LETIZIA AMANDA
Kasalukuyan akong nagbibihis nitong pinadalang damit ni Andreas dahil sa hindi malamang dahilan. Ang tangi niya lang sinabi sa akin ay may pupuntahan siyang importante at kailangan niya akong isama. Si Sabrina sana ang sasama kay Andreas kaso ay tumanggi siya dahil masama raw ang pakiramdam niya.
May dumating sa bahay kani-kanina lang para makeupan ako at ayusan ng buhok. Umalis din kaagad ang babae nang matapos. I was left trying to figure out how to wear this sparkly dress. Masyado itong revealing at isang maling galaw ko lang ay makikita na nang mundo ang kabuuan ko.
Andreas wasn't here, he just told Klaud — the head of his security to accompany me on my way to the place we'll be going.
Hinubad ko na ang bathrobe at nagsuot ng nipple tape, pagkatapos ay sinuot ang damit at mabuti naman at kasya lang iyon sa akin. The color of the dress was red and it was a very sparkly one.
Pilit kong inabot ang likuran ko para i-zip ang zipper pero hindi ko iyon magawa, kaya lumabas ako ng kwarto para sana tawagin si Marie o kaya ay si Blair pero nang makalabas ay bumungad sa akin si Klaud na nakatayo.
He looked at me questioningly.
"Klaud," pagtawag ko sa pangalan niya.
"Yes, Ma'am?" he attentively responded.
"Pwede bang isara mo ang zippers sa likod nitong dress ko?" hinawi ko ang buhok ko at tumalikod para ipakita sa kanya ang unzipped zippers. Unti unting humapit sa akin ang dress nang isara na niya ito. "Thank you." I smiled at him.
"You're welcome, Ma'am." he retorted and I came back quickly inside the room.
I examined myself in the huge mirror and a lot of thoughts crossed my mind.
I, for a second, certainly looked like a regal woman.
Sinuot ko na ang 4 inch red heels at sinubukang maglakad lakad. Hindi naman ako natapilok kaya siguro'y okay na ito. Kaya ko nang palipasin ang buong gabi suot to.
Lumabas na ako dala ang purse na kakulay ng dress, nakalagay doon ang isang phone na number lang ni Klaud at Andreas ang naka-save at petty cash.
"Are you ready, Ma'am?" bungad sakin ni Klaud at prinisenta ang kamay niya bago kami naglalakad kami pababa nitong grand staircase ng bahay ni Andreas.
"Yes." tipid kong sagot at itinuon ang sarili sa nilalakaran ko.
Dumiretso kami sa nakaparadang van at pumasok na. May mga nakasunod na dalawang kotse habang bumabyahe kami. Mga nasa anim yata kaming nasa loob nitong van at puro iyon mga tauhan ni Andreas.
Iba rin itong van sa nasakyan namin noong dinampot kami ng mga tauhan niya.
Mabilis kaming nakarating sa isang napakalaking mansion, mas malaki pa yata ito sa bahay ni Andreas. Lahat ng sulok ay may mga gwardiya.
Iprinisenta ni Klaud ang braso niya para hawakan ko habang naglalakad papasok sa loob ng compound. We were asked a few questions by the guard before he allowed us to get inside. Hindi ako nakinig dahil si Klaud na ang sumasagot sa mga katanungan ng lalaki.
Dumiretso kami sa loob, sa pangalawang palapag nitong mansion at binagtas ang isang hallway patungo sa isang secluded area. The atmosphere was cold and it was giving me an eerie vibe.
Nang mabuksan na ni Klaud ang pinto sa isang room ay nagulat ako sa nasaksihan.
May mga nakaupong lalaki na humihithit ng kung ano, may mga babae ring nakaupo sa mga hita nila at animo'y nage-enjoy sa kung ano mang pinaggagawa nila. There were girls dancing in front wearing almost nothing. If not because of those sparkling shorts and bra, I wouldn't notice them wearing anything at all. Ang ibang mga naroon ay naglalaro ng poker.
YOU ARE READING
RAMSEY [TDH - V]
RomanceANDREAS DUNCAN RAMSEY A notable businessman, a car racer, and a jewelry collector. Unlike the other members of the "The Gentlemen's Club", Andreas has always been a heartbreaker. A womanizer and everybody knows that side of him. His cold, detached...