Chapter 30

851 7 0
                                    

LETIZIA AMANDA

"Mommy! Look, I got a perfect grade!" ani ni Kadmus habang tumatakbo papalapit sa akin at naupo sa sofa.

"Really?!" hinimas ko ang buhok niya at inayos iyon.

"Yes, mommy! My teacher said I'm a genius that's why I got the highest grade in our class! And she said that you should go to the school this afternoon because she has something to tell you."

Anong araw nga ba ngayon? Napaisip ako.

February 14? Napakunot ako.

Valentine's Day pala.

"Kadmus, do you know what's special about today's date?" tanong ko.

"It's St. Valentine's Day!" aniya. "Happy Heart's Day, mommy!"

"Happy Valentine's Day to you too, baby!" hinalikan ko ang noo niya. "Mommy's gonna get ready for your recognition, okay? For now, ask tita Marie to prepare your food since it's lunch time already..."

Tumango siya at tumakbo na naman papunta sa kitchen.

Dahan dahan akong pumunta sa kwarto namin ni Andreas para magbihis. Simpleng floral dress lang ang isinuot ko at naglagay lang ng lipstick para hindi ako maputla tignan.

Pagkatapos ay bumaba na ako dala ang handbag ko na may lamang wallet, perfume, tissue, sunglasses, at cellphone.

Naupo ako sa isang chair at pinanood si Marie na subuan si Kadmus. Okupado masyado si Kadmus kakanood ng mga facts and trivias video sa youtube.

"Nakakuha raw ng highest grade sa klase nila at pinapatawag ako ng teacher niya dahil kakausapin daw ako." sabi ko kay Marie.

"Oo nga, Z. Deserve talaga ni Kadmus ang grade na natanggap niya kasi ang galing niya sa eskwelahan! Anak yata to ni Isaac Newton si Kadmus eh!"

Natawa kaming dalawa at lumingo lingo ako sa kabaliwang naisip ni Marie. Maya maya pa ay sumali sa usapan namin si Blair na may dalang pagkain sa plate niya.

"Tignan mo naman iyang pinapanood niya, Marie. About science ba naman? Sinong hindi tatalino kung ganiyan papanoorin imbes na maglaro ng kung anong online games diba?"

"Aba! Oo nga no? Bakit ganiyan ang pinapanood niya? Matatanggap ko pa kung pang bata dahil bata pa naman tong si Kadmus, kaso bakit pang pang matanda na yang pinapanood niya?!"

"Baka kasi hilig niya ang mga ganyang video kaya invested siya masyadong panoorin. Ayos na rin yan no, atleast sa may kabuluhang bagay natutoon ang atensyon niya..." sabad ni Blair.

"Makakapaghintay naman ang mga ganyang kaalaman no! Gusto kong magenjoy si Kadmus sa pagiging bata niya dahil minsan lang siya maging inosente!" buntong hininga ko at pinanood ang anak kong seryosong seryoso sa pakikinig sa video.

"Nakakapaglaro naman si Kadmus sa eskwelahan, marami pa nga siyang kaibigan eh." saad ni Marie.

"Ayon naman pala! Balanse lang naman pala, huwag ka nang sumimangot diyan, Z. Makakasama iyan sa baby."

Nang matapos kumain si Kadmus ay bumalik na siya sa kwarto niya at ipinagpatuloy ang panonood ng videos. Sinabihan ko na rin si Marie na after 1 hour ay ititigil muna ni Kadmus ang paghawak ng iPad at dapat ay pumasyal muna siya sa playground.

RAMSEY [TDH - V] Where stories live. Discover now