LETIZIA AMANDA
"Saan ang punta niyo, Marie?" umupo ako sa upuan nitong counter top. "Blair?"
"Grocery day ngayon, Zia." sagot ni Marie. Hindi ko alam kung bakit panay Zia na ang tawag nilang dalawa sa akin.
"Tsaka, huwag ka nang magtaka kung bakit Zia tawag namin sayo, mahaba kasi masyado kung Letizia!" natatawa sabat ni Blair at sinandal ang dalawang siko sa harap ko.
"Okay lang," sagot ko at tipid na nginitian sila. "Kung saan kayo kumportable..."
"Oh sya!" saad ni Blair. "Pupunta na muna kami, babalik kami kaagad —"
"Pwede bang sumama?" mahina kong pagsasalita at nagkatinginan naman sila.
"A-ah..." si Marie iyon at napatingin sakin.
"Okay lang naman kung hindi —"
"Ano ka ba! Siyempre, okay lang no!" hindi na ako pinatapos ni Blair at hinila na ako papalabas.
Naiwan ko ang cellphone ko sa taas at hindi na ako nag atubiling kuhanin iyon dahil hindi ko naman iyon nagagamit madalas. Wala rin naman akong gagawin talaga doon dahil wala ang number ng kapatid ko.
Namimiss ko na si Kit...
Matagal tagal na rin kaming hindi nagkikita, sana lang ay maayos ang kalagayan niya. Hindi rin magtatagal ay makakasama ko na siya ulit.
Konting tiis, Letizia. Panigurado'y sa susunod na mga araw ay pagsasawaan ka na ni Andreas.
Napangiti ako sa sariling naisip at hindi ko namalayang nakarating na pala kami sa Urban Pointe.
Ang nagiisang malaking grocery store rito sa buong city. Kadalasang pumupunta rito ay mga negosyanteng may business na sari-sari store rin.
"Marami ba kayong ipamimili?" tanong ko nang makababa kami sa van at pumasok na sa loob ng grocery store.
"Yes, Z." sagot ni Marie.
Ngayon naman ay Z ang tawag niya sakin. Pakonti nang pakonti ang pangalan ko sa kanya. Lihim akong ngumiti dahil sa mga naiisip ko.
Nauna kaming pumunta sa section ng pangkusina. Lahat ng mga kakailanganin ay pinagkukuha na nilang dalawa. Mula sa toyo, suka, at iba pa. At hindi talaga nila tinipid ang mga kitchen condiments, ultimo asukal at asin ay malalaking pack ang kinuha nila.
Sunod kaming napunta sa mga canned goods.
Spam Luncheon Meat
Delimondo Corned Beef.
Santo Amaro Sardines.
Century Tuna.
At kung ano ano pa.
Napunta na rin kami sa fresh milk section. Humablot din sila ng limang 1 litre na Nestle Fresh Milk at nagpatuloy na sa coffee section.
Nauna na akong pumunta sa kanilang shelf na puro noodles ang nakadisplay.
Akmang kukuha na ako at saktong dumating sila Marie kasama ang iilan sa tauhan ni Andreas na nagtutulak ng cart namin.
"Ayaw ni Sir ng noodles, Z." saad ni Blair. Nilingon ko naman siya at kunot noong tinitigan. "Ayaw niya kumain ng instant noodles."
"Bakit naman daw?" takang tanong ko.
"Nakakasira raw ng kalusugan, kaya sa tagal naming nagttrabaho sa kanya, itong shelf lang na to ang hindi namin pinupuntahan." aniya.
YOU ARE READING
RAMSEY [TDH - V]
RomanceANDREAS DUNCAN RAMSEY A notable businessman, a car racer, and a jewelry collector. Unlike the other members of the "The Gentlemen's Club", Andreas has always been a heartbreaker. A womanizer and everybody knows that side of him. His cold, detached...