Chapter 41

172 1 0
                                    

NAGISING ako nang makaramdaman ako nang malakas na pagsipa sa loob ng tiyan ko. Dahan-dahan akong bumangon at umupo sa kama.

Isinandal ko ang likod ko sa headboard ng kama. Tumingin ako sa alarm clock sa gilid ko at nakitang alas-sais y medya pa lang ng umaga. Napatingin ako sa sobrang laki kong tiyan at hinimas.

"Baby, ang aga mo naman akong ginising. Hindi pa nga ako makakatulog nang maayos dahil panay ng sipa mo kagabi, ginising mo naman ako agad," pagkausap ko sa tiyan ko.

Siyam na buwan na ngayon ang tiyan ko at sobrang laki na. This week na ang due date ko, ilang beses na rin akong nag-false alarm, katulad kagabi bigla na lang sumakit, pero hindi pa pala ako manganganak.

Sobrang laki nga ng tiyan ko. Sabi nga ni Mama, kakaiba raw ang tummy ko ngayon dahil halos mas malaki pa ang akin kaysa noong nagbuntis siya kay Hannah noon.

Ganoon din ang sabi ng Ob-Gyne ko. Baka dahil matakaw ako kaya sobrang laki ng tiyan kaysa sa normal na tiyan ng ibang buntis. And about sa gender, wala pa kaming alam dahil gusto naming dalawa ni Castriel na sa mismong araw na manganak ako malalaman kung lalaki ba o babae ang anak namin.

Napatingin ako kay Castriel ng bigla siyang gumalaw at yumakap sa akin. Nakita ko na dahan-dahan niyang minulat ang mata niya at ngumiti. Ang gwapo talaga ng asawa ko.

"Aga mo yatang magising ngayon, my pregnant wife," sabi niya sabay himas sa malaki kong tiyan bago hinalikan.

"Ang aga kasi akong ginising ng anak mo. Ang sakit sumipa," sabi ko at napangiwi nang sumipa na naman. Alam kong naramdaman niya iyon ni Castriel dahil nakapatong ang kamay niya sa tiyan ko.

"Malapit na kasi siyang lumabas kaya masakit na siyang sumipa," sabi ni Castriel at hinalikan ako sa ulo. Umupo na rin siya at sumandal din sa headboard. Sinandal ko ang ulo ko sa balikat niya.

"Love, malapit nang lumabas ang baby natin, wala pa tayong naiisip na pangalan," sabi ko sa kan'ya.

"Ikaw ba may naisip ka na, basta nakasunod sa pangalan natin sa pangalan niya," sabi niya. Napaisip naman ako.

"May naisip na ako," mabilis kong sabi.

"Ang bilis mo namang mag-isip. Sige, anong pangalan ang naisip mo?" tanong niya.

"I want 'Cassandra' for a baby girl, and 'Adrian' for a baby boy. Then, ang name nating dalawa ang magiging first name nila," I said, "How's that, love?"

"Hmmm, maganda ang pangalan na naisip mo, Mahal," nakangiti niyang saad.

"Talaga?"

"Yes, Mahal. Castriel Adrian and Almira Cassandra, bagay na bagay," sabi niya habang nakangiti pa rin. "Ang ganda nang naisip na pangalan ni Mommy, hindi ba, Baby?" pgkausap niya sa tiyan ko. Nakaramdam naman ako ng dalawang sipa sa loob ko.

"Sang-ayon si Baby sa pangalan na naisip mo, Mahal," nakangiting sabi ni Castriel.

"Tara na, tulungan mo akong tumayo para makaligo na ako at makaluto na tayo ng breakfast natin," sabi ko sa kan'ya. Tinulungan namin niya akong tumayo.

"Sabay na rin ba tayong maligo, Mahal?" tanong niya. Agad ko naman siyang pinalo sa braso.

"Tumigil ka nga. Ang laki-laki na ng tiyan ko, pinagnanasahan mo pa rin ako," sabi ko sa kan'ya.

"Hindi kita pinagnanasahan, mahal kong asawa. Para namang hindi tayo sabay maligo araw-araw simula nang lumaki na ang tiyan mo," nakalokong ngiting sabi niya. Napaiwas naman ako ng tingin sa kan'ya dahil naramdaman ko ang pag-init ng pisngi ko.

"Sige na nga, sabay na tayo," sabi ko. Pumasok na kami sa bathroom at sabay na kaming nagshower.

*****

The Lost Guevarra's Heir [COMPLETED]Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon