapilyuhan sa mata niya na minana ni Castriel sa kan’ya kapag ito ay nagbibiro.
“Papa...” kinakabahang tawag ni Castriel sa ama na ikinatawa ko ng mahina, pati ni Tita Marish at Hannah.
“What are you laughing at, Almira?” tanong ni Tito Harold. Ngumiti ako sa kan’ya.
“I don’t believe that you don’t like me for your son, Tito,” nakangiting sabi ko kay Tito Harold habang tinititigan siya sa mga mata.
“Paano mo naman na sabi iyan?” tanong niya at nakita ko sa mga mata niya ang pagkamangha.
“Dahil marunong ako mangilatis ng tao sa pamamagitan ng pagtitig sa mga mata nila. Iyon ang unang turo ni Dad sa akin nang sampung taon ako. Nalalaman ko sa mga mata nila kung nagsisingungaling sila o kung nagpapanggap lang mabait sa harapan ko at kung seryoso sila o hindi sa sinabi nila. Pareho rin kayo ni Castriel kapag nagbibiro siya, may kapilyuhan sa mga mata ninyo. Walang dudang mag-ama nga kayo,” sabi ko.
“Iyan ang katangian ng isang magaling na negosyante para hindi malugi o bumagsak ang isang negosyo. Kailangan mo munang kilatisin ang mga nasa paligid mo dahil mahirap na kapag may trumaydor sa’yo. Walang duda na anak ka nga ni Marvin at matupad mo ang pangarap niya sa’yo na magiging isang magaling at matalinong businesswoman ka noong pinagbubuntis ka palang ng Mommy mo,” sabi ni Tito Harold na ikinatango ko naman.
“Pwede ba kitang makausap ng tayong dalawa lang, Almira?” tanong ni Tito Harold. Bigla naman akong kinabahan dahil sa pagkakataon na ito ay seryoso na ang nasa mga mata niya.
“Ahmm... S-Sure po, Tito.”
“Sige, sumunod ka sa akin.” Tumayo si Tito Harold mula sa pagkakaupo sa sofa at nauna nang maglakad. Susunod na sana ako lay Tito Harold ng hawakan ng mahigpit ni Castriel ang kamay ko.
“Pero, Mahal...”
“Mag-uusap lang kami.” Putol ko sa sasabihin niya.
“Pero, paano kung sabihan ka niya ng masasama o 'di naman kaya ay saktan ka niya?” mahinang sabi niya.
“Hindi magagawa iyon ni Tito, ama mo siya. Magtiwala ka sa kan’ya, okay? Mag-uusap lang kami.”
Nakita ko ang pagdadalawang isip sa mata niya pero kalaunan ay tumango siya. Sumunod na ako kay Tito Harold. Sinabi sa akin ng isa sa mga katulong na nasa wine cellar daw si Tito Harold kaya nagpahatid ako dito dahil hindi ko pa kabisado ang mansion.
“Tito Harold,” tawag ko ng makapasok ako sa malaking wine cellar niya na puno ng mga mamahaling alak at napapaligiran ng gintong kagamitan.
“Come here, Hija. Join me,” aya ni Tito Harold.
Lumapit ako sa kan’ya at umupo sa katabi niyang highstool chair. Kumuha si Tito ng wine glass at sinalinan iyon ng mamahaling wine. Sa kan’ya naman ay mamahaling hard drink. Kinuha ko naman ang kopitang may wine na inalok niya sa akin. Pinaikot ko muna ang laman bago sumimsim.
“Anong pag-uusapan natin, Tito?” tanong ko ng ilapag ko ang kopita ko sa counter island.
“Tama ka, nagbibiro lang ako kanina pero nakita ko sa mga mata ng anak ko na kinabahan siya sa sinabi ko. Nakita kong mahal ka niya talaga at ayaw ka niyang hiwalayan,” sabi ni Tito Harold. “Now, I'm want to know how much you love my son?” Napatingin ako sa kan’ya at ngumiti.
“Yes, I do love him, I can't tell you how much. But what I do know is that I love him more than anything. Maybe even more than my own life,”
“Great.”
BINABASA MO ANG
The Lost Guevarra's Heir [COMPLETED]
RomanceMasungit at hindi palangiting babae si Almira Fate Ferreira and no one dares to give a care to her not until she meets Castriel Crisostomo, isang lalaki na nagmula sa isang mahirap na pamilya na magpapabago at magpapa-ibig sa kanya. Sa mabilis na pa...