LETIZIA AMANDA
"Ate, ito oh." may inabot na envelope si Kit sa akin at tinanggap ko naman agad iyon, bago ko pa man mabuksan ay nagsalita pa siya. "Napanalunan ko 'yan sa laro namin."
"Talaga? Congrats, Kit!" niyakap ko siya, pagkatapos ay tinignan ko na ang maliit na envelope. Nagulat ako nang makita kung magkano ang laman no'n. "Napakalaki naman nito, Kit?"
"Nako, ate!" aniya. "Maraming sponsor iyong liga na nilaruan namin, championship game iyon."
"Huwag mo akong pinagloloko, Kit!" seryosong saad ko sa kapatid ko at pinandilatan siya ng mata. Pero imbes na matakot ay tinawanan lang niya ako. "May premyo bang 50k?"
"Maniwala ka sakin, ate Liz. Yan ang hati ko sa panalo namin, maliit pa nga yan kumpara roon sa mga star player sa team namin eh."
Nagbuntong hininga ako at tumango.
"Siguraduhin mo lang talaga, bata ka! Baka kung saan mo 'to nakuha, kukurutin ko talaga 'yang singit mo." sabi ko at nilagay na sa bag ko ang pera.
Kahit papaano ay magagamit ko itong peta para makapagbayad ng kuryente, tubig, at mga utang. Makakapag-grocery na rin ako ng kakailanganin namin sa loob ng dalawang buwan.
"Kumain ka na diyan, aalis na ako. Huwag mo na akong hintayin, ha? May duplicate ako ng susi nitong bahay kaya matulog ka ng maaga." paalam ko at binitbit na ang bag.
"Ingat ka sa trabaho, ate Liz."
Tumango ako at nilisan na ang bahay.
Pasado alas siete na ng gabi ng makaalis ako ng bahay at maga-alas otso na ng makarating ako sa The Wildfire.
Magsisimula ang trabaho ko nang alas nuebe ng gabi, kasama ko sila Xia, Ally, at Magne sa pagsasayaw kaya hindi na masyadong nakakahiya.
Niready ko na ang sarili at pinatay ang oras habang nanonood sa mga taong umiinom sa loob ng bar.
Nilapitan kami ni Miss Ivory — manager ng bar, at binigyan ng instructions.
"Bibisita ulit ang mga kaibigan ng boss dito sa bar, dadating sila maya maya kaya mas mabuting simulan niyo na ang pagsayaw habang wala pa sila." aniya. "Would that be fine for the four of you?"
"Yes Ma'am." sabay na sagot naming apat.
"Perfect! I also want to commend you girls, you all look ravishing tonight!"
"Thank you, Ma'am." sagot namin at naghanda na.
Isa isa kaming pumwesto sa stage at sumayaw, the audience were looking at us, especially men. Their stares were piercing our soul with a hint of lust in their eyes.
Napansin kong dumating na ang mga kaibigan ng boss namin at pumwesto sa may VVIP deck. Napako ang titig ko sa isang kaibigan niya. I may not clearly see his face but he was easy to notice.
Our bossʼ friends are truly handsome. I now know why 60% of the employees are girls.
Kahit sa malayo ay tanaw na tanaw ko ang pag iinuman nilang magkakaibigan habang taimtim na pinapanood ako ng lalaking iyon. Hindi ko alam kung anong pangalan niya.
Mahigit 30 minutes kaming sumasayaw nang mapansin kong lumapit sa gilid ng stage si Miss Ivory.
"Girls!" katam-tamang lakas niyang tinawag kami, napalingon naman kami kaagad at lumapit sa kanya.
"Yes po, Ma'am?" ako ang sumagot para saming apat.
"Mr. Bradley and his friends want to meet the four of you in the VVIP deck. Would you mind having a quick stop in the Deck?"
YOU ARE READING
RAMSEY [TDH - V]
RomanceANDREAS DUNCAN RAMSEY A notable businessman, a car racer, and a jewelry collector. Unlike the other members of the "The Gentlemen's Club", Andreas has always been a heartbreaker. A womanizer and everybody knows that side of him. His cold, detached...