EPILOGUE

1.3K 20 1
                                    

LETIZIA AMANDA

Months later...

"Isang iri pa, Ma'am! Lalabas na ang pangalawang baby niyo. Isang malakas na iri pa!" sigaw ng nurse na siyang kinainis ko lalo!

"Ahhhh!!!" buong lakas kong sigaw at hindi ko na malaman kung gaano kasakit ang panganganak ko ngayon. "Ahhhhh!!!! Hindi ko na kaya!" sigaw ko.

"Inhale, exhale, Ma'am! Last na iri at tuluyan nang lalabas si baby. Isa pa! Isa nalang!"

"Ahhhhhh!!!!!"

Umingay ang delivery room dahil sa iyak ng pangalawang anak ko. Hinang hina akong napapikit dahil sa pinagsamang pagod at sakit ng buong katawan ko. Hindi pala madaling manganak, lalo na at kambal itong ipinanganak ko ngayon lang. Parang binibiyak ako sa sakit!

Walang nagbalak na kausapin ako, miski si Andreas ay tahimik lang ngunit minamasahe ang ulo ko. He's looking at the babies.

Nang matapos ang procedure ay pina-transfer naman ako kaagad sa presidential suite ng Therese Silieux Hospital.

Nakatulog ako nang matapos ang paghihirap ko at ilang oras ang makalipas ay nagising ako, bumungad sa akin ang nurse na pasensyosang hinintay ang paggising ko.

"Sweetheart, the nurse is asking for their names..." sabi ni Andreas.

Binigyan ko ng ilang minuto ang sarili para mabalik sa tamang huwisyo at nagisip ng pangalan nila.

"The first born's name is Heyva Vittoria and the second born will be named Hexxa Valentina," sagot ko.

Ni-spell out ko pa ang mga pangalan at nang tumama ay pinacheck sa akin ng nurse bago siya umalis ng room.

"How are you feeling now?" lumapit sakin si Andreas at naupo sa space nitong hospital bed.

"Medyo masakit ang katawan ko," sagot ko. "Kamusta ang mga anak natin? Ayos lang ba sila?"

"They're fine, sweetheart. They're peacefully sleeping in the crib..."

Ngumiti ako dahil sa kasiyahan. Ngayon lang ako naging ganito ka saya ulit.

Naisip ko na naman ang namayapa kong kapatid. Kung nandito siya, paniguradong buong magdamag niyang tititigan ang mga pamangkin niya. Baka nga ay siya pa ang magbigay ng pangalan nila eh.

Nitong mga nakaraang buwan, hindi na ako masyadong nakakabisita kay Kit dahil na rin sa pagbubuntis ko. Hindi na ako advised masyado na umalis ng bahay dahil mas maselan na ang pagbubuntis ko.

But each night, I prayed for him. I prayed for Kit's soul and for our family's peace and happiness.

Mahirap para sakin ang mamuhay ng wala ang kapatid ko pero ngayon, may rason na ulit ako para magpakatatag. At iyon ang mga anak namin ni Andreas. They are the reasons why I get to smile genuinely again, they are the reasons why I'm excited for what's the future have for us.

AFTER 3 DAYS ay dinischarge na kami ng doctor at magkakasama kaming pamilya na umuwi ng bahay. Malugod kaming sinalubong ng mga tauhan ni Andreas, lalo na si Marie at Blair.

Everyone was happy to see our twins, everybody was just rejoicing to see the new source of happiness of this family.

Kadmus couldn't stop staring at his sisters, he even said that he won't go to school because he wanted to look after his sisters.

You've reached the end of published parts.

⏰ Last updated: Dec 28, 2023 ⏰

Add this story to your Library to get notified about new parts!

RAMSEY [TDH - V] Where stories live. Discover now