LETIZIA AMANDA
Duwal ako ng duwal nang magising ako. Halos maiyak na ako at isuka ko na lahat ng lamang loob ko dahil sa sama ng pakiramdam ko.
Lupaypay akong tumayo at naligo na nang wala na akong maisuka. Wala talaga akong maisip na dahilan kung bakit ganito ka sama ang pakiramdam ko ngayon.
Hindi naman ako nilalagnat pero feeling ko talaga ay may mali.
Lumipas ang mga oras na wala akong ginawa kung hindi ang tumunganga sa couch sa sala namin at nanood ng TV habang kumakain ng junkfoods.
Biglang nag ring ang phone ko kaya inabot ko iyon at sinagot.
"Hello?" bungad ko.
Hey.
"Hi, bakit napatawag ka?"
Kutob ko'y nagsumbong si Olivia sa kanya kaya tumawag siya ngayon.
"May kinalaman ba ito kay Olivia? Utang na loob, wala ako sa mood para pagusapan ang babaeng iyon kaya kung may balak kang pagalitan ako, sa ibang araw nalang, Andreas."
Mahinahon pa rin akong nagsalita sa kanya kahit sumasama na naman ang pakiramdam ko nang maisip ang higad na si Olivia.
What are you talking about? What's with Olivia?
Gumuhit agad ang masasamang ekspresyon sa mukha ko dahilan nang pagnguya ko na naman ng junkfoods.
"Wala naman! Akala ko kasi ay tumawag ka dahil sa kanya." sagot ko. "Bakit ka pala napatawag?"
My friends are partying here in my house. I thought maybe you could give yourself some time to enjoy?
"Talaga? Bakit naman mag party?"
Alejandro Yilmaz came back in the Philippines together with his family and my friends are complete tonight to celebrate his arrival. Do you want me to pick you up?
"Nandiyan ba si Olivia?" agad kong tanong.
She's not here. Why the hell would I invite her?
"Eh bakit mo rin ako iniimbitahang pumunta? Hindi ko naman kaibigan yang mga kaibigan mo eh." diretsahan kong tugon.
Because I want you to have fun, and I know you will. Why do you have to ask a lot of questions, Letizia?
Nawawalan na ng pasensya si Andreas at obvious yon sa tono ng pagsagot niya sakin.
"Okay, sige. Magbibihis lang ako." sagot ko.
Alright. I'll come over now.
Hindi man lang siya nagpaalam na ibababa na niya ang telepono kaya imbes na mainis ay nagbihis nalang ako ng dress na medyo maluwag dahil lumulobo ang katawan ko.
Kakakain mo yan Letizia!
Madali akong natapos sa pagaayos ng sarili at tinignan ko ang repleksyon sa salamin. Okay naman na ang mukha ko at maganda naman itong damit na napili ko kaya siguro naman ay pasado na to para sa party nila.
YOU ARE READING
RAMSEY [TDH - V]
RomansaANDREAS DUNCAN RAMSEY A notable businessman, a car racer, and a jewelry collector. Unlike the other members of the "The Gentlemen's Club", Andreas has always been a heartbreaker. A womanizer and everybody knows that side of him. His cold, detached...