LETIZIA AMANDA
8th day of having no contact with Andreas again.
I'm not overthinking why he hasn't showed for the past days. But I'm not celebrating his absence, after all, we still have a contract to deal with, and without him here, it feels quite perturbing because there's a big chance that what Miss Sabrina said might not be true. My stay in his house might be prolonged rather than what we've expected; 1 week.
Ang mga tauhan ni Andreas ay hindi rin masyadong mahigpit sa akin, hinahayaan lang nila akong maglakad lakad sa loob ng subdivision, siguro ay alam nilang hindi ako pwedeng tumakas kahit gustuhin ko man dahil buhay ng kapatid ko ang nakasalalay sa kasunduan namin ng boss nila.
Tinungo ko ang maid's quarter sa kanang bahagi ng bahay at hinanap sila Marie at Blair. Binuksan ko ang kwarto nila pero wala sila roon. Siguro'y may importante silang pinuntahan o inutusan sila ng majordoma.
Napagdesisyonan kong lumabas mag-isa sa subdivision at naglakad patungo sa children's park ng lugar. Tahimik at wala ako medyong makitang mga tao na pumapasyal doon simula no'ng nakapunta ako rito. Hindi yata hilig ng mga mayayaman na payagan ang mga anak nilang pumasyal sa ganitong lugar.
Lampas alas singko na ng hapon at palubog na ang araw.
Inikot ko ang paningin at sa hindi kalayuan ay may nakita akong grupo ng mga taong may dala dalang mga camera at papunta sa direksyon ko.
Baka ay naligaw lang sila at kailangang magtanong sa'kin. Pero wala naman akong maisasagot sa kanila dahil wala rin akong alam sa pasikot sikot nitong subdivision.
Nang papalapit sila ay isa isa na silang tumakbo at hinanda ang mga camerang hawak. Napatayo ako dahil sa mga inaakto nila.
"Ma'am, we're live on The Elite Channel right now," pasigaw na sambit ng babaeng may hawak na maliit na mic. "We noticed that you're staying in Andreas Ramsey's house for a while now, and our avid viewers are curious of your relationship with Andreas Ramsey."
Nagsimula akong kabahan sa mga sinasabi ng babae at wala akong maisip na sagot sa mga posibleng tanong nila.
"Are you the reason why Andreas Ramsey ended his relationship with his ex-flings — Patek Dvorak and Vlada Rostilav?" tanong ng isa pang reporter at tinuon sa akin ang mic.
Kabado akong napangiti at halos masilaw sa sinag ng araw na nakatutok sa amin.
"Wala po akong alam sa mga ganap sa buhay ni Mr. Andreas —"
"So, are you his girlfriend or you're just his new flavor or the week?" pagputol sa akin ng babae.
"Hindi niya ako girlfriend —"
"Tell us your relationship with him, Miss..."
"Wala po kaming relasyon, nagt-trabaho lang po ako sa kanya..."
Hindi ko na alam kung tama pa ba ang sinagot ko o isa ito sa magiging dahilan ng galit ni Andreas sa akin.
"What's your job with him? Why are you staying in his house? Why is he staying here too and not on his new house?" the reporter was eager to ask me questions that I have no answer for.
YOU ARE READING
RAMSEY [TDH - V]
RomanceANDREAS DUNCAN RAMSEY A notable businessman, a car racer, and a jewelry collector. Unlike the other members of the "The Gentlemen's Club", Andreas has always been a heartbreaker. A womanizer and everybody knows that side of him. His cold, detached...