ALMIRA’S P.O.V.
DAYS LATER, nasa korte na kami ngayon para sa ikalawang pandinig at kanina pa ako pinaalalahanan ni Attorney Mendoza kung ano ang mga pwede kung sagot sa tanong ng abogado ng kabilang panig.
Tinawag ako na ako kaya tumayo na ako, pati na rin si Attorney Rivera. Pumunta ako sa may witness stand at umupo doon.
“Ikaw si Ms. Almira Fate Ferreira, tama ba?” tanong ni Attorney Rivera sa pagsisimulan ng cross examination sa akin.
“Oo,” maikling sagot ko.
“Ikaw ba ang nag-iisang anak ng mag-asawang sina Mr. Marvin at Mrs. Marizialyn Ferreira?”
“Ako nga,” sagot ko.
“Ikaw ba ang naglagay ng camera sa opisina ni Mr. Zander Enriquez sa Enriquez Empire?” tanong ni Attorney. Rivera sa akin. Tumingin ako sa kan’ya ng seryoso.
“Oo.”
“Oo?” pag-uulit ni Attorney Rivera sa sagot ko.
“Oo,” seryosong sabi ko.
“Pwede bang malaman kung bakit mo pinalagyan ng camera ang opisinang iyon?”
“Matagal ko ng pinalagyan ng camera ang opisinang iyon, noon pang si Tito Martin ang namamahala sa kumpanya. It's a small hidden camera na nakatago sa isang painting sa opisina.”
“Pwede bang malaman kung ano ang rason mo para lagyan ng hidden camera ang opisina?”
“Gusto kong malaman kung ano ang ibig sabihin ni Zander na gagawin niya sa mga taong sagabal sa mga gusto o plano niya noong narinig ko sila ng asawa niyang si Olivia na nag-uusap. Ang akala ko ay ang pagkamatay lang ni Tito Martin ang malalaman ko pero pati pala ang pagkamatay nila Mom at Dad ko ay siya ang may gawa,” sabi ko habang nakatingin kay Zander.
Gusto kong ilabas sa kan’ya ang galit na matagal nang nakatago rito sa puso ko, pero hindi pwede sa ngayon.
“Kailangan at saan mo sila narinig na nag-uusap?”
“Noong huling dalawang araw ng burol nila Mom at Dad seven years ago.”
“Sinasabing kaibigan ng ama mong si Mr. Marvin ang akusadong si Mr. Enriquez. Gaano ito katotoo?”
“Totoo,” walang emosyong sagot ko.
“Gaano katotoo na pinatigil ni Mr. Marvin ang pagpapagamot kay Xavier Enriquez na anak ni Mr. Zander Enriquez na humantong para magawa ang krimen,” seryosong tanong ni Attorney Rivera sa akin
“Hindi totoo na pinatigil ni Dad ang medication ni Xavier Enriquez na kaibigan ko noon dahil ako mismo ang nagsabi sa mga magulang ko na gusto kong mabuhay ng matagal si Xavier dahil tinuring ko na siyang kapatid.”
“Another question, answer me honestly. Ninakaw mo ba ang mga documento ng Enriquez Empire?” tanong nito.
“Objection, Your Honor. Ang tanong niya ay isang opinion niya,” Attorney Mendoza said.
“Objection sustained. Change the question,” sabi ng judge na ikinangisi ko.
“Saan mo nakuha ang mga documentong hawak ninyo?” tanong ni Attorney Rivera.
“Sa safety vault ni Dad. May letter akong nakita sa room nila ni Mom at nakalagay doon na nasa safety vault niya ang mga documento ng kumpanya at ibang titolo ng mga pagmamay-ari namin,” pagsisingungaling ko dahil kapag sinabi ko ang totoo ay baka kasuhan din nila ako.
“Kung nasa safety vault ng Dad mo ang mga documento ng kumpanya, bakit may isa pang kopya ng mga documento ang nasa office?”
“Hindi ko alam.”
BINABASA MO ANG
The Lost Guevarra's Heir [COMPLETED]
RomanceMasungit at hindi palangiting babae si Almira Fate Ferreira and no one dares to give a care to her not until she meets Castriel Crisostomo, isang lalaki na nagmula sa isang mahirap na pamilya na magpapabago at magpapa-ibig sa kanya. Sa mabilis na pa...