LETIZIA AMANDA
Simula nang matapos ang kontrata namin ni Andreas, natapos na rin ang pagbabantay ng mga tauhan niya sakin. Mag-isa nalang ako tuwing dadalaw ako sa puntod ng kapatid ko, at masaya ako kasi natututunan ko na ulit ang mamuhay mag-isa.
Nang matapos akong dumalaw sa puntod ng kapatid ko, ay dumiretso ako sa mall para pumasyal.
Napangiti ako nang maalala kung ano ang okasyon ngayong araw. Ni-dial ko ang number ni Marie.
"Hello?" bati ko.
Z! Kamusta ka na? Ano't napatawag ka?
"Wala ba kayong ginagawa ngayon? Yayayain ko sana kayong dalawa ni Blair para pumasyal..."
Wala naman na! Anong meron bakit may pagpasyal kang nalalaman?
Marie's tone was excited. I could imagine her face lighten up.
"Basta!" I chuckled. "Nandito ako sa Sangria Pointe Mall, punta kayo!"
Sige ba! Magpapahatid nalang kami kay Klaud. Hintayin mo kami diyan!
"Sure! Dito lang naman ako pumapasyal!"
O'siya, sige na! Wait for us. Ibababa ko na tong tawag.
Binaba ko na ang tawag at ibinalik sa shoulder bag ko ang phone.
Happy 25th Birthday, Letizia!
Sigaw ko sa isip.
Nagpatuloy ako sa pagtingin tingin sa mga clothing store at napahinto ako sa isang store nang makita ko ang magandang dress.
Bagay to kay Blair at Marie!
"Miss, I'll take those two dresses, please." sabi ko at itinuro sa sales associate ang mga dress na gusto ko.
"Sure, Ma'am. With the same color or would you like another color variation of these?"
"Same color, Miss." saad ko at nilingon pa ang ibang mga nakadisplay na damit.
"26,498 thousand for two dresses, Ma'am."
Nanlaki ang mata ko sa gulat. Ang mahal naman?!
Kate Spade.
Mamahaling brand din naman pala itong store na pinasukan ko. Kaya mahal ang mga bilihin.
"I'll take that, Miss." wala akong choice. Gusto ko rin talagang regaluhan sila Marie at Blair dahil isang buwan at mahigit na rin kaming hindi nagkita.
May pambayad naman ako dahil may binigay na cars naman si Andreas sakin at may pera namang laman iyon.
"Cash or card, Ma'am?"
"I'll pay in card." nilahad ko kaagad ang card at niswipe niya naman iyon at ibinalik samin. Binalot na niya sa makapal na lagayan ang mga dress at nilagay sa paper bag tig-isa.
Lumabas ako sa store at pumunta sa may centre point nitong mall.
"Z!" sigaw ni Blair sa hindi kalayuan. Binitawan ko ang mga paper bag na dala at sinalubong silang dalawa ng yakap.
"Namiss ka namin!" sabay silang sabi at ngumiti.
"I miss you both, too."
"Aba! Ang laki ng ipinagbago mo ah? Lumaki ang katawan mo!" natatawang tinitigan ako ni Blair.
YOU ARE READING
RAMSEY [TDH - V]
RomanceANDREAS DUNCAN RAMSEY A notable businessman, a car racer, and a jewelry collector. Unlike the other members of the "The Gentlemen's Club", Andreas has always been a heartbreaker. A womanizer and everybody knows that side of him. His cold, detached...