Chapter 28

781 14 0
                                    

LETIZIA AMANDA


"Kadmus Létrault Mendez ang pangalan mo, okay? From now on, if someone asks for your name, you'll tell them that your name is Kadmus!" sinusubuan ko siya ng afternoon snack niya.

Ni-enrol ko na rin si Kadmus sa isang private school na pagaari rin ng kaibigan ni Andreas na si Iain De Loughrey.

Grade 1 ang baitang ni Kadmus ngayong balikan ng klase sa January, hindi sana papayag ang administration dahil December na ngayon, pero nagawan na ng paraan ni Andreas kaya hinihintay nalang namin na mag-January para makapasok na siya.

We ran some tests and background check for him and we found out that he's only 7 years old, yet the identity of his parents remains unknown.

Ngayon din darating ang birth certificate ni Kadmus pati na ang mga legal na dokumentong nagpapatunay na anak ko na siya! Hindi lang ako natutuwa, dahil sobra sobra na ang excitement sa puso ko.

Si Andreas ang nagpresentang magprocess ng mga dokumento ni Kadmus para raw hindi na ako maistress pa, hinayaan ko nalang siya sa gusto niya at hindi na nagpumilit. Hindi kasi madaling magprocess ng mga dokumento ngayon at wala naman akong espesyal na koneksyon kaya baka abutin ako ng siyam siyam kapag ako ang umasikaso no'n.

I know that he's not my child by blood, but that doesn't stop me from deciding and owning him as my own child.

"Mommy, tapos na ako! Pwede na ako maglaro roon sa playground?" tukoy niya sa kid's playground sa loob nitong Oaks Spiral Village.

"Hindi pa! Kakatapos mo pa lang, hindi pa natutunaw ang kinain mo, anak!" suway ko at ngumiti pa rin sakin si Kadmus.

Kadmus doesn't oppose me nor he gives me a bad attitude ever since. Bagkus ay napaka masunurin niya, he understands whatever I say to him and I'm thankful because we're not having a hard time adjusting to each other.

Bigla kong naisip si Andreas. Kadmus doesn't call him anything but a Sir. It's not that Andreas told him to address him that, but it's what I wanted. I don't know but I can't just decide whether Andreas accepts or refuses to treat Kadmus as his own child. It's his right and it's up to him.

Hindi naman masama ang loob ni Andreas sa bata, kada umuuwi pa nga siya ay madala siya palaging pasalubong kay Kadmus. It's either food or toys.

I'm happy with my life now.

Anim na buwang buntis na ako ngayon at hindi ako makapaniwala dahil sa bilis ng panahon. Hinimas ko ang tiyan ko at lumalaki na nga ito masyado, kumpara noon. Bigla nalang lumobo at bumibigat na.

Kung dati ang timbang ko lang ay 50 kilos, ngayon 62 kilos na. Ang laki ng nadagdag na timbang sakin, totoo ngang tumataba na ako.

"Mommy, let's stroll outside... Diba kapag naglalakad ay mas napapadali ang pag-digest ng pagkain?" he uttered and I smiled.

Simula nang bigyan ko ng iPad si Kadmus, puros mga videos about science ang pinapanood niya. Hindi ko nga alam at bakit sa murang edad niya ay nagiging interesado na siya sa mga ganoong information.

Pati na rin ang mga video patungkol sa iba't ibang lenggwahe ng ibang bansa. Minsan nagsasalita siya magisa at binibigkas ang mga salitang hindi ko maintindihan!

RAMSEY [TDH - V] Where stories live. Discover now