LETIZIA AMANDA
Sa mga sumunod na araw ay wala akong ibang inatupag kundi kainin ang mga tub ng ice cream na pinamili namin no'ng nakaraan. Sa tuwing kakain ako ay inaaya ko ang mga tao sa bahay at tuwing tatanggi sila ay umaakto akong galit para mapilitan silang kumain.
Ayaw ko namang kapag nalaman ni Andreas na ang dami kong ipinabiling ice cream ay ako lang ang mapagalitan.
Sarap na sarap akong kumain ng ice cream dahil bilang lang sa mga daliri ko ang mga beses na kumain ako ng ice cream, hindi ito importante sa amin ng kapatid ko dahil mas inuuna namin ang kanin at ulam para mabusog kami.
Kakaubos ko lang ng isang tub at kumuha ako ulit ng isa pa para dalahin sa living room. Hindi pa man ako nakakaupo sa couch ay biglang bumukas ang pinto at napatanga ako sa dumating.
Si Andreas at Olivia.
Naka-angkla ang kamay ni Olivia sa braso ni Andreas na para bang may nakadikit na glue roon.
Hindi ko namalayang naiwan ang kutsara sa bibig ko habang hawak hawak ko ito. Titig na titig lang ako sa kanila at ganon din sila sakin.
"Hi, Letizia!" pagbati ni Olivia sakin ng nakangiti pero hindi ko alam kung bakit biglang nagiinit ang ulo ko sa kanya. "It's good to see you again, are you okay now?"
Kinamusta niya ako. I know what she's trying to imply and I don't understand why she has to bring it up again?
"Ah," napahinto ako bigla nang maramdaman ko ang kutsara sa bibig ko. Dali dali ko itong ibinaba at tumikhim bago sumagot. "Medyo okay naman ako, unti unti ko lang kinakalimutan ang mga dapat ay hindi na pinaguusapan pa." sinikap kong hindi mautal at ngumiti ng pilit sa kanya.
"Well, yeah!" masigla niyang ani. "If that happened to me, I swear, I'd rather die than continue my life!"
Naiilang akong nagiwas ng tingin at umupo nalang. Hula ko naman ay didiretso sila sa taas kaya binuksan ko nalang ang tub at sumubo ng ice cream.
"So," umupo si Olivia sa harap ko at ngumiti na naman. "How did you manage to escape that freak?"
"H-huh?" maang kong tanong.
Why is she asking about him?!
Hindi ba siya marunong makiramdam?!
"He was a lot bigger than you, so, I'm asking how did you escape him from," nakakaloko siyang ngumisi. "From being... fucked?"
"What?!" kunot noo kong bulalas at sinamaan siya ng tingin. Nagbago kaagad ang ekspresiyon sa mukha niya at inirapan ko siya ng walang alinlangan.
"Don't you wanna talk about it?" she asked again.
"Yeah," mariin kong sagot. "I don't wanna talk about it with anyone, not even you. So if you are woman enough, stop asking me about what happened."
"What?!" siya naman ang nagulat. Bakas ang inis at pagkairita niya sa akin dahil sa paraan ng pagsagot ko sa kanya. "Come on, you don't have to be rude at me, Letizia!" aniya pa.
"And you don't have to be so insenstive towards my feelings, miss." sumandal na ako sa couch at itinuon ang atensiyon sa ice cream.
Minsan na nga lang makakain ng masarap na ice cream, may mga bwisit pa sa paligid na animo'y hinulma bilang tao pero walang puso! Hindi makaramdam!
"I wasn't insensitive about it, I was even concerned! Gosh! I didn't know you're keeping rude sex slaves in your house —"
"Enough, Olivia." maawtoridad na suway ni Andreas sa kanya at pabagsak siyang naglakad papalapit sa lalaki.
YOU ARE READING
RAMSEY [TDH - V]
RomanceANDREAS DUNCAN RAMSEY A notable businessman, a car racer, and a jewelry collector. Unlike the other members of the "The Gentlemen's Club", Andreas has always been a heartbreaker. A womanizer and everybody knows that side of him. His cold, detached...