“SI King Harold Guevarra po, Mamila? Iyong may-ari ng Guevarra Group of Companies?” kunot noong tanong ko.
Narinig ko na kasi ‘yong pangalan na iyo sa mga news. Siya ang pinakamayamang business man dito sa bansa at sa Asia. Kilala ang pamilya nila dahil tinuturing ang pamilya nila na isa sa mga Royal family. Kahit wala naman talaga silang dugong maharlika. Tinuturing silang pangalawa sa pinakamakapangyarihan sa bansang ito.
“Yes, you know all about the Guevarra Family?” tanong ni Mamila sa akin.
“Hindi naman masyado. Ang alam ko lang is kilala ang pamilya nila sa buong Asia at sa business world. Minsan ko na rin nilang nakuha venue ang Hotel sa mga events nila. At alam ko rin na wala silang anak na lalaki,” sabi ko.
“Sayang nga dahil hindi na maipapasa ang apelyido nila sa susunod na henerasyon,” sabi ni Kuya.
Nagulat ako nang biglang may dumila sa paa ko. Patingin ko ay ang alagang aso ni Kuya na maliit na Teacup Toy Poodle na ang pangalan ay Chanel. Agad kong kinuha si Chanel at pinatong sa lap ko.
“Dinala mo pa talaga rito si Chanel, Kuya,” sabi ko kay Kuya habang hinihimas ang kulot na balahibo ni Chanel.
“Oo naman, walang mag-aalala sa cute kong anak na si Chanel, pag-iniwan ko siya doon,” sabi ni Kuya.
“Anak talaga?” natatawang saad ko at pinanggigilan ang mukha ng tuta.
“Oo, mahal na mahal ko iyang anak ko.”
“Ang tanong, mahal ka ba?” natatawang asar ko kay Kuya. Sinamaan niya ako ng tingin.
“Aba! Malamang, ako ang Daddy niya, eh.”
“Gusto mo uwi tayo sa Hotel, Chanel?” tanong ko sa puppy sabay tayo. Total tapos na rin naman akong kumain.
“Hoy! Almira, saan mo siya dadalhin?”
“Iuuwi ko sa hotel.”
“Aba! Sinong nagsabi na pwede mong iuwi angg anak ko sa hotel mo?”
“Ako. Mauna na ako sa inyo,” sabi ko at lumabas ng dining area.
Narinig ko pang tinawag ako ni Kuya pero hindi ko siya pinansin. Umakyat ako sa kwarto ko at nilock ang pinto. Nilapag ko si Chanel sa kama ko.
“Maso-solo na kita, cute puppy,” sabi ko sa puppy.
Ilang minuto kong nilaro ang puppy ni Kuya hanggan sa makaramdam ako ng antok. Binaba ko sa kama si Chanel. Tumingin ako sa wallclock dito sa kwarto ko. 1:34 pm.
Humiga ako sa kama ko at natulog na. Late na pala ako nakatulog kagabi dahil sa kakaisip kung paano ko makukuha ang lahat ng kinuha ng mga Enriquez at kung paano ko mabibigyan ng hustisya ang mga taong importante sa akin na nawala ng dahil sa kanila.
*****
PAGGISING ko ay agad akong tumingin sa wallclock, 4 pm na. Bumangon na ako, napangiti ako dahil nakita kong natutulog sa isang sulok ng kwarto ko si Chanel. Lumabas ako ng kwarto ko at bumaba.
“Nasaan si Chanel?” Agad na bungad sa akin ni Kuya pagkababa ko.
“Nasa kwarto ko, natutulog.”
“Bakit ngayon ka lang bumaba?”
“Nakatulog ako.”
Pumunta ako ng kitchen at tinignan ang cabinet. Parang gusto kong magbake kaso walang ingredients. Napabusangot ako ng wala naman akong nakitang kahit anong ingredients na magagamit ko sa pagbake.
“Si Castriel?” tanong ko kay Kuya pagkalabas ko ng kitchen.
“Nasa guest room,” maikling sagot ni Kuya.
BINABASA MO ANG
The Lost Guevarra's Heir [COMPLETED]
RomansaMasungit at hindi palangiting babae si Almira Fate Ferreira and no one dares to give a care to her not until she meets Castriel Crisostomo, isang lalaki na nagmula sa isang mahirap na pamilya na magpapabago at magpapa-ibig sa kanya. Sa mabilis na pa...