LETIZIA AMANDA
Linggo.
Kakatapos lang namin magsimba ni Kit at ngayon naman ay sinama ko siya para mag-grocery para sa bahay.
"Ate, ikaw nalang mag-grocery mag-isa, ayokong sumama! Nakakapagod masyado sundan ka. Pagbibitbitin mo lang din naman ako ng mga cellophane eh." reklamo ni Kit.
"Samahan mo na ako, napakatamad mo masyado, Kit. Pero kapag basketball, kahit walang pahinga, active na active ka!"
"Iba naman 'yon, ate. Passion ko ang basketball. Ang pagg-grocery, hindi ko 'yan passion!"
"Aba?! Huwag mo akong maganyan-ganyan, tara na."
Hinatak ko si Kit at pumara ng taxi. Nagpahatid kami sa isang malaking mall dito sa lugar namin.
Mabilis kaming nakarating pero nagutom ako bigla kaya kakain na muna kami.
"Saan mo gustong kumain, Kit?" tanong ko at huminto.
"Ate, doon tayo kumain sa jollibee. Diyan tayo dinadala nila mama at papa noon eh. Miss ko nang kumain doon kasama ka, kahit huwag na sila." aniya.
Napahigpit ako ng hawak sa braso niya at pilit na ngumiti. Kahit hindi namin napag-uusapan ang mga magulang namin simula nang iniwan nila kaming dalawa, miss na miss pa rin namin sila.
"Sige, sige. Kakain tayo ng marami diyan. Pakyawin ko na para sayo eh." biro ko at ngumiti naman ang kapatid ko.
Bilang nakakatandang kapatid, gagawin ko lahat para mapasaya lang si Kit. Lahat ay gagawin ko para maibigay sa kanya ang magandang buhay.
Umorder na ako ng mga food at tinawag si Kit para bitbitin ang food tray. Umupo kami sa bakanteng table at kumain. Sayang saya si Kit habang kumakain at natutuwa na rin ako kapag nakikita siyang masaya.
Nang natapos kaming kumain ay dumiretso na kami sa grocery store at inutusan si Kit na kumuha ng malaking cart. Pang dalawang buwan ang g-groceryhin ko ngayong araw.
Pumili na ako ng mga gamit para sa bahay tulad ng pang banyo, pang ligo, pang ref, at kung ano ano pa.
Gagamitin ko ang perang binigay sakin ni Kit pambayad sa mga ipapamili ko.
Nang matapos kami sa pamimili ay binayaran ko na ito sa counter at umuwi na kami kaagad.
Mabilis na lumipas ang mga oras at wala kaming ibang ginawa kundi iarrange ang mga pinag-grocery ko sa mga lalagyan.
Pasado alas 6 na ng gabi nang magluto si Kit ng uulamin namin. Mabuti nalang at mahilig magluto si Kit kaya hindi kami masyadong nagre-rely sa mga processed foods.
"Ate, may kakabukas lang na pizza house diyan sa labasan natin, ayaw mong gumala?" tanong ni Kit habang kumakain kami.
"Gusto mong pumunta tayo?" balik kong tanong at tumango siya. "Hindi mo ba yayayain mga kaibigan mo?"
"Kasama nila mga girlfriend nila, ate. Wala naman akong girlfriend kaya tayo nalang gumala doon. Ayaw mo no'n, siblings bonding?!" angal niya sa'kin at natawa ako sa sinabi niya.
YOU ARE READING
RAMSEY [TDH - V]
RomanceANDREAS DUNCAN RAMSEY A notable businessman, a car racer, and a jewelry collector. Unlike the other members of the "The Gentlemen's Club", Andreas has always been a heartbreaker. A womanizer and everybody knows that side of him. His cold, detached...