LETIZIA AMANDA
Nagising ako sa sinag ng araw at dahan dahang nilibot ang paningin sa kabuuan nitong kwartong kinaroroonan ko.
Napagtanto kong wala si Kit dito kaya kahit wala akong lakas ay pinilit kong tumayo at lumabas ng kwarto.
"Kit!" hindi kalakasan ang boses ko. Nagsimula na akong umiyak dahil baka kung ano nang ginawa nila sa kapatid ko. Hindi ko kayang mawala siya sa piling ko, ikakamatay ko iyon.
"Kit, nasaan ka!" I tried raising my voice once more but these goons showed up instead of my brother.
"H-huwag niyo akong lapitan..." saad ko. "Ilabas niyo ang kapatid ko, p-please." namamaos kong pakiusap.
"Letizia," a familiar voice uttered my name, but I was too clouded with tears to recognize who this person was.
"It's me, Andreas. Remember?" aniya.
"A-andreas?" kabado kong sambit. "B-bakit nandito ka?"
"Where are you going?" instead of answering my question, he diverted the topic.
"N-nasaan ang kapatid ko? S-saan niyo siya dinala?! Ilabas niyo ang kapatid ko, parang awa niyo na." humagulgol ako ng iyak. Sinubukan kong tignan ang paligid ngunit wala rito ang kapatid ko.
"He's on the other room, Letizia. Don't worry, my doctors already checked your brother. He's fine now." sagot ni Andreas.
"G-gusto ko siyang m-makita." pakiusap ko at sinubukang humakbang ngunit tuluyan na akong nawalan ng balanse. Mabuti nalang at agad akong nalapitan ni Andreas kaya hindi ako natumba ng tuluyan.
Inalalayan ako ni Andreas papasok sa isang kwarto at nakita ko ang kapatid kong nakahiga sa kama. May mga bondage na rin ang mga sugat niya.
Nilapitan ko kaagad ang kapatid ko at niyakap ng mahigpit. Hinalikan ko ang noo niya at pinahiran ko ang mga luhang umaagos sa mga mata ko.
"Kit," tawag ko sa pangalan niya.
Sana ay magising na ang kapatid ko.
"I'm sorry for what happened to you and to your brother, Letizia." wika ni Andreas.
"Anong suitcase ba ang tinutukoy niyo?" galit kong sambit.
"Your brother stole my suitcase, Letizia." may bakas ng galit sa boses niya.
"Ano klaseng suitcase ba? Bakit kailangang saktan niyo kami..."
"That suitcase have 500 million money, Letizia. Your brother stole it. And I bet you know about this, huh?"
"Wala akong alam..." mahina kong tugon. "Biktima lang din ang kapatid ko..."
He sarcastically laughed. "I hardly think so, sweetheart."
"Maniwala ka, please." tumayo ako at nilapitan niya. "Umamin sa akin ang kapatid ko. Ang mga kaibigan niya ang nagnakaw sa suitcase mo, pinilit lang din siya ng mga kaibigan niya."
"And you believe your brother?" humakbang din siya papalapit sakin. Halos magdikit na kami dahil sa lapit namin sa isa't isa.
"Oo. Alam kong hindi magagawang magnakaw ng kapatid ko. Wala sa kanya ang suitcase mo, kung gusto mong mabawi ang pera mo, hindi ang kapatid ko ang dapat mong pinuntahan..."
"Don't try to manipulate me, Letizia. We're not in the bar anymore. And may I remind you that you're in my territory." malalim ang boses niya.
"Nagsasabi ako ng totoo..." pagsusumamo ko.
Nakaramdam ako ng pagkahilo, itim at puti na ang paningin ko at parang umiikot ang mundo ko.
I almost fell on the floor but Andreas was quick to catch me.
YOU ARE READING
RAMSEY [TDH - V]
RomanceANDREAS DUNCAN RAMSEY A notable businessman, a car racer, and a jewelry collector. Unlike the other members of the "The Gentlemen's Club", Andreas has always been a heartbreaker. A womanizer and everybody knows that side of him. His cold, detached...