Chapter 23

757 13 0
                                    

LETIZIA AMANDA

Dalawang buwan na nang mailibing ang kapatid ko. Wala ni isang araw na hindi ako bumisita sa puntod niya. Walang palya ang pagbisita ko dahil sa ganoong paraan naipaparamdam ko sa kanya kung gaano ko siya kamahal kahit wala na siya sa mundong ito.

Ang hirap. Sobrang hirap.

Wala akong lakas para gumising bawat araw. Si Kit ang lakas ko eh. Siya lang ang tanging rason kung bakit pinapalakas ko ang loob ko, at siya rin ang rason kung bakit ang nanghihina na ako.

Habang nakatitig sa pangalan niya ay hindi ko maiwasang umiyak. Tuwing dadalaw ako sa kanya ay nauuwi lang lagi sa pagiyak.

Miss na miss na kita Kit.

Kamusta ka na riyan sa langit? Masaya ka ba?

Mahal na mahal kita, bunso...

Pinahid ko ang mga luha at tinignan ang relo ko.

4:12 P.M

Dalawang oras na pala akong nandito sa mausoleum niya. Nilingon ko si Klaud at mapait na ngumiti.

"Tara na, Klaud..." anyaya ko at agad naman niya akong inalalayan sa paglalakad palabas ng mausoleum.

"Pwede bang maglakad muna tayo palabas dito sa sementeryo?" nagaatubiling tumango si Klaud.

Matamlay akong ngumiti dahil pumayag siya sa hiling ko. Mahigit sampu ang kasama kong bodyguard at lahat sila ay nakasunod lang sakin. May isa ring naiwan para magmaneho ng van, mabagal din ang takbo nito dahil nakasunod lang sa amin.

Inalala ko lahat ng masasayang araw na kasama ko si Kit, mula pagkabata niya hanggang sa naging binatilyo na siya. Lahat iyon alalang alala ko pa dahil likas na yata sa atin ang hindi makalimot sa alala ng mga importanteng tao satin.

Bagama't wala ako sa pinakamaayos kong lagay, ay nakukuha ko pa ring ngumiti tuwing alaala ni Kit ang pumapasok sa isip ko. You may not be here, but every piece of you are here in my heart and in my mind, Kit.

Nakarating na kami sa may gate na kami nitong cemetery at natanawan ko ang isang bata na nakatayo lang sa may harapan ng cemetery.

Pagkabukas ng gate ay tumakbo siya papalapit sakin at yumakap. Hindi siya marumi o kaya ay mukhang pulubi. Maayos ang damit niya pero bakas sa mata niya ang pagiiyak.

Lumuhod ako para magpantay ang mga mukha namin at malaya kong natititigan ang mukha ng bata.

"Hello!" masigla kong bati pero niyakap niya lang ulit ako. Hinayaan ko lang siya at hinintay na kusa siyang bumitaw sa pagkakayakap.

"May problema ba ikaw?" I calmly asked.

"Opo... Miss ko na kayo, mama..."

Napakunot ang noo ko.

Mama?

Pilit akong ngumiti. "Nagkakamali ka, hindi ako ang mama mo..."

"Pero ikaw po ang mama ko! Tsaka diba sabi mo mama ay iiwan mo ko saglit tapos ay babalik ka? Ang tagal mong bumalik, mama..."

Nagitla ako sa sinabi niyang iyon. Sabik na sabik siyang niyakap ako ulit at hindi ko maintindihan kung bakit nagiging emosyonal na naman ako.

RAMSEY [TDH - V] Where stories live. Discover now